Chapter 11- Truth

6K 192 0
                                    

"Buddy, kumusta ang pinapagawa ko sayo?" tanong ko sa kaibigan kong Agent. Kasalukuyan kaming nagkita sa isang coffee shop ngayon. Ngumiti ito.

"Okay naman..kaya lang ay hindi ko pa talaga nakikilala kung sino talaga ang pumapatay dun sa mga trabahador." wika nito. Napabuntong-hininga ako.

"The enemies are too tough..bueno, may ipapagawa ulit ako sayo." wika ko at saka humigop ng kape. Tumawa ito.

"Ano ka ba Buddy! hindi ko pa nga natapos ang unang pinapagawa mo sa akin ay meron ka na namang ipapagawa?" angal nito. Pinandilatan ko ito.

"Bakit? may reklamo ka Buddy?..don't worry, I'll pay you double just make sure to work for this." Wika ko. Ngumiwi ito at sa huli ay wala rin naman itong nagawa kundi pagbigyan ang gusto ko. Kung hindi lang niya raw ako kaibigan ay hinding-hindi raw siya papayag.

"Okay, ano bang gusto mong mangyari Buddy?" tanong nito.

"Gusto kong manmanan mo kung sino ang taong sumusunod kay Papa. Gusto kong dalhin mo siya sa akin Buddy dahil pakiramdam ko ay siya iyong sasagot sa mga tanong ko. Kalaban siya Buddy and I need to wash them out in our lives." Nagtatagis ang mga bagang na wika ko. Matagal niya akong tinitigan at pagkatapos ay tumango.

"Alright then..gagawin ko ang makakaya ko Buddy but just be true to your promise." wika nito at saka natawa. Tumango ako.

The next week ay naging busy ako sa mga ibinigay na kaso sa akin ng mga costumer ko. Nakalimutan ko sandali ang tungkol sa amin ni Dennise. I was focusing on my works. Wala naman na akong nabalitaan na may pinapatay na naman and I thank God for that.
Kakarating ko lang mula sa korte at agad na akong umuwi sa bahay ko sa Villa. Medyo maaga akong nakauwi kaya nanood muna ako ng TV but then my eyes widen when I saw my picture on the screen at ayun dito na isa ako sa mga suspect sa pagpatay ng mga trabahador sa Villa. Napakuyom ako lalo na nang mabasa ko ang headline na, father like son. Isa sa mga suspect ng pagpatay ng mga inosenting civillians.

"Fuck!" napamura ako at saka pinatay ko ang TV. No! hindi ito maaari. Kailangan kong linisin ang pangalan ko. Kailangan kong magsalita. Mabilis kong tinawagan si Natividad at si Alvarez at sinabi kong makipagkita ako sa kanya as soon as possible at pumayag naman ang mga ito.

Papalabas pa lang ako ng bahay nang sinalubong ako ni Papa. Galit na galit ang mukha nito.

"What's this mess Anton?!.tingnan mo ang ginawa mo! kung wala ka sana sa pinangyarihan ng krimen noong napatay ang Ricardong iyon ay hindi sana masasabit ang pangalan natin!!..you're disappointing me!.." galit na wika nito. Napatiim ako.

"Pa, nagkataon lang na nandun ako nang mangyari ang krimen na iyon and I need to help Mang Ricardo dahil hindi kaya ng konsensiya ko na pabayaan na lang siya sa ganoong pangyayari. Hindi ko naman akalain na dahil sa pagtulong kong yun ay pag-iinitan ako ng publiko." pangatwiran ko. Pulang-pula na ang mukha nito sa galit.

"Punyeta!! dahil sa konsensiya mo na yan ay sumabit pa yung pangalan natin!! hindi ka ba talaga nag-iisip?!...Fix this mess Anton bago pa mahuli ang lahat!" wika nito at saka tinalikuran ako. Napahugot ako ng isang malalim na paghinga. Napapailing na lang ako at saka sumakay ng kotse ko. Galit ako!..galit ako sa kalaban na hindi ko alam kung sino!.. Biglang sumagi sa isipan ko ang babaeng nangahas na pumasok sa may hangganan. Nagtatagis ang mga bagang na nag-iisip ako. Magkikita rin tayo kung sino ka man and I will make sure na hindi na kita pakakawalan. I'll punish you with my own bare hands. Wala akong sinasanto pagdating sa kalaban!..wala kaming ginagawang masama kaya walang dahilan para pag-initan nila kami ng pamilya ko.

"Fuck that woman!" I cursed with so much anger. Nagsisisi ako kung bakit pinakawalan ko pa siya noong una naming paghaharap. Sana ay napatay ko na siya o di kaya'y pinaamin ko na lang sana siya kung sino ang hayup na taong nag-utos sa kanila para sirain ang pangalan namin ng pamilya ko at ang patayin ang mga inosenting civillians na nagtatrabaho sa Villa namin. Hinding hindi ako papayag na may marami na namang inosenting tao ang madadamay nang dahil lang sa isang kalaban.

One DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon