Chapter 17- Hindi Matanggap

6.2K 171 2
                                    

Lumipas ang mga araw hanggang sa ipinatawag na kami sa korte. Sinabi ko na sa pamilya ko ang totoo--kung sino ang suspect ng mga pagpatay sa Villa del Rio kaya sumama sila sa akin sa korte. Doon nagkaharap kami ni Natividad. He is mad. Panay ang irap niya sa amin lalo na kay Papa. Ininterogate na siya ng husgado at dun lumabas ang galit niya kay Papa. Iginanti lang daw niya ang namatay niyang kapatid na si Bianca. Gusto niyang sirain si Papa sa kahit na anong paraan--kahit pa ang kumitil ng inosenting buhay dahil doon raw siya makakapaghiganti.

Nagulat na lang ako nang lumabas ang witness laban kay Natividad. Isa ito sa mga tauhan niya na binayaran para patayin ang mga trabahador namin. Sinadya kong ipahanap ang mga taong sangkot sa mga pinagagawa ni Natividad and I found one of his hired killer. Mabuti't na-konsensiya ang kumag at pumayag na maging witness kapalit ng kaligtasan niya at ng buong pamilya niya.

Dumalo rin ang totoong pumatay sa kapatid niya. Inutusan lang daw siya ng isang kaibigan na inutusan din ng amo nito kapalit ng malaking pera para sirain si Papa sa pamamagitan ni Bianca. Doon ko nalaman na hindi lang pala si Natividad ang kalaban. Biktima lang din siya at naghiganti para sa kapatid. Ang pagkakamali lang niya ay nagpadalos-dalos siya at kumitil ng buhay ng ibang tao.

Mabilis ang naging proseso ng kaso dahil sinigurado namin ni Jake na wala ng kawala si Natividad.

Umiiyak ito at humingi ng tawad pero hindi na siya makakalabas pa. He found to be guilty sa salang pagpatay. Habang buhay na pagkabilanggo ang parusa sa kanya ng husgado kaya wala ng rason para matakot ang pamilya ko. Nilinis ko ang lahat ng gusot na meron kami ng pamilya ko at nang sa ganun ay wala ng magdududa sa amin. Kalat na sa buong Pilipinas ang pagkakulong ni Natividad at kalat na rin ang balitang walang kasalanan si Papa sa mga nangyayari.

Pero hindi pa rin ako mapakali dahil sa sinabi ng taong totoong pumatay kay Bianca Antonio. He said:

"Hindi pa tapos ang kaguluhan sa pamilya mo Attorney. Merong naghahangad na mapatumba kayo lalong-lalo na ang ama mo. Kung bakit? hindi ko alam pero ito lang ang masasabi ko sa inyo..mag-iingat kayo. Ingatan niyo ang pamilya niyo. Patawarin niyo ako. Nagawa ko lang iyon dahil kinailangan ko ng pera ng mga panahong iyon para sa pamilya ko kaya wala na akong ibang choice. Sinunod ko ang gusto ng kaibigan ko na patayin si Ma'am Bianca dahil iyon ang utos ng amo niya kapalit ng malaking pera. Kaya imbes na ang kaibigan ko ang gumawa ay ako na lang. Attorney, hindi safe ang pamilya mo." wika nito.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko sa mga sinabi nito. Ngayon ay nakakulong na rin ito. Hindi ko alam kung sino ba talaga ang tunay na kalaban. Masyadong matinik at malinis ang pagkakagawa ng kriminal na iyon at kami talaga ang target?!

Napabuntong hininga ako at saka napahilot sa sentido. Tinanong ko sa lalaki kung sino at nasaan ang kaibigan niyang nag-utos sa kanya para patayin si Bianca pero ang sagot nito ay hindi niya alam. Hired killer ang kaibigan niya at papalit-palit ito ng pangalan. Wala na rin siyang balita rito. Wala naman raw kasi itong permanenting tahanan at hindi niya alam ang tungkol sa pamilya nito.

Sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari. Akala ko kapag nahuli na si Natividad ay matatapos na lahat ng kaguluhan pero hindi pa pala. May nagtatangka pa rin sa buhay naming lahat at hindi ko alam kung saan at kung paano ako magsisimulang hanapin ang ulo ng lahat--ang taong nagiging kalaban ng pamilya ko. Tinanong ko naman si Papa kung meron ba siyang kalaban pero ang sabi niya ay wala raw siyang naaalalang may kalaban siya.

*************************

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Anton. Kinuntsaba ba niya si Tiyo at Tiya para patinuin ako?!

Shit! shit!

Bakit ba ginawa sa akin ni Tiyo ito? Lahat ng ari-arian niya at ari-arian ni Papa ay ipinagkatiwala niya sa walang hiyang Anton na yun?!

One DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon