Chapter 5- Girlfriend?

7.4K 213 3
                                    

"Kumusta ang naging imbestigasyon sa kaso ng pagpatay sa hangganan ng lupain natin Anton?..may pag-usad na ba sa kaso?" Tanong ni Papa isang araw nang mapadaan ako sa mansiyon. Umiinom ito ng alak na tila ba malalim ang iniisip. Bakas sa hitsura nito ang problema na dumating sa pamilya namin.

"Hindi pa rin nakilala ang mastermind Papa..patuloy pa rin ang imbestigasyon." wika ko. Napa-igtad ako nang padabog na ibinaba nito ang baso sa mesa.

"Imbestigasyon pa rin?!..that's bullshit Anton!..ilang taon na bang palagi na lang nag-iimbistiga ang mga awtoridad?! at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikilala ang hayup na kriminal na yun?!..ba't ba ang hina ng mga police at NBI na yan?!..Anton, namimiligro na ang buhay nating lahat dito sa Villa pero wala pa ring progress sa kaso!..mga inutil!" galit na wika ni Papa. Napakuyom ako. Galit na naman siya. Sabagay, wala namang araw na hindi siya galit simula nung mawala sa amin ang bunso naming kapatid na si Hestia--our only princess in the family. Simula nung mangyari yun ay palagi na lang itong galit at parang ang turing niya sa aming mga anak niya ay alalay niya.

"Hindi ko kasalanan na matagal ang naging imbestigasyon Papa. I am just a lawyer..hindi ako police o NBI na pagbuntunan mo ng galit. Don't worry Papa, I made my own investigation regarding that matter. Meron na akong konting nakalap na ibedinsiya." wika ko. Matalim niya akong tinitigan.

"Bastos!..wag kang ganyan kung magsalita sa akin Anton. Baka nakakalimutan mong ama mo ako at anak lang kita." mariing wika nito. Pinipigilan ko ang sarili ko na pagsalitaan si Papa. Huminga ako ng malalim. Kinakalma ko ang sarili ko.

"Yun na nga Pa..anak niyo lang ako..anak niyo lang kami at kailanma'y hindi ka namin matutumbasan. Wala din naman kaming plano na tumbasan ang kung anong meron ka Papa dahil ayaw naming maging katulad mo na kinakatakutan ng mga tao at batas sa bawat tauhan. Hindi ko pinangarap na maging isang katulad mo." wika ko at saka tinalikuran siya. Ganun naman palagi eh..wala namang ipinagbago. Minsan nakakapagod na rin. Nakakawala ng gana. Hindi dahil sa nawala na ang isa naming kapatid ay ganun na lang siya palagi. Hindi iyong umiikot lang ang buhay niya sa matagal ng patay at kahit na anong gawin namin ay hindi na babalik pa. Patawarin ako ng kapatid kong si Hestia pero minsan nakakapagod na si Papa na siya na lang palagi ang iniisip gayong andito pa kaming mga anak niya. Hindi lang naman si Hestia ang anak niya. Nakapag-moved on na kami sa nangyari kay Hestia pero si Papa ay andun pa rin sa alaala ng kapatid ko.

"Anak!..mabuti naman at dumalaw ka dito sa mansiyon." nakangiting salubong sa akin ng maganda kong ina. Kahit matanda na si Mama ay napakaganda pa rin nito. Hindi lang maganda sa panlabas kundi pati kalooban nito ay maganda rin. Niyakap ko ito at saka humalik ako sa pisngi nito.

"May pinag-usapan lang kami ni Papa, Ma. Yung tungkol sa kaso ng mga namamatay na mga trabahador sa hangganan ng Villa natin." wika ko. Nag-alala ang mukha nitong nakatitig sa akin. Bakas rin ang takot sa mukha nito.

"Diyos ko..hindi pa rin ba napag-alaman ng mga awtoridad kung sino ang may pakana ng lahat ng to Anak?" nag-alalang wika nito. Umiling ako. Maging ako man ay takot din sa maaaring mangyari sa susunod. Hindi pa namin alam kung sino ang tunay na kalaban. Hindi namin alam kung kailan at kung paano sila susugod dito. Nanganganib ang mga tauhan lalong-lalo na ang buong pamilya ko.

"Hindi pa rin Ma but don't worry gagawin ko naman ang lahat para malinis ang pangalan ni Papa at para matukoy kung sino ba talaga ang mastermind..wala po ba kayong naalala na naging kaaway ni Papa, Ma? kasi yung pumapatay ay mukhang may matinding galit sa pamilya natin eh lalong-lalo na kay Papa." wika ko. Napamaang naman si Mama. Nag-iisip ito.

"Hindi ko alam kung sino ang kalaban ng ama mo. Alam mo namang kilala yan dito dahil sa sobrang malupit at mapagmataas. Baka merong tao na lihim na nagagalit sa kanya. Hindi naman ganyan dati ang ama mo noong..noong.." hindi matapos-tapos na wika ni Mama. Hinawakan ko ito sa kamay. Alam kong nahihirapan din ito sa nangyari noon.

One DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon