Chapter 8- Someone in the Past

6.2K 186 0
                                    

TOK! TOK! TOK!

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang malalakas na katok ng umagang iyon. Mabilis akong lumabas ng kwarto ng bahay ko sa Villa para pagbuksan ang kung sinong taong kumakatok sa pinto. Sinipat ko ang wall clock. Alas sais pa pala ng umaga. Napakamot ako ng ulo. Ang aga naman. Kakatulog ko lang kasi dahil kakauwi ko lang galing sa NBI at SOCO dahil sa nangyari kagabi. Tinawagan ko sila para matulungan nila ako at mabilis naman silang rumesponde sa pinangyarihan ng krimen.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa harapan ko si Chief Nick Alvarez na head ng NBI at chief Gilbert Natividad na head naman ng SOCO.

"Magandang umaga sayo Seniorito Anton." bati ng mga ito sa akin. Tumango ako.

"Magandang umaga rin sa inyo chief. Anong kailangan niyo sa akin?" wika ko sa mga ito.

"Maaari ka ba naming imbitahan para sa mga ilang katanungan tungkol sa biktimang si Ricardo "Kardo" Dimagiba?." wika ni Chief Nick Alvarez. Napakunot noo ako at saka itinuro ang sarili ko.

"Bakit? may problema ba Chief?" wika ko. Nagkatinginan ang dalawa.

"Ikaw kasi ang nagdala ng biktima sa amin Seniorito. Gusto lang naming marinig ang panig mo at may mga katanungan lang kami sayo." wika ni Chief Gilbert Natividad. I shrugged. Hindi naman ako guilty.

"Okay, magbibihis muna ako." wika ko. Tumango naman ang mga ito. Isa akong abogado kaya alam ko ang mga proseso na ganito.
Pagkatapos kong magbihis ay sumama na ako sa kanila sa presinto at pagdating dun ay hindi ko akalain na may mga media pala na nakapaligid. Andun din ang mga kapatid ko at si Papa. Huminahon lang ako. Kung magkakaipitan ay hindi ako magdadalawang isip na sabihin ang nakita ko. Naupo ako sa gitna kung saan makikita ako ng media at maririnig nila ang kung ano man ang sinabi ko. Nakita ko rin ang pamilya ni Mang Kardo na nandun rin at umiiyak sa sinapit ng mahal nila sa buhay.

"Attorney Anton del Rio, sabihin mo sa amin kung ano ang nakita mo at kung bakit ka nandun sa pinangyarihan ng krimen." wika ni Chief Alvarez. Shit! I know this will happen but I didn't expect this as early as this. Huminga ako ng malalim. Siguro ito na iyong pagkakataon ko para malinis ko na ang pangalan ng angkan namin at ang pangalan ni Papa at para matigil na ang pagpapatay ng mga inosenting trabahador namin.

"Pumunta ako dun sa hangganan para magmanman sa isang taong naka-engkwentro noong mga nakaraang araw na pinaghinalaan kong siya ang gumawa ng krimen pero hindi ko aakalain na iba ang masaksihan ko. I saw everything..kung paano nila pinahirapan si Mang Kardo. I want to help him pero masyadong naging mabilis ang lahat ng mga pangyayari. Binaril nila si Mang Kardo at sinubukan ko siyang tulungan kaya nakipagbarilan ako sa kanila pero nakatakas pa rin sila. A-akala ko ay maililigtas ko si Mang Kardo pero huli na pala ako..he's dead and I am so mad at those two person who killed him." Wika ko. Nagkagulo ang mga tao at ang mga reporters. Ang dami nilang tanong at hindi ko kayang sagutin lahat-lahat yun.

"Meron ka bang ebidensiya Attorney?Paano namin malalaman kung totoo ang mga sinasabi mo kung wala ka man lang maipapakita na ebidensiya na nagpapatunay na totoo ang mga sinasabi mo?" Wika ni Chief Natividad. Napatiim ako at saka napatayo. Lumapit ako sa pamilya ni Mang Kardo at parang dinurog ang puso ko lalo na nang makita ko ang maliliit pa nitong mga anak.

"Aling Maria, wag kayong mag-alala. Tutulungan ko kayong makamit niyo ang hustisya. Bibigyan ko ng katarungan ang pagkamatay ni Mang Kardo." wika ko. Umiiyak ang ginang at hindi makapagsalita dahil sa sobrang sama ng loob dun sa mga kriminal na walang awang pumaslang sa asawa nito. Hinarap ko ang media at ang NBI at SOCO.

"Ibibigay ko sa inyo ang ebidensiya Chief at sana mahuli na ang pumatay kay Mang Kardo at sana dagdagan niyo pa ng seguridad ng lugar. Walang dapat na makapasok sa lugar na iyon at kung meron man ay wag kayong mag-atubili na dakpin ito." wika ko sa mga ito. Hindi sila nakaimik. Tiningnan ko si Papa at napatango-tango lang ito at ganun rin ang mga kapatid ko. Tumango na lang ako at saka tumalikod. Kung kailangang umabot pa sa korte ang kasong to ay hindi ko ito uurungan.

One DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon