Inangat ni Ella ang dalawa nitong kamay para ilagay sa pinakataas ang mga tela na ginagamit kapag may malaking event na ginagawa sa campus.
Pinraktisan lang naman nila yung waltz dance na maari nilang magamit mag-grade 9. This opening, maggre-grade 9 na sila kaya medyo nakaka-exciting.
Dahan syang bumaba sa ladder saka pinagpagan ang PE pants nya. Inayos na rin nya yung pagkaka-arrange sa loob ng stock room para hindi mahirapan ang mga janitor.
Seryoso ang mukha nya ng papaalis pa lang sa loob hanggang sa bigla nyang nakita si Evan na nakatayo sa may pintuan.
Kinunotan nya ito ng noo. "What are you doing here? May kailangan ka kasi ako lalabas na."
Hindi ito sumagot. Hindi nya rin mapigilan tignan ang pagmumukha nito na mayroong light make up. Ang pinkish ng lips nito tapos yung kilay nakakorte pa kesa sa kanya.
What do I need to expect from gays?
Umiling-iling nalang sya bago ito tinulak ng mahina sa gilid para makalabas pero muntikan na syang matalisod ng matapakan nya ang hagdan paakyat.
Halos nagkaroon sya ng mini heart attack dahilan para mapahawak sya sa dibdib sa kaba.
"Hindi ka kasi nag-iingat," biglang sabi ni bakla.
Inikutan nya ito ng mata bago nagpatuloy.
"Bago ka magsalita-"
"Anong ginawa sayo ni Ryan?" Pinutol nito ang sasabihin nya gamit ang seryosong boses nito.
Medyo nagulat sya ng hindi na tuminis ang boses nito. Tumuwid na ba ng daan?
"Pakealam mo naman? It's not your business so stop trying to intervene with my own concerns."
Hah! That's the reverse card for you, bitch!
"Kanina mo pa ako hindi pinapansin, Ella-girl."
"Bakit naman kita papansinin kung kakasabi mo lang kahapon na hanggang dun na lang yun? Nagpasalamat na ako after mong iangkas ako kaya ano pa ba dapat nating pagbigyan ng pansin?"
Fresh memories from that night came up inside her mind. Naninikip na naman yung dibdib nya. Muntik na syang marape dahil lang sa kapabayaan ng baklang to!
Hinarap sya ni Evan samantalang sya ay nakatalikod pa rin, ayaw nyang may makakita sa mga mata nya ng puno ng pangsisisi.
"Sya nga pala, Evan yung name mo kaya may pantawag na ako sayo at hindi na bakla. Tsaka sorry kung medyo binastos kita last time kaya sana ngayon let's treat ourselves as schoolmates nalang."
Mabilis na syang umalis doon at umakyat sa floor nila. Dire-diretso yung lakad nya at pasalampak na umupo sa armchair nya malapit sa bintana.
Nagtagis ang mga bagang nya sa sakit. Gusto nya magkaroon ng kaibigang bakla pero parang pinatunayan na nun ni Evan na hindi rin magandang magkaroon ng baklang kaibigan.
She tried to divert her attention pero dumating na yung next teacher nya. Inayos nya ang pagkakaupo at nagpahid ng pawis sa noo.
Halos malaglag sya sa kinauupuan ng makita nya ang mga kasama ng period teacher nila.
"Good afternoon, Ma'am!" Bati ng iba, sya lang yung hindi.
"Good afternoon, students! Sorry may mga alipores akong kasama kasi sila yung pababantayin ko sainyo habang wala ako dito."
Kinilabutan si Ella sa sinabi ng subject teacher nila. Bakit parang baliktad? Kesa na matakot sa teacher ay mas natakot sya sa mga estudyante nito na dinala pa sa teritoryo nila?
BINABASA MO ANG
Caught in your Labyrinth (Unedited)
RomanceThey started as enemies and ended up being something sensational. This is a story about a well-known gay and a girl with a perfect family who went into a labyrinth they didn't want and discovered something about their interconnection. Started: 07|10...