Chapter 18

49 3 0
                                    

Sabi-sabi ng mga estudyante ay strikta si Miss Belar. Siya raw ang pinakaterror dahil tumanda raw itong laon. Walang asawa. Bitter sa buhay. Palagi pang mainitin ang ulo.

Kaya ang mga estudyante nitong may mga patagong relasyon ay isinisuplong sa mga magulang nito kahit na legal naman ang mga ito.

Kaya pati yung mga parents ay umaakto nalang na hindi nila alam. Hindi na ako magugulat kung pati sila ay takot.

Bawat hakbang ni Miss Belar sa gitna ng corridor ay napapatingin ang lahat. Nag-aabang na baka isa sa mga ito ay sitahin o kahit ano pang bagay na makakapagpanginig sa mga laman namin.

Para kaming mga sardinas na nagsisiksikan sa loob ng lata ang kaibahan lang ay nasa gilid kami. Napalayo ako kina Ayana at Takemi. Nagtatago ako sa pinakalikod.

Mabuti na lang at may mga katangkaran yung mga kaklase ko. Advantage para sakin.

Sinadya ko talaga na sa likod para pasimple kong masilip ang mga Grade 10 students. Nakita kong lahat sila ay napatingin sa amin.

Yung iba ang nag-aayos nang gamit at ina-arrange yung mga two-seated chair. Binago yung mga upuan namin at nauna lang sila kaya hanggang ngayon armchair pa rin kaming Grade 8.

Hinanap ng mga mata ko ang dapat na hanapin. Si Evan.

Natulos ako sa kinatatayuam at pasimpleng naubo nang makita ko siyang nakatingin sa banda ko. Na para bang alam niyang nandon ako.

Hindi naman siya nagkamali.

Iniwas ko kaagad ang tingin at muling ibinalik nang makitang hindi na siya nakatingin. Gusto kong kurutin yung sarili ko. Naghaharumentado yung puso ko.

Natahimik ang lahat. Si Miss Belar ay nakakrus ang dalawang braso at nakatingin sa amin gamit ang strikta niyang mga mata. Dagdagan mo pa yung salamin niya sa mata.

"Ano? Tatayo lang kayo dyan?"

Napanguso ako. Siya na nga tong nagpatawag samin tapos kami pa ang may kasalanan kung bakit kami nakatayo rito.

Mukhang rude naman kung diretso upo?

Nagkagulo kaming lahat. Naghanap ng mauupuan. May ibang napapangiting mga Grade 10 saka nag-ooffer na lang ng mga mauupuan. Aatras o tatawagin kung sino yung gusto nilang maka-seatmate.

"Excuse me?" Kotra ni Miss Belar, salubong ang dalawang kilay. "Hindi pwedeng mag-seatmate ang magkaibigan-"

"Hala, Ma'am! Why?!" Si Ayana.

Napasampal ako sa noo. Kailan ba magkakaroon ng hiya tong si Ayana?

Punong-puno na ako sa mga kadramahan ni Ayana sa buhay. Inangat ko ang pagod kong tingin sa kanya at pasimple siyang sinenyasan na huwag na sumagot-sagot kay Miss Belar.

"You're Ayana, am I right?" Tumaas ang isang kilay ni Miss Belar. Tumango si Ayana.

Napansin kong lumipad yung tingin niya kay Jana na nasa tabi na nang upuan ni Evan. Nag-init bigla yung ulo ko.

Sige na, support na kita Ayana. Ngayon lang.

"You have an audacity to against me, Miss Ayana? Desisyon ko ang masusunod, you understood? There's no students can against to my decisions, naiintindihan mo? Wala akong pakealam sa mga suhestyon mong hindi ko naman hinihingi."

Bawat salitang binitawan ni Miss Belar ay tila isang matalim na bagay na tumutusok sa dibdib namin at nagpapahiya samin.

Hindi nakasagot si Ayana. Ngunit bakas na parang wala rin itong pakealam. Nakatitig pa rin to kay Jana na pabulong na nakikipag-usap kay Evan.

Caught in your Labyrinth (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon