Chapter 2- Assassin is a Killer

9.4K 221 3
                                    

"ANO ang nangyayari dito?" Tanong ko sa mga trabahador sa may hangganan ng aming Villa. Kagagaling ko lang sa pangangabayo na naglibot sa taniman nang makita ko sa hangganan ng Villa ang mga trabahador na nagkukumpulan kaya naki-usyoso ako. Nagbubulungan ang lahat habang nakatingin sa kung anong bagay na pinalibutan nila. May babae na sa tingin ko ay nasa trenta anyos na may kasamang bata na sa tingin ko ay nasa labing dalawa o labing tatlo. Umiiyak ang mga ito.
"Gorio! bakit mo kami iniwan ng anak mo?!" hysterical na wika ng babae. Umiiyak lang ang anak nitong lalaki. Agad na napatingin sa akin ang mga tao at nagyuko.
"Magandang umaga ho Seniorito Alejandro..meron na naman hong natagpuang patay dito sa hangganan ng Villa niyo. Tadtad ho ng bala. Maraming beses na kaming nakakakita ng pinatay dito sa hangganan. Walang awa talaga ang gumawa nito." Wika ni Mang Felix at saka umiling-iling. Kunot-noong lumapit ako sa taong pinatay. Tadtad ito ng bala at naliligo ito sa sarili nitong dugo. Napakuyom ako. Sino ang gumawa nito? Walang puso ang gumawa nito.
"Sino siya Mang Felix?" tanong ko sa matanda na ang tinutukoy ay ang patay na katawan na tadtad ng bala.
"Isa ho sa mga trabahador ng Villa Seniorito. Doon ho siya nagtatrabaho sa may manggahan." Wika nito. Kumunot-noo ako.
"Wala bang nakakakita sa pagpatay sa kanya kahit isa sa inyo?!" Galit na wika ko. Hindi lang to isang beses na nangyari dito sa hangganan ng Villa at sa tuwing may nabibiktima ay si Papa ang iniimbistigahan ng mga awtoridad na para bang si Papa ang may kagagawan ng lahat ng ito. Umiling ang mga ito pero napaka-imposible na walang nakakakita o marahil natatakot lang magsalita ang nakakita sa insedente dahil natatakot na madamay sa gulo. Napapailing na kinuha ko ang aking cellphone at saka tinawagan ang NBI at SOCO para mag-imbistiga sa nangyari.
"Ang alam ko ay galing siya sa kay Don Franko at humingi ng advance para makabayad kami sa utang namin sa hospital pero pinagalitan siya ni Don Franko. Si Don Franko lang ang bukambibig nito nung huli naming pagsasama. Galit siya kay Don Franko dahil hindi marunong maawa ang ama mo Seniorito kaya hindi malabo na may kinalaman ang ama mo sa pagpatay sa asawa ko!" Galit na wika ng asawa ng biktima. Kumunot noo ako.
"Pasensiya na po Misis pero hindi po mamamatay tao ang ama ko at hindi niya ho yun magagawa sa asawa niyo." seryosong wika ko.
"Natural na kampihan mo siya dahil ama mo siya!..sana lang ay lumabas yung katotohanan. Sana ay mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng asawa ko lalo na sa aming mga mahihirap na kayhirap makamit ang hustisya lalo na kapag ang kalaban ay isang marangyang tao.." Galit na wika nito at saka umiyak ulit. Napamaang ako. Aaminin kong naawa ako sa kanila. Totoong mahirap makamit ang hustisya lalo na sa mga mahihirap na tulad nila.
"Hoy Tersing wag ka namang magsalita ng ganyan kay Seniorito. Amo natin siya." Saway ni Mang Felix ngunit matalim lang itong tinitigan ng babae.
"Hayaan mo na Mang Felix..naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Hayaan nating ang resulta ng imbistigasyon at kung sakaling kailangan niyo ang tulong ko Misis nandito lang ako." Wika ko. Tumango na lang si Mang Felix at hindi na ako pinansin ng babae. Patuloy lang itong umiiyak habang yakap ang anak nito.
Ilang sandali pa ay dumating sina Papa at ang mga kapatid kong sina Lorenzo at Miguel. Galit na galit si Papa sa nangyari at nagmumura ito. Nagsiuwian na ang mga trabahador dahil sa takot kay Papa. Kilala kasi si Papa na mapangmata at mabangis lalo na pagdating sa teritoryo niya.
"Walang hiya ang taong gumawa nito at talagang dito pa sa teritoryo ko pa siya naghasik ng lagim!.Sino ang nakakakita sa nangyari dito?!" napatiim na wika ni Papa. Wala ni isang sumagot marahil natatakot ang mga ito.
"Mga inutil kayong lahat!..kapag nalaman kong may alam kayo sa pangyayaring ito ay hindi lang parusa ang matitikman niyo mula sa akin kaya siguraduhin niyo lang na may pagtataguan pa kayo!" galit na wika ni Papa sa mga tauhan. Hindi kami umimik na magkapatid.
"Handle everything Alejandro dahil baka nasa loob lang ng Villa ang mga kaaway natin at kapag napatunayan ko kung sino ang gumawa nito ay ipapatikim ko sa kanya ang bangis ko. Nagkakamali siya ng kinalaban. Bring that criminal to me dead or alive!!" galit na wika nito at saka galit na umalis. Nagkatinginan kaming magkapatid nang dumating ang mga awtoridad na tinawagan ko kanina.
"Magandang araw ho mga Seniorito!" bati sa amin ni Chief Nick Alvarez na head ng NBI ng Sto.Domingo at saka nakipagkamay sa amin. Lumapit na rin si Chief Gilbert Natividad na head naman ng SOCO ng Sto.Domingo at bumati sa amin at saka nakipagkamay. Ilang sandali pa ay sinimulan na ang pag-iimbistiga sa lugar. Kinuhanan na ng litrato ang posibling maging gawing ibedensiya sa nangyaring krimin. Nagiging palaisipan talaga ang pagpatay sa ilang mga trabahador dito sa Villa.
Tatlong oras din ang ginawang pag-imbistiga sa lugar at saka pinakuha na ang bangkay ng biktima.
"What the heck is our enemy Kuya?!bakit niya nagawa sa atin to?! Ano ba ang naging atraso natin sa kanya?!" Galit na wika ni Miguel. Matiim ring nakakuyom si Lorenzo.
"Ilang trabahador pa ba ang kailangang mamatay para mahuli ang salarin na yan?!bakit ba ang hina ng mga awtoridad na mahanap ang may salarin?!" Galit na ring wika ni Lorenzo. Ang dumi ng pangalan namin sa medya dahil sa mga nangyayaring pagpatay sa ilang trabahador dito sa Villa. Napaisip ako. Kung hindi ako nagkakamali ay ika-pitong trabahador na ang biktimang namatay ngayon. Kung pag-iisipang maigi, lahat sila ay pinatay sa iisang lugar at pareho ang pamamaraan ng killer na iyon sa pagpatay sa mga biktima.
"Isa lang ang sigurado ako..iisa lang ang killer sa mga biktimang natagpuan dito sa hangganan ng Villa at posibling iisang tao lang ang gumawa nito at ang motibo ng pagpatay ay para madungisan ang pangalang inaalagaan natin." wika ko. Nagkatinginan ang dalawa kong kapatid.
"Kung ganun sino ang nasa isip mo ang nasa likod ng pagpatay ng mga tauhan natin Kuya?" tanong ni Lorenzo. Umiling ako.
"Hindi ko alam pero pwede ring tama si Papa na baka nasa loob lang ng Villa ang kalaban natin. Basta wag tayong maging kampante kahit na nasa loob pa tayo ng Villa. Kailangan muna nating malaman mapagmasid sa paligid." wika ko. Hindi safe ang pamilya ko kaya kailangan kong gumawa ng paraan bilang isang abogado at panganay na anak ni Don Franko del Rio. Kailangan kong malinis ang pangalan namin lalong-lalo na ang pangalan ni Papa.
"Mga Seniorito, paumanhin po pero ang pagpatay sa biktima ay katulad na katulad rin sa pagpatay ng mga naunang biktima na dito rin natagpuan dati. May naiwan hong papel na sa biktima na halatang sinulatan ng dugo katulad ng natagpuan naming sulat sa mga naunang biktima." Wika ni Chief Alvarez. Ipinakita niya ang papel na nilagay na ng mga awtoridad sa transparent ziplock cellophane for investigation purposes.
R.I.P del Rio
Yun ang nakasulat sa papel gamit ang dugo ng biktima. Napasinghap si Miguel. Napatiim ako lalo. Sino ang misteryosong killer ang nasa likod ng lahat ng ito?. Ano ang kailangan niya sa amin?Sa paraan ng pagsulat nito ay nakikita ko ang galit ng taong iyon sa amin at gusto niyang buhay ang kukunin niya sa amin.
"May mga finger prints ba kayong nakikita sa mga ebidensiya?" tanong ni Lorenzo. Umiling si Chief Alvarez.
"Wala po Seniorito..masyado pong malinis ang pagkakagawa ng krimin." wika nito at saka umiling-iling. Napabuntong-hininga ako at saka napasapo sa ulo. Mukhang matinik ang kalaban namin. Kailangan kong maresolba ang pangyayaring ito sa lalong madaling panahon bago pa may mangyaring masama sa pamilya ko. Managot ang dapat na managot at hindi ko palalampasin ang ginawa ng walang hiyang kriminal na iyon. Sinabi ko na sa mga awtoridad na hindi sila titigil hangga't hindi nila natutukoy ang killer na iyon..

*************************



"THIS is the picture of the new victim found at the same area..sa hangganan pa rin ng lupain ng mga del Rio. Same way of killing at walang ipinagbago." wika ni Boss Bromo sa amin. Kasalukuyan kaming nagtitipon dahil na naman may natagpuang patay sa hangganan ng mga del Rio. Napakuyom ako ng mga palad. Tiningnan ko ng maigi ang mga pictures na nakalatag sa mesa ng office ni boss.
"Alam mo na ang gagawin mo X..you're going to continue your mission. Manmanan mo ang mga del Rio lalo na ang pinangyarihan ng krimin. Kung pwede lang ay kahit na gaano pa kaliit ang mga ebidensiyang matagpuan mo ay dalhin mo sa akin. Pasasamahan kita kay Z." wika ni boss. Tumaas ang kilay ko at saka humarap dito.
"Hindi na kailangan..gusto kong ako mismo ang uungkat sa baho ng mga del Rio na yan kung bakit may mga pinapatay sa lupain nila." Matiim na wika ko.
"X, mahirap na kalaban ang mga del Rio at babae ka kaya mahirap ang gusto mo. Alam kong may galit ka sa del Rio dahil biktima rin ang iyong ama sa pagpatay sa lupain nila pero wag na wag mong gamitin ang galit mo na yan para makuha mo ang gusto mo." Sabad ni Z. Napatagis ako ng bagang.
"At ano?tutunganga na lang tayo dito at maghihintay sa susunod na papatayin ng killer na yan?!..at matakot tayo sa mga del Rio dahil mayayaman sila?!..para sa akin ay hindi uubra yan Z. Ako mismo ang tutuklas sa misteryong bumabalot diyan sa krimin na yan." inis na wika ko. Ngumisi si boss Bromo at saka tinapik ako sa balikat.
"Matapang ka X at ipagkakatiwala ko sayo ang kasong to..umaasa ako na magtatagumpay ka sa mission mo. Good luck." Wika ni boss. Nagpakawala ako ng isang ngising-aso. Sisiguraduhin kong wala silang takas sa akin. Partner ko si Z pero ayoko munang maging partner siya dahil gusto kong mag-isang lutasin ang problemang to. Yes, we are the secret agents at may konekta kami sa nga awtoridad. Ako si Mask X at tinatago ang tunay kong pagkatao para hindi madamay ang pamilya ko sa larangan ng aming trabaho. Actually marami kami sa grupo pero kami ni Z iyong mas may potential na agent sa grupo namin. Si Z ay isang lalaki o mas tinatawag siyang Mask Z ng mga kasamahan namin. May 'mask' sa unahan ang pangalan namin bilang agent dahil kapag sasabak na kami sa isang mission ay nakasuot kami ng overall mask na mata lang ang nakikita. Kailangan naming itago ang tunay naming identidad para sa kaligtasan ng mga mahal namin sa buhay. Kailangan kong malaman kung bakit ang lahat ng naging biktima sa pagpatay ay nasa Villa ng mga del Rio. Hindi imposibling may kinalaman sila sa pagpatay ng mga biktima. Bakit ba hindi eh nagawa nga nilang patayin ang ama ko noong siyam na taong gulang pa lang ako?..nagngitngit ang kalooban ko sa mga del Rio at hahanap at hahanap ako ng butas para maungkat ko ang mga baho nila. Lintik lang ang walang ganti!

One DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon