Impit akong napamura dahil sa sakit ng tali sa paa't kamay ko.
"Fuck you Anton!!..I really hate you!!" Galit na sigaw ko. Humanda ka sa akin Anton. Alam kong may araw ka rin sa akin at ipapalasap ko sayo ang ipinalasap mo sa akin!
Iba talaga ang nagagawa ng pera and Fuck! I am the best agent pero hindi ko napaghandaan ang pag-atake niya. Hindi ko man lang naisip na agad-agad niyang malalaman ang totoong ako. Hindi ko alam dahil ang laki-laki ng kumpiyansa ko sa aking sarili! ang tanga ko talaga!..
Iginala ko ang aking paningin, trying to seek a way on how to escape from here pero wala akong makitang posibling daanan maliban sa pintong nasa harapan ko na alam kong ang dami namang nakabantay na tauhan ng hayop na Anton na iyon. Nagsisisi ako ngayon kung bakit nakipaglapit pa ako sa kanya. He's my evil enemy and I hate the fact na ibinigay ko yung sarili ko sa kanya. Ang tanga-tanga ko talaga!
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at saka pumasok ang taong laman ng isip ko--ang taong labis na kinasusuklaman ko. He's serious habang lumalapit sa akin.
"Kumusta ka na?" tanong niya. Inirapan ko siya. Kung nakakamatay lang ang irap ay kanina ko pa sana siya pinatay. Walang lugar sa mundo ang mga katulad ni Anton--isang kriminal!
"At may gana ka pang magtanong sa akin ng ganyan gayong alam mo kung ano ang kalagayan ko! Eh Gago ka pala!..paano ako magiging okay sa kalagayan ko?!" inis na wika ko.
Nagulat ako nang bigla niya akong hinaplos sa pisngi and I can't help myself to feel the rare emotions towards him. Kahit ayoko ay nararamdaman ko pa rin. Para akong napapaso sa pagdikit ng balat niya sa balat ko. Tila napapasong inilayo ko ang aking mukha sa kanya para hindi niya iyon mahawakan. The nerve of this man!"Hunghang!! anong kailangan mo sa akin?! hayup ka! pakawalan mo ako dito!!" galit na galit na wika ko. He looked at me at pagkaraan ng ilang sandali ay nagbuntong hininga ito at saka tumayo at akmang tatalikuran ako.
"Ganyan ka ba talaga lumaban Anton?!..napaka-unfair mo! you're using your wealth para pagtakpan ang mga kahayupan niyo!!..sisiguraduhin mo lang Anton na hindi ako makakatakas dito dahil ako mismo ang papatay sayo at sa pamilya mo, tandaan mo yan!" mariing wika ko. Huminto ito at saka muli akong nilingon.
"Ang tapang mo Miss Fajardo. Lumalaban ka para sa hustisya ng ama mo kahit na hindi mo naman talaga alam ang totoong nangyari kung paano siya namatay. Alam mo? I can file a case to you dahil pinagbibintangan mo na nga ang ama ko na pumatay sa ama mo ay idinamay mo pa ako at pinagbibintangan ring isang kriminal!..ganyan ka ba kababaw mag-imbestiga Miss Fajardo? hindi mo pa nga nahalungkat ang totoong nangyari ay isusugal mo na kaagad ang iyong sarili at handa ka pang pumatay ng tao para ipaglaban ang hustisyang sinasabi mo..Tsk.Tsk.Tsk. I thought you were the best secret agent in your team. I guessed, I need to talk with your Boss Bromo and tell him how did he chose you as the best secret agent in his team. " wika pa nito.
Napatiim ako. How dare him?! and how did he know Boss Bromo?..Fuck! Did he used his money again? Ipokrito talaga!
Kung hindi lang ako nakatali ngayon ay kanina ko pa pinatay tong hunghang na lalaking to!"Kung makapagsalita ka ay akala mo kung sino ka ng magaling!..Wala ka rin namang kwentang abogado! gumaling at sumikat ka lang dahil sa angkan mo!..you're nothing Anton! wala kang binatbat! dahil kahit alam mong kasalanan ng pamilya mo ay kinakampihan mo pa rin sila! now tell me, iyan ba ang magaling na abogado?!" tiim na tiim na wika ko. Dumilim ang mukha nito at saka napakuyom. Lihim namang nagdiwang ang kalooban ko. Totoo naman ang sinasabi ko na wala siyang binatbat. Tumutulong kuno sa mga mahihirap para makamit ang hustisya pero kapag ang pamilya na niya ang involve at kahit na alam niyang may kasalanan ay kinakampihan niya pa rin..Sabagay, blood is thicker than water kaya kahit alam niyang kasalanan ay kinakampihan niya pa rin. Ano na lang ba ang magagawa ng yaman nila eh halos nga buong Sto.Domingo ay pagmamay-ari nila.
BINABASA MO ANG
One Desire
RomancePanganay sa limang magkakapatid..Simpling tao at may sariling prinsipyo sa buhay. Isa itong abogado at naninindigan para sa hustiya ng mga mahihirap. Dahil sa mga nangyayaring pagpatay ng mga inosenting trabahador sa Villa ay kinailangan niyang mag...