Chapter 14

54 6 0
                                    

Pagkatapos nang dinner namin ni Ivan ay nakasandal na kami ngayon sa riles ng cottage, nakaharap na fishpond na tinatamaan ng liwanag ng mga mamahaling poste.

Tahimik kaming dalawa. Ninanamnam yung sariwang hangin at kapayapaan. It was peaceful in Donya Bella's garden, to be honest. Yung parang hihilingin mo nalang na dito na tumira.

"Girls. Ladies. Women. . ." Ivan whispered those three words.

Tumingin ako sa kanya, naghihintay sa sasabihin. Nakangiti itong ngumiti saka yumuko bago may tinapong bato sa tubig. It splashed making me blink once.

"We don't understand them but they're clearly good at everything. Especially, in the house. They do the household chores every time we men went out to do the work to support our significant others. I bet, Donya Bella planned this wonderful paradise making Don Elios mourned for her more every day he visited his wife's masterpiece to reminisces."

Hindi ako sumagot simula nung magsimulang magkwento si Ivan tungkol sa pamilya Conzuelos. Gusto kong makinig tungkol sa kanila. Simula nung malaman kong ang yayaman nila ay nalaman ko rin ang sakit na nadarama nila na hindi maiaalis ng kahit ano kalaking halaga na pera.

"Naabutan ko pa si Donya Bella. She was so nice. Hindi siya katulad nang ibang Donya na malulupit na palagi mong napapanood sa mga teleserye. She was an angel for Don Elios. Back then, me and Marcus stayed here, after playing whole afternoon, listening to Donya Bella's love story with Don Elios."

Napangiti ako. Kitang-kita ko kung gaano napamahal ang nag-iisang Donya Bella kay Ivan.

"Don Elios was a ruthless businessman. They were clearly strangers when Don Elios asked Donya Bella's hand in marriage for some business matters but Donya Bella didn't agreed although she knew that Don Elios can provide all her needs in life."

"Hindi pumayag si Donya Bella dahil hindi pera yung habol nya sa isang tao. Donya Bella was a poor lady back then, her mother was just one of the maids inside Don Elios' mansion. Nung tinanggihan ni Donya Bella ang marriage contract ay nagalit nang sobra si Don. Gusto nitong ipapatay ang babae pero parang mas gugustuhin pa ito ni Donya kaya nag-isip nang ibang paraan si Don Elios."

Natawa nang mahina si Ivan bago iniwas yung mukha sakin. Nakita kong nanginig ang bibig nito dahil halos umiyak na ito habang nagkukwento. Nalungkot ako bigla dahilan para yakapin ko ito ng mahigpit.

"Let it out, Ivan," mahinahon kong sinabi rito.

Tumaas yung kamay nito saka niyakap din ako. Nagyayakapan na kaming dalawa.

Mabuti na lang at kaming dalawa lang ang nandidito.

"He made her life miserable but Donya Bella is Donya Bella. She was tough outside but soft inside. She raised her head high above to make Don Elios be in frustration. Hindi niya hinayaang manalo si Don Elios. They were mortal enemies. Binand nga noon si Donya Bella sa hacienda ng mayordoma sa kusina dahil lang doon. Walang sagot na naglayas si Donya Bella."

"Akala nang lahat ay sa araw mismo ng pag-alis nito ang pagtalsik ni Donya Bella pero hindi. Inunahan na ito ni Donya Bella. Naglayas siyang walang kaalam-alam si Don Elios dahil hindi man lang nagsalita ang mayordoma ng kusina ukol doon."

Ngumiti si Ivan bago ibinaba yung tingin sa akin. Wala akong kamalay-malay ay hinalikan na pala ako nito sa tuktok ng  ulo. Napikit ako. Iba yung sinisigaw nung puso ko.

Evan.

"Don Elios was so mad! Galit na galit si Don noon na halos lahat nang katulong sa mansyon ay palayasin at palitan dahil sa katangahan ng mga ito. Nagkaroon nang misunderstanding sa loob ng mansyon lalo na sa kanila ni Donya Bella. He was blind enough not to notice his developing feelings for her."

Caught in your Labyrinth (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon