Chapter 10

65 6 0
                                    

"Malapit na ba?"

Inilibot ni Ayana ang paningin bago bumaba ang tingin sa screen ng phone.

"Malapit na raw siya. Maghintay lang tayo ng ilang sandali. Bakit? Gutom ka na?"

Hindi nakasagot si Ella at pumunta na lang sa isang stall para bumili lang sandali. Nasa food court sila ng mall, sa second floor. Dito nila pinagplanuhan ang pagkikita.

Bumili siya ng dalawang cup ng kwek-kwek saka nilapitan ang puwesto nila ng kaibigan. Inilagay nya ang isa sa harapan ni Ayana bago siya sumubo ng kanya.

"Kanina pa," sagot nya saka pinanood na lang ang mga tao sa paligid.

Maraming nagtatawanan saka nagsisigawan. May sari-sariling mundo. Kinuha nya ang phone sa sling bag ng maramdaman niyang tumunog ito.

Nakita nya ang message ng ina, tinatanong kung kailan sya makakauwi. Nagreply naman sya kaagad dito bago ibinalik sa loob ng bag.

Hindi pa naman sila nag-iisang oras pero parang nanghihina na sya at gusto nalang umuwi para humilata sa kama at makapagpahinga.

Monday na bukas kaya magkikita sila ni Evan. Tila na concious bigla si Ella kaya iniba nya ang posisyon. Sa tuwina iniisip nya yung baklang yun parang kinakabahan sya.

"Oh, andito na pala si Ivan!"

Nilingon nya si Ayana bago sinundan ng tingin kung saan din ito nakatingin. Doon nya nakita ang isang lalake na nakasuot ng simpleng tshirt na sa palagay nya ay binili pa sa Penshoppe dahil sa napakasimpleng design nito, ang tshirt na suot ay nakatuck-in sa pantalon nito.

Halos mapatitig sya sa ganda ng ayos nito.

Ang guwapo niya.

Ang kaliwang kamay nito ay may relo saka kulay itim na bracelet na may krus. Yung buhok nito ay bahagyang umaalog. It looked so soft sa paningin nya palang.

Kumaway ito sa kanila bago nag-half run patungo sa puwesto kung saan sila naghihintay dito.

Hinihingal itong tumigil bago nginitian si Ayana, "Sorry, I'm late. But about of what we talked yesterday, may ipapakilala ka sakin?"

"Oo," sagot ni Ayana bago inilahad ang palad kay Ella na inosenteng nakatingin lang kag Ivan.

"Si Ella nga pala. Siya yung bestfriend kong naghahanap ng ka-internet friend. Diba sabi mo gusto mo syang makita in personal? Well, she's here!"

Tumango si Ivan bago bumaling sa kanya. Akala nya mag-iiba ang ekspresyon nito pero hindi. Malapad itong ngumiti sa kanya na ginantihan din nya ng ngiti.

Marahan itong tumango, nalaglag pa ang kaunti nitong buhok sa mata. Hinawi ni Ivan iyon.

"Nice to meet you, Ella. Ako si Ivan, yung isa sa mga barkada ni Ayana sa labas."

Yung boses nito ay kalma lang at slight na friendly. Although sa state ng physical appearance nito ay handa rin itong makipagrambulan.

"Likewise, Ivan."

Ngumiti ito ulit sa kanya. Doon nalaman ni Ella na may braces pala ito. Uso ngayon yung braces pandagdag sa accessories ng mga kabataan katulad nya.

Pero wala syang braces, maayos naman kasi yung ngipin nya. Walang sira.

Bumaling ito muli kay Ayana saka kinamusta rin. Nag-offer sya ng extra chair para makaupo silang tatlo at magkakilalahan. Tinanggap ni Ivan yung inoffer ni Ella.

Medyo nagulat pa si Ella nung sa kanya ito tumabi. Bumaba ang tingin nya sa kamay nito na mahigpit ang hawak sa gilid ng upuan dahil siguro sa bigat at hindi nito madaling ipwesto.

Caught in your Labyrinth (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon