Chapter 12- Ang Pagkikita

5.6K 176 1
                                    

Naibato ko ang newspaper na hawak ko.

"Shit!! paanong hindi sila ang may kagagawan ng krimen na yun?!" galit na galit na wika ko at saka napatayo. Kasalukuyan akong nasa apartment na inuupahan ko. Napakuyom ako at saka napainom ng malamig na tubig.

Ginamit na naman ba nila ang kapangyarihan nila para isabotahe ang kasong to?! Mga walang hiya talaga!

Napapitlag ako nang tumunog ang phone ko kaya mabilis ko iyong pinulot at saka tiningnan ang tumawag. Napatagis ang mga bagang ko nang makita ang pangalan ng tumatawag sa akin. It was Anton!..

Inis na ibinato ko ang phone sa sofa.

"Wala na tayong dapat na pag-usapan Anton! I am not the Dennise Claire Fajardo that you know anymore. What happened to us was just a lust and nothing more else." Inis na sambit ko. What happened to us won't change the fact that I hate him. Napahinto ako nang maalala ko ang nangyari sa amin sa unit niya. Suddenly, I felt that my cheeks were so red.

Damn you Anton!

Napapailing na ibinaling ko ang aking isip sa kaso. Kailangan kong kumilos. I need to work out this case. Bahala na!
Hindi na ako makakapaghintay sa utos ng nakakataas.

TOK! TOK! TOK!

Napakunot noo ako nang may kumatok sa pintuan ng apartment ko. Sino naman ang bibisita sa akin? Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong aasahang bisita ngayon?..Naiiling na binuksan ko ang pinto. Bumungad sa akin ang tatlong lalaking malalaki ang katawan. Bigla akong sinalakay ng kaba. Mukhang masama ang pakiramdam ko. Mabilis kong isinara ang pinto pero agad iyong hinarang ng mga lalaki. Hindi ko sila kilala kaya abot-abot ang aking kaba. Inihanda ko ang aking sarili.

"Anong kailangan niyo?!" wika ko. Nagkatinginan silang tatlo at saka nagsenyasan at ilang sandali pa ay bigla na lang nila akong hinawakan kaya nanlaban ako.

"Shit!! what the hell are you doing?!!" galit na wika ko.

"We want you! kailangan mong sumama sa amin ng matiwasay Miss Fajardo para walang gulong magaganap!" wika ng isang lalaki. Nanlalaki ang mga mata ko.

"Why?!?..who the hell are you?!" gulat na wika ko habang hawak-hawak nila ako sa dalawang kamay. Shit! mga kalaban sila!..I knew it! baka inutusan sila ng mga kalaban. Alam na ba nila ang totoong pagkatao ko?! Fuck! No!!

Nagpupumiglas ako sa abot ng aking makakaya. Hinding-hindi nila ako makukuha.

Mabilis ang mga kilos na lumaban ako pero masyado silang malalaki kaya hindi ko kaya ang lakas nilang tatlo. Galit na sinampal ako ng isang lalaki na ikinabiling ng mukha ko. Natigagal ako. Naging mabilis ang paghinga ko. Gusto kong maiyak but why would I cry?! Malulusutan ko rin ang mga hunghang na to!

"Kung gusto mong humaba pa ang buhay mo Miss Fajardo then you have to follow what we want!..Dalhin na yan sa kotse at patulugin!" wika ng lalaki. Nanlaki lalo ang mga mata ko at napapailing. No! hindi maaari!

Sisigaw na sana ako nang bigla na lang tinakpan ng isang lalaki ng panyo ang bibig ko. Napapaubo ako at saka pagkaraan ng ilang segundo ay nawalan na ako ng malay.

*************************

Napamulat ako nang may tumapik sa pisngi ko ng malakas. Napaigik ako sa sakit ng pisngi ko. Napakunot noo ako nang maalala ko ang nangyari sa akin.

"Gumising ka na Miss Fajardo!..may gustong makipagkilala sayo." wika ng isa sa mga lalaking dumukot sa akin. Nakatali ang kamay at saka paa ko kaya hindi ako makapanlaban sa walang hiyang nasa harapan ko.

"Kapag nakatakas ako dito ay hindi ako mangingiming patayin kayo, tandaan niyo yan!! Isusumbong ko kayo sa mga pulis at makukulong kayong lahat!!" galit na wika ko.

One DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon