Chapter 43

59 3 0
                                    

"Ella, the contract?" Pamumungad ni Tita Sylvia pagkagising ko.

Ginising ako ng isa sa mga kasambahay para lang kausapin si Tita Sylvia. Ilang ulit pa nga daw ako nito in-excuse dahil natutulog ako kaso mapilit si Tita. Takot din ang lahat dito maliban kay Tito Franco, s'yempre! Susuyuin si Tita tapos itong si Tita Sylvia marupok din sa asawa.

Umakto akong humikab. "Yes, po, Tita Sylv. Good morning din," pang-uuto ko.

Dahil do'n nakatanggap ako ng isang malutong na galit. Nagulat pa nga ako kasi nagmura ito at narinig ko sa kabila ang pagsuway ni Mama na kasama nito si Ellux. Ngumisi ako.

"Tita Sylvia, calm down. I can do it. Trust me with this, okay?"

"Make sure, Ella. Kapag pumalpak ka, papalpak itong pamaypay ko sa 'yo," pabirong banta nito sa kabila ng pagkaseryoso ng tono.

Tinawanan ko ito. "Sure, Tita. Deal! But hindi mo ba kakausapin si Hubby mo?" Napunta kay Tito Franco ang paningin ko. Nakangisi ng malawak at nag-thumbs up pa sa akin.

"W-What? Nalaman mo?"

"Tita, ikaw na rin nagsabi na pwede akong magtanong ng kung ano kay Tito Franco. And besides, wala namang problema sa akin kung kasal na kayo. Nakakainis ka, Tita, tinago mo sa akin."

"Aba! Kapag nalaman mo baka magsitalon ka sa saya. Nalaman ko pa naman kay Franco na number one fan ka namin. Ship mo daw kami," sabi nito ngunit kaagad nagbago ang tono. "What is ship, by the way? Barko kami, Ella?"

Humagalpak ako ng tawa gayundin si Tito Franco na ngayon ay nakalapit na. Hiniram niya ang telepono sa akin at kinausap si Tita Sylvia. Mas lalo ko silang tinukso nang magkandautal-utal si Tita sa mga sinasabi ni Tito Franco.

"Mahal, I love you so much but Ella also need rest, okay?" Banayad na sabi ni Tito Franco kay Tita Sylvia.

"I love you too, Franco. S'yempre, alam ko 'yon. I'm gonna end this call na. Tinatawag na ako sa kompanya. Bye-bye, Mahal," malambing na wika ni Tita Sylvia.

Bahagya akong ngumuso sa moment nilang dalawa na sa harapan ko pa talaga.

"Take care, Mahal. Mag-ingat ka sa pagdrive. Hihintayin ko muli ang tawag mo after two days at kapag lumagpas doon na hindi ka nakakatawag, expect me to call you."

They bid their goodbyes sweetly. Ibinalik ni Tito Franco ang telepono sa kabilang lamesa sa kwarto ko bago ako sinabihan sa mga gagawin ko. Wala naman. Parang vacation lang ang bawat araw sa akin dito. Ang kontrata lang ang bumabagabag sa akin.

Matapos kong kumain ay nagtungo ako sa opisina ni Marcus. We badly need to talk between us. Kung sensitibo ang topic na 'yon pwede naman naming pag-usapan ang naging pagbabago sa amin makalipas ng sampung taon.

Gusto kong matapos na lahat ng ito. Nakakapagod kapag may bigat kang nadarama sa dibdib mo 'no. Dagdagan pa ng konsensya mong hindi ka tatantanan, daig pa si Mike Enriquez sa Imbestigador.

Joke aside, nahihirapan ako ngayon dahil pinipigilan ako ng guard makapasok. What's wrong with him?

"Ma'am! Hindi pala ikaw si Madam Rachel," sabi nito.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Yea. So what about it?"

"Muntik na akong mawalan ng trabaho, Ma'am. Ano ka ba naman."

Napapailing ako sa sinasabi nito. "If you badly need a job after you got fired..." I gave him Tito Terrence's restaurant contact card. "Call this number and tell the Manager that Miss Ella Yna Alcantara-Revalla hired you to be one of the crews. Kahit ano! Bibigyan kita ng trabaho."

Napaisip ito. Ngunit talagang nagmamadali na ako.

"So please, let me in," mahinahon kong pakiusap.

Kumurap-kurap muna ito bago pumagilid. Nagpatuloy ako sa pagpasok. May nakakasalubong akong mga empleyado na sobrang makatitig sa akin.

Caught in your Labyrinth (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon