"Ma, saan tayo pupunta?"
"Mamamalengke lang, tutulungan mo 'kong magbuhat ng mga bilihin."
Kusang bumagsak ang dalawang balikat ni Ella. Wala siya ngayon sa mood para magbuhat kaya baka mamaya e habang naglalakad sila, butas na pala yung plastic na dinadala niya.
Minsan pa, sabog siyang naglalakad kaya napapagalitan kasi palagi raw siyang natatalisod.
"Kaya mamaya huwag kang tutunganga kung saan-saan at baka makurot na naman kita sa hita, makita mo talaga Ella," banta ng mama niya.
Ngisi lang ang binigay ni Ella saka sumunod na ina na nauunang maglakad. Sira ngayon yung second-hand na kotse nang Mama niya kaya sasakay sila sa tricycle papuntang proper.
"Magkano ang isang kilo, manang?" Tanong ng Mama nya ng makarating sila sa wet-market na may mga tilapia.
"170, hija."
"Ha? Pwede bang pakibabaan? Kahit 150 na lang."
"Haaah? Aba, hija, ang lalaki nang mga isda tapos preska pa ang mga iyan!"
Tumango yung Mama nya pero nagpupumilit pa ring tumawad, "Sige na, manang. 150 na lang, hindi kasi kasya yung perang dala ko sa ngayon."
Inirapan ito ng tindera, "Sa ganda ng ayos nang anak mo at sa suot mong perlas na hikaw, hindi kasya yung perang dala mo?"
Naguguluhan ang ina ni Ella. "Wala naman po yata sa suot kung gaano kalaki yung pera na dala?"
"Aba! Hindi pwedeng tumawad, hija!"
Biglang nagkaroon ng idea si Ella. Baka naman gusto nito yung pearl earrings ni Mama yung ibayad mismo kapalit ng tilapiang isda na mas malansa pa yata sa bibig ng tindera?
Sinundot ni Ella ang ina sa tagiliran bago bumulong, "Ma, baka gusto yung hikaw?"
Kumunot ang noo ng ina, "Ganoon? Mukhang pera ata tong tindera na to? Hindi na lang tanggapin na hampaslu- No, I mean, na wala talaga akong pambayad? Kulang yung dala kong pera, anak. Bibili pa tayo ng gulay sa labas."
Hinaklit ni Ella yung isda na nasa plastic bago hinati. Limang isda yung isang kilo at naisipan niyang hindi uuwi ang ama kaya binawasan nya ito ng dalawa.
"Tatlo na lang, ale. 150 na nga lang, aarte pa." Umirap si Ella saka ito na mismo yung nagkilo. "Ayan na, ale, ha? Siguro naman bababa na yung presyo?"
Tinitigan sya ng tindera, "Hija, mana ka ba sa ina mo?"
Naiinis na si Ella pati yung Mama niya at akmang sasagot na si Ella ng biglang magsalita ang Mama niya.
"Get my remaining two hundred money," binigay ni Mama yung pera niya sa tindera, "I will take the fishes and. . . keep the change! Halika na, Ella!"
Hinila sya ng ina papalayo sa tinderang napatunganga, ang malamig na mga isdang nasa plastic ay dumidikit sa kanyang braso. Hindi alam yun ng ina dahil abala ito sa pag-aayos ng pera sa wallet.
Naaawa siya sa Mama niya. Paano yan? Wala na silang perang pambili ng gulay.
"Uuwi na ba tayo, Ma?"
Salubong syang binalingan ng ina, "Oo, anak. Magfa-fried tilapia na lang tayo o kaya mag-order sa karinderya ng sabaw!"
"Paano si Papa?"
"Hindi raw uuwi si Papa mo."
Lumunok si Ella at umiwas ng tingin, "Mag-o-overnight ba siya, Ma?"
Pumara yung Mama niya ng tricycle, "Oo, raw."
Tumango na lang si Ella. Paano kung. . . Paano kung hindi overnight yun? Paano kung may iba pa lang pinanggagawa yung ama niya?
BINABASA MO ANG
Caught in your Labyrinth (Unedited)
RomansaThey started as enemies and ended up being something sensational. This is a story about a well-known gay and a girl with a perfect family who went into a labyrinth they didn't want and discovered something about their interconnection. Started: 07|10...