Hindi na tumagal yung palabas dahil may nagsidatingan na mga security guards samin. Pati yung mga kasamahan ni Marcus ay pinatalsik kasama si Ivan.
Si Ivan naman ay parang ayaw pang umalis at panay ang pagmamakaawa sakin. Dahil sa galit ko ay hindi ko muna siya pinapansin.
Si Evan yung binigyan ko nang atensyon dahil siya yung mas bubog-sarado.
Ngayon ay agapay ko siya sa balikat ko. Papunta kami ngayon sa clinic. Sana talaga bukas pa.
Inilinga ko ang aking tingin at hinigpitan ang pagkakahawak sa baywang ni Evan. Hindi siya nagsasalita at hindi ko rin naman sya magawang titigan.
Okay na ang makita ko siyang bubog-sarado.
Pasalamat talaga siya at sya pa ngayon yung pinanigan ko at hindi sila ni Marcus at Ivan. E kasi nga diba sabi niya makikipagkumpetensya siya kay Ivan.
Ang tanga rin.
"Sana hindi mo nalang ako tinulungan. . ." Sandaling bulong niya.
Eksaherada ko siyang nilingon. Pinisil ko ang baywang niya na ikinaimpit nya ng sigaw.
"Eh gago ka pala e! Hindi ba pwedeng magpasalamat ka nalang? Ikaw na nga itong-"
"It's alright, okay?! I started it! Ako ang-"
Marahas akong napabuga nang hininga. Hindi makipaniwala sa sinasabi nang baklang to.
"Alam mo, kung wala lang talaga akong awa sayo, hindi na kita tinulungan. Edi sana sina manong guard ngayon yung naghahatid sayo!"
Hindi siya sumagot. Mabuti na rin yon dahil ayaw ko nang ingay. Boses pa lang ni Evan naiirita na ako. Be thankful na lang sya okay?!
Binuksan ko ang pintuan nang clinic at pumasok. Akala ko bubungad sa akin si Ate Nurse pero wala siya. Tahimik at madilim ang buong kwarto.
Hinatid ko muna si Evan sa higaan at inalalayan siyang humilata. Para siyang PWD.
Inayos ko ang buhok ko habang pinagtitigan ang mukha nya. Nasasaktan ako para sa kanya.
Kung totoo na may gusto siya sakin at gusto niyang patunayan yun, huwag naman sa ganitong paraan.
Huwag niya namang abusuhin yung kaunti nararamdaman ko para sa kanya. Hindi pantay e. Unfair na lalo na sa side ni Ivan.
Ayaw ko rin namang iwan lang bigla si Ivan at pagtuonan nang pansin si Evan. Hindi ako ganoong tao.
Binuksan ko yung ilaw. Napansin kong wala na ang mga gamit na palaging dala-dala nang nurse kaya posibleng umuwi na ito. Iniwang hindi nakalock yung clinic.
Kumuha ako nang emergency kit at mabilis na nilapitan si Evan. Nakapikit yung mga mata niya at parang tulog na.
Inuyog ko ito nang mahina pero hindi siya gumalaw. Hindi ko nalang ito ginising at mabuti na yun. Baka bigyan nya pa ng meaning itong ginagawa ko.
Tsaka isa pa kung tapos na ako kakagamot sa kanya ay ibibigay ko na lang kina manong guard na bantayan si Evan.
O di kaya'y humingi ako nang tulong sa Mama niya. Kaso kapag nalaman ito ng Mama niya ay mapagalitan pa siya. Kawawa naman.
Tinanggal ko sa pagkakabutones ang uniform niya para tshirt na lang ang suot niya at makahinga rin siya ng maayos.
Habang nililinis ko ang mga sugat na natamo nito ay hindi ko magawang ialis ang aking atensyon sa maamo niyang mukha.
Naninikip yung dibdib ko habang iniisip ang dahilan kung bakit siya nahantong sa ganito.
Kasalanan ko rin naman. Sana mas malinaw akong nagpaliwanag na hayaan niya na ako. Ayaw ko na nang away dahil sa kanya.
BINABASA MO ANG
Caught in your Labyrinth (Unedited)
RomanceThey started as enemies and ended up being something sensational. This is a story about a well-known gay and a girl with a perfect family who went into a labyrinth they didn't want and discovered something about their interconnection. Started: 07|10...