Chapter 11

52 7 0
                                    

Habang nagbabike papunta sa school ay muntikan na syang ma-welcome ng puno mabuti na lang alert yung utak nya dahil kundi baka bumulagta na sa harapan nya si San Pedro.

May ilang minuto pang-preparation pagkatapos ng flag ceremony at bago magsimula yung first period sa umaga kaya pagpasok nya sa classroom nila, yumakap kaagad sa kanya ang katahimikan.

Mabuti na rin yun dahil may oras syang makapag-isip. Inihilig nya ang kanyang ulo sa ibabaw ng desk, nakatanaw sa labas ng bintana.

Ipinikit nya ang mga mata at inisip ang nangyari kahapon sa mall.

Ba't ganon makatingin si bakla? Type nya ba si Ivan? Galit ba sya kasi may kasama akong gwapo... na paniguradong isa sa mga flavor nya?

Itinikom nya ang bibig ng may iba pang dahilan ang pumasok sa isipan nya. Imposibleng mangyari yon no! Hindi kaya magseselos si Evan dahil lang sa may kasama syang iba.

Halos makatulog na sya dahil sa tahimik at sa hanging nanggagaling sa labas ng bintana kung hindi lang nya narinig ang mga yabag na tila nagmamadali.

Ilang sandali, niyakap sya ng ingay. Ang pag-usog ng mga armchair para makaupo ang mga kaklase nya at ang malalakas nitong tawanan.

Naramdaman nya ang presensya ng isang tao sa likuran nya. Pakiramdam nya ay tinititigan sya nito kaya hindi na sya nagdalawang-isip na imulat ang mata.

"Takemi!"

Nginitian sya ni Takemi at mahina syang tinampal sa balikat. Isinabit na rin nito ang bag sa likuran ng armchair nya na palagi nitong ginagawa.

"Pumasyal daw kayo kahapon, balita ko. May gusto ka raw maka-meet?"

Iniwas nya ang tingin dito pero sinagot parin ang tanong. "Oo. Sorry kung hindi ka namin ininform kasi medyo nagmamadali na rin kami e tapos itong si Ayana may sasamahan pa raw."

Tumango si Takemi, "May napapansin ako dyan kay Ayana. Simula nung may away na nangyari sa kanilang dalawa ni Jana, palagi na itong abala."

"Wala akong alam dyan pero alam kong iiwasan na nya yung gwapong nurse sa clinic."

"Huh? Bakit naman?! Sayang, baliw." Hinampas sya nito sa balikat na ikinatalim ng tingin nya rito.

"Ewan ko sa kanya. May ibang type daw sya e. Malay natin kung sino. Hayaan nalang natin yun may pinagdadaanan na yang si Ayana e, hayaan na lang natin mag-enjoy."

Tumango-tango si Takemi sa tinuran nya. "Oo nga naman. Hindi ko lang talaga maiwasang mag-alala sa kanya lalo na't alam natin kung ano ang buhay nya."

Hindi na lang sya nagsalita ngunit dahil naisip nya sa tuwing magkasama silang dalawa ni Ayana ay paminsan lang nila kasama si Takemi, kapag magkasama naman sila ni Takemi paminsan din nilang kasama si Ayana.

Wala sila masyadong bonding na tatlo. Trio pa naman sila.

"How about you, Mi? Kumusta na ang nangyayari sayo?"

Naramdaman nyang napatigil si Takemi ngunit ilang sandali lang ay humagikhik ito at sinagot sya.

"Ayos lang naman. Ganon parin yung buhay."

"Sa susunod, bonding tayong tatlo ni Ayana. Namiss ko na kayong dalawang makasama no. Kita mo rin, absent pa yung gaga. Hindi alam kung saan nagpunta."

Nangunot ang noo si Takemi. "Oo nga no. Absent din si Jana."

Biglang nanlaki ang mga mata nilang dalawa dahil sa hinala ngunit bago sila makapagsalita ay nandyan na ang subject teacher nila.

Nawala tuloy sa isipan nila ang gusto nilang sabihin at finocus nalang sa nangyayari. Nagsimula ng mantawag ng mga pangalan ang subject teacher nila, may ibang present at kakaunti ang mga absent.

Caught in your Labyrinth (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon