Chapter 25

42 1 0
                                    

"Bakit ngayon mo lang sinabi?"

Tumigil ako sa pagngunguya saka inangat ang mga mata kay mommy na mahinhin lang nguyain ang kinakain.

"Dapat kagabi mo pa sinabi, anak, para naman makausap ko ang papa mo," pagtatapos niya.

Pasimple akong napaikot ng mata. Si papa na naman.

"Ma, busy ako kagabi. Tsaka bakit pa kailangan ng pemisyon ni papa kung pwedeng ikaw na lang? Mama naman kita," pag-amin ko.

"Kahit na. Hindi mo ba nirerespeto ang papa mo, Ella? Hanggang ngayon ba masama pa rin 'yong loob mo sa kanya?"

Kinibit ko ang aking mga balikat at pinagpatuloy ang pag-kain. "Papa ko siya. Nirerespeto, oo. Pero 'yong ganitong set up? 'Yong bihira niyang pag-uwi sa bahay, 'yan ang hindi ko gusto."

Bumuntong-hininga na lang si mama sa sinabi ko dahil alam niyang magpupumilit lang akong um-against sa kanya. Ganyan naman palagi eh sa tuwing binabanggit niya sa usapan namin si papa, malamang lalaban ako pero hindi sa hindi ko nirerespeto si mama.

Maganda na sana 'yong araw ko kaso heto.

Pagkatapos kong kumain ay humalik na ako sa pisngi ni mama saka nagpaalam na papasok na sa eskwelahan. Wala siyang ibang sinagot at tumango lang.

"Mag-ingat ka," aniya. Ngumiti ako at kumaway na.

Pagkapasok ko sa hall ay bumungad sa akin ang pigura ni Lurk. Lumiwanag kaagad ang aking mukha nang masilayan ito.

"Oh, Lurk! Ba't nandito ka? May hinihintay ka ba?"

Umiling siya saka ako sinenyasang sumunod. Nagtungo kami sa kung saang parte ng eskwelahan na hindi gaano tinatambayan ng mga estudyante. Muli ko siyang hinarap.

"Kayo na ni Evan? 'Yong baklang 'yon?" Pamimintas niya rito.

Nagsalubong ang kilay ko. Bakla? Anong masama sa bakla? Kung makapagsalita siya akala mo may nakakahawang sakit ito.

"Paano mo nalaman?"

Napakamot siya sa kilay niya at mahinang sinagot ang tanong ko. "Narinig ko lang naman. Naninigurado lang kung kayo na ba talaga."

Nagtataka naman akong napatitig sa kaniya. Ang bilis naman. Parang kagabi lang tapos ngayon umabot na sa ilang daang estudyante ang totoo.

"Oo. Bakit?" Pag-aamin ko ng katotohanan. Dapat malaman na kaagad ng lahat na pagmamay-ari ko na ang baklang binansagan nila.

Tuluyan itong napanganga. Mabilis na ginagap ang aking dalawang kamay saka hinila. Malapit na ngayon 'yong bibig niya sa mukha ko. Napamulat ako bigla ng mga mata dahil sa mabilis na ginawa niya.

"Lurk!"

"Bakit mo pinatulan 'yon?!"

"E ano bang masama?!" Tinulak ko siya.

Lumaki ang galit sa mga mata niya at iyon din ang iginanti ko sa kaniya. Handa kong ipagtanggol ang nananahimik na si Evan.

"Bakla--"

Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko dahil sa sinambit niya. "Bakla! Bakla ka ng bakla! Baka ikaw 'yong bakla rito, Lurk. Tigilan mo nga 'yang kabaliwan mo. Akala ko pa naman maganda 'yong ibabalita mo. 'Yan lang pala tapos may dala pang panunukso!"

"I'm just protecting you!"

Tinaasan ko ito ng kilay. "Protect me from what?!"

Hinawakan na naman niya ako sa palapulsuhan at iniangat niya iyon. "His mother was a mistress!"

Napasinghap ako. Mabilis kong tinampal ang balikat ni Lurk. "Hoy, maghunos-dili ka nga sa mga pinagsasabi mo! Ikaw ang tsismoso-tsismoso mo!"

Magkaibigan kami ni Lurk dahil ang ama naming pareho ay matalik na magkaibigan. Matagal ko na itong kilala kaso iyon nga lang, hindi kami masyadong nagsasama nang mga nakaraang araw na 'to. Pareho kaming abala sa mga bagay-bagay.

Caught in your Labyrinth (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon