"Hey!Stop!!" sigaw ko sa isang tao na nagmumula sa pinangyarihan ng krimen. Mabilis ang mga kilos na hinabol ko ito. Ano ang ginagawa ng taong iyon dito sa hangganan ng lupain namin?! Sino siya?!..mabilis ang tibok ng dibdib ko habang hinahabol siya. Mabilis ito na animo sanay na sanay sa habulan.
"Stop!! stop!" sigaw ko pero hindi pa rin ito tumigil sa pagtakbo kaya agad kong hinugot ang calibre 45 ko at saka sinubukan siyang paputukan pero mailap ito. Nagawa nitong iwasan ang pagpapaputok ko.
"Shit!" napamura ako nang nagpa-ekis ekis ito ng takbo kaya hindi ko matanya kung paano siya targetin. Bahala na! I need to get that man dahil baka siya ang may pakana sa lahat ng nangyayari sa Villa namin at para na rin malinis ko ang pangalan ni Papa. May posibilidad na isa ito sa suspect sa nangyayaring patayan sa hangganan ng lupain namin. Kailangan ko siyang mahuli para dalhin sa harap ni Papa at ng malaman ko kung sino ang mastermind sa mga nangyayari para pagbayaran ng walang hiyang taong yun kung sino man siya ang lahat ng naging kasalanan niya sa mga trabahador sa Villa. Kailangang maparusahan ang mastermind at para matulungan ko ang mga mahihirap na naghahanap ng hustisya lalong-lalo na sa mga pamilyang naiwan ng mga namatay na trabahador.
Binilisan ko pa ang pagtakbo ko. Hindi ko maaninag ang hitsura ng taong hinahabol ko dahil nakasuot ito ng black skinny pants and black jacket at saka may black bonnet pang isinuot sa ulo.Bang!
Nagulat ako nang nagpaputok din ito. Buti na lang at nakaiwas ako. Shit this person. Hingal na hingal na ako pero hindi ko pa rin ito maabutan. Dahil sa inis ko ay tinarget ko ang paa nito and in one shoot.
Bang!
"Ahhh!" narinig kong sigaw nito at saka natumba ito. Napangisi ako. Nice one Anton!..mabilis na nilapitan ko ito. Hawak-hawak nito ang paang binaril ko. Hindi naman siguro yun malala dahil daplis lang ang tama. Agad ko itong nilapitan at saka agad na kinuha ang baril nito.
"Nahuli rin kita..akala mo makakatakas ka sa akin?!..who are you?! ikaw ba ang pumatay sa mga trabahador sa Villa?!" galit na wika ko. Napatitig ako sa mga mata nito. Napatiim ito. Bigla niya akong kinubabawan at dahil sa pagkabigla ay nawalan ako ng balanse at natumba ako. Pumaibabaw ito. Naramdaman ko ang dibdib nito na nakalapat sa dibdib ko.
"Fuck!" sambit ko. Ang lakas niya at bigla niyang naagaw sa akin ang baril ko at baril niya na hawak ko. Nanginginig ito sa galit na tinutukan ako ng baril niya. Kahit hindi ito nagsasalita ay ramdam ko naman ang matindi nitong galit sa akin. Kinakabahan ako. I raised my hand. Okay, I don't want to die. Gusto ko pang tumulong sa kapwa ko.
"O-okay..okay, please don't..I don't want to die." sumusukong wika ko. Rinig ko ang mabibigat nitong paghinga at saka pagkaraan ng ilang sandali ay dahan-dahan niya akong binitiwan. Nakahinga ako ng maluwag pero nabigla ako nang suntukin niya ako kaya natumba ulit ako. Mabilis itong kumilos at saka paika-ikang tumakbo palayo. Hindi pa rin ako nakahuma habang pinapanood ko ang paglayo nito tangay ang baril ko.
"She's a woman!" naisambit ko. Kahit sobrang bilis ng mga kilos nito at kung makipag-away ay sanay na sanay ay hindi ko akalain na isa itong babae. Kahit hindi nito sabihin..kahit tinatakpan nito ang sariling identity ay naramdaman ko na babae siya. I felt her boobs on my chest kanina and hell! nadaig ako ng isang babae?!..Fuck! she's dangerous. Kailangang mahanap ko ang babaeng yun.
"Pasasa'n ba't magkikita rin tayo at sisiguraduhin kong hindi ka makakatakas sa akin and I'll kill you." naisambit ko at saka kuyom ang mga palad at laylay ang balikat na bumalik sa aking dinaraan. Pumunta ako kanina sa pinangyarihan ng krimen. Minamanmanan ko ang lugar at nagbabasakali na meron akong makuhang ebidensiya sa mga nangyayari but the. i saw that woman!.What a night!..tomorrow night ay pupunta ako sa hangganan. Sigurado ako na babalik yung babaeng iyon dun at kailangan kong paghandaan ang pagkikita naming muli. Isa lang ang alam ko, she's dangerous at isa siyang kalaban.
BINABASA MO ANG
One Desire
RomancePanganay sa limang magkakapatid..Simpling tao at may sariling prinsipyo sa buhay. Isa itong abogado at naninindigan para sa hustiya ng mga mahihirap. Dahil sa mga nangyayaring pagpatay ng mga inosenting trabahador sa Villa ay kinailangan niyang mag...