Dalawang linggo, tatlong linggo, Isang buwan..isang buwan ng hindi nagpapakita sa akin si Anton and it's like living in hell!
Nagtagumpay siya na hindi ako patahimikin kahit na dilat o nakapikit pa ang mga mata ko..Everytime I closed my eyes ay nararamdaman ko ang mga yakap niya't halik..ang init ng katawan niya na nagbibigay buhay sa buong pagkatao ko. The feeling of him inside me. Hanggang sa pagtulog ko ay napapanaginipan ko siya..na masaya raw kaming dalawa na magkasama.
Sa tuwing gising naman ako ay hinahanap ko ang presensiya niya. Kahit ayoko ay namimissed ko ang mga panahon na inaaway o nag-aaway kami..yung mga panahon na sinasabi niyang pagmamay-ari niya ako.
Pathetic!
Pero iyon ang totoo. It's like a nightmare that keeps on hunting me. Araw-araw ay siya na lang ang naiisip ko. Pinipigilan ko ang sarili ko na makibalita sa kanya because I don't care. Ayokong malaman niya na apektado ako... na nagwagi siya.
"Dennise..kumain ka na. Handa na ang hapunan." wika sa akin ni Tiya. Matamlay akong ngumiti at saka sumunod dito sa hapag. Habang kumakain ay panay ang sulyap niya sa akin. Kaming dalawa lang ang narito sa bahay dahil palaging busy nitong mga huling araw si Tiyo at hindi ko alam kung ano ang pinagkaabalahan nito.
"Baka may gusto kang sabihin sa akin hija." Wika ni Tiya. Napatigil ako at saka umiling.
"Wala po..nasaan po si Tiyo?" wika ko. Bumuntong-hininga ito.
"Inaasikaso niya ang mga papeles lupain natin..He'll give it to Attorney del Rio dahil wala na raw siyang ibang choice. Parang hindi ka naman raw interesado sa yaman natin." wika ni Tiya. Napatingin ako dito at saka napakuyom ako.
"What?!..No!! He can't do that Tiya!! hindi pwedeng mapupunta kay Anton ang para sa akin!" galit na wika ko. Tumayo ako at saka mabilis na tumalikod.
"Dennise!" tawag ni Tiya pero hindi ko siya nilingon. Nagmamadali akong lumabas ng bahay at saka sumakay sa kotse ko. I don't care kung hindi ako nakapagbihis basta maabutan ko lang si Tiyo at Anton! ipaglalaban ko ang para sa akin.
Habang bumibiyahe ay tinawagan ko si Anton.
"Yes Miss Fajardo?" sagot nito sa tawag ko. Bigla akong nakaramdam ng inis nang marinig ko na tinawag ako sa apelyido ko. Napaka-formal ng tawag niya sa akin at hindi na niya ako tinawag na 'sweetie' which I love it to hear.
"Where are you?!" inis na tanong ko.
"I'm sorry..I'm with a meeting Miss Fajardo. Call me later." wika niya. Biglang uminit ang ulo ko.
"Putang ina mo Anton! wag na wag kang magpaka-formal because I hate it!..Where are you?! Si Tiyo ba ang ka-meeting mo?!" galit na galit na wika ko.
"Okay fine..Andito ako sa firm ko. Let see each other later. Bye." wika nito at saka pinutol ang linya. Naibato ko ang phone ko.
Bullshit!
Mabilis kong iniliko ang aking kotse patungo sa firm ni Anton. Galit na galit ako kay Anton! hindi ako makakapayag na akuin niya ang yaman na hindi para sa kanya! Ipaglalaban ko ang karapatan ko!
Ilang sandali pa ay narating ko ang office ni Anton. Tinakbo ko iyon at saka hindi na ako nagpaawat pa sa secretary nito.
"Ma'am meron pa pong ka-meeting si Attorney. Maghintay na lang po muna kayo." wika ng secretary. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Wala akong pakialam kung meron man siyang ka-meeting! Kung hindi mo ako papasukin diyan sa office niya ay papatalsikin kita sa trabaho mo!" galit na wika ko. Namutla ang babae kaya wala itong nagawa nang pumasok ako office ni Anton and there I saw him talking to my Tiyo! Pareho silang napatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
One Desire
RomancePanganay sa limang magkakapatid..Simpling tao at may sariling prinsipyo sa buhay. Isa itong abogado at naninindigan para sa hustiya ng mga mahihirap. Dahil sa mga nangyayaring pagpatay ng mga inosenting trabahador sa Villa ay kinailangan niyang mag...