Chapter 15- I Owned You!

6.9K 183 2
                                    

"What happened? Anong pumasok diyan sa kukute mo at nag-aya ka sa akin na uminom?" tanong sa akin ni Jake. I smirked at saka tinungga ang isang bote ng hard drink. Inaya ko siyang mag-bar para makapag-inuman kami. Gusto ko munang makalimot kahit sandali sa mga bagay na gumugulo sa isipan ko. I need to have a break.

"To have a break.." simpling sagot ko. Tumawa ito at saka ininum rin ang drinks niya.

"Buti't alam mo ang salitang break...puro ka na lang kasi trabaho at problema ayan tuloy hindi mo na namamalayan na tumatanda ka na at nakakalimutan mo na ang iyong sarili." wika nito. Napangisi ako. Thirty one na ako pero heto binata pa rin. Ang totoo ay gusto ko ng magkaroon ng sariling pamilya. Pangarap namin iyon ni Gabrielle pero naglaho ang pangarap na yun nang ma-aksidente kami at binawian siya ng buhay. Hanggang ngayon ay hindi ko pa napapatawad ang sarili ko sa nangyari. Gabi-gabi ay naiisip ko pa rin ang mga masasayang araw na magkasama kami ni Gabrielle at hindi ko mapigilan na hindi siya pangarapin na sana nandito siya sa tabi ko.

"Darating rin ako sa puntong yan Jake..hindi madali para sa akin na magkapamilya gayong ang pinangarap kong mapapangasawa ay iniwan na ako." wika ko at saka lumagok ng alak.

"It's Gabrielle Trish Sta. Maria again..Maglilimang taon na simula nang mawala siya Buds..Nakokonsensiya ka pa rin ba? Hindi mo naman kasalanan na naaksidente siya." wika nito. Napapailing ako at saka napatawa ng pakla.

"Kasalanan ko pa rin dahil pinilit ko siyang magtanan kami." puno ng pait na wika ko. Tinapik niya ako sa balikat.

"'Tang ina mo Buds, andito tayo to have a break tapos iyan naman ang mga sinasabi mo!..pwede bang iba na lang?..pwedeng si Miss Fajardo na lang?..Sinearch ko kasi siya sa internet at Buds nalilibog na yata ako sa kanya dahil sobrang ganda niya..sigurado ka ba talagang secret agent yun?" wika pa nito. Binatukan ko ito. Maganda na ang pag-e-emot ko tapos si Dennise lang pala ang pag-uusapan.

"Bakit gusto mo?" wika ko.

"Tang na! Oo naman..chicks yun eh! Nai-imagine ko nga siya na sumisigaw sa pangalan ko..she's screaming because of too much pleasure I give her." nakangising wika nito. Nag-init ang ulo ko sa narinig kaya sinapak ko ito. Umiiral na naman ang pagiging playboy nito.

"Gago! ibang babae ang pagpantasyahan mo at wag si Dennise! 'Tang ina mo!" inis na wika ko. Humagalpak ito ng tawa.

"WOw! concern ha!..Buds, akin na lang ang babaeng yun dahil paliligayahin ko siya sa abot ng aking makakaya." wika pa rin nito. Sa inis ko ay tumayo ako at saka kinwelyuhan siya.

"Putang ina mo Jake! tumigil ka sa kakapantasya kay Dennise dahil kung hindi ay makakatikim ka sa akin!" inis na wika ko at saka pabalya itong binitiwan. Natigilan naman ito at saka tinitigan ako na para bang hindi makapaniwala sa ginawa ko. Natigilan rin ako at saka kumalma. Napapailing ako.

"I'm sorry..I have to go Jake dahil marami pa akong gagawin." wika ko at saka tinapik siya sa balikat at saka iniwan. Hindi Ito nakaimik. Iniwan ko siya at saka nagmamadaling umalis.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na tinatahak ang lugar kung saan ko itinago si Dennise. Dumiritso ako sa kwarto kung saan ko siya ikinulong and there I found her sleeping. Bahagya pang nakabuka ang bibig niya. Bigla akong napalunok when I found out that she's wearing a black nighty lingerie at bahagya pang naka-angat ang laylayan ng lingerie nito at kita ko na ang black lacy panty niya. Kitang-kita ko naman ang cleavage niya at halos lumuwa na rin ang dibdib niya na halata naman na wala itong isinuot na bra. Isinuot niya ang mga binili kong damit para sa kanya noong isang araw. Wala naman siyang choice kundi suotin ang mga iyon dahil wala na siyang mga gamit at damit.

One DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon