Gaya ng sinabi ko kahapon ay pumunta kami sa department store. Ngayong araw, nakadepende sa amin kung papasok kami o hindi. Hindi ako pumasok buong araw pero si Evan ay pumasok pa rin. Sayang daw ang learning eh alam ko naman na hindi niya kayang pabayaan ang pag-aaral niya.
Nakauniporme pa rin si Evan kasi kagagaling lang nito sa eskwelahan. Tinext niya akong maghintay na lang daw sa loob ng department store kasi susunod siya mag-uwian nila. Kaya heto...
"Eto, darling? Mas maliwanag pa kesa sa ibang flashlight dito," anito saka tinignan pa ang pricetag. "Oh, mura pa!"
Oo, gago.
Natatawa kong hinablot iyon sa kanya. "Hindi naman tayo magtatagal do'n eh. Kahit maliit na lang," suhestyon ko.
Tumango ito. "Ikaw ang bahala pero teka lang, may bibilhin din kasi ako dito. Saglit lang, huwag mo akong iwan dito sa store kundi malilintikan ka talaga sa akin."
Para itong praning kung umakto. Nangunot pa ang noo ko nang hawakan nito ang aking kamay. Hinaplos niya ang mga daliri ko bago iniangat para dampihan ng halik habang diretsong nakatingin sa aking mga mata.
"Para kang tanga!" Hinampas ko siya. Nahihiya ako sa pinanggagawa niya hindi dahil sa corny ito pero iba kasi ang dating sa akin.
Mahina itong napahalakhak bago ibinaba ang kamay. "Aysus, aminin mo na lang kasing kinikilig ka!"
Hindi ako sumagot at tinulak na lang siya. "Sige na! Sige na! Bilhin mo na ang gusto mong bilhin. Naghanda si mommy sa bahay."
Tumango ito saka kumaway pa sakin bago naglaho. Matapos kong mapili ang gusto kong flashlight ay dumiretso ako sa station ng mga pangtali sa buhok. Naisipan kong bilhan kahit ano si mommy. Yung hindi niya pa nagagamit.
Kasi pansin ko nitong mga araw medyo wala siyang gana. Palaging nakasimangot pero kung mag-usap naman kami ay parang wala naman itong dinadamdam na iba.
Narinig kong umiiyak si mommy isang araw kaya nagtataka ako kung ano yung dahilan pero hindi ko na inabalang magtanong tungkol doon kung magiging dahilan lamang nito ang palungkutin siya.
Kung ano man ang dinadama ni mommy ngayon sana kahit papaano ay nababawi ko sa paraang ganito. Nasasaktan din kasi ako kahit hindi naman niya sinasabi sakin ang dahilan.
Nang matapos makapili ay dumiretso na naman ako sa kabila kung saan maraming mga DIY Notebooks. Patingin-tingin ako roon nang pagkaatras ko'y may nabanggang akong tao.
"Ay! Sorry po!" Natataranta ko itong nilingon.
Awtomatikong nagsalubong ang aking mga kilay ng mapagtantong si Lurk iyon na may kasamang babae.
"Lurk!"
Ngumisi ito sakin saka ako nilapitan. Kumurap-kurap ako ng wala man lang akong makitang pagseselos sa mukha nung babaeng kasama nito nang lumapit si Lurk para bumulong.
"Sinong kasama mo dito? Si Evan?" Nanlalaro ang kanyang tono nang bumulong sakin.
Nairita ako kung kaya't mahina ko itong itinulak papalayo.
"Ano ba? Ano bang pakealam mo? Kung tungkol ito sa bagay na yon, huwag kang mag-alala! Alam ko kung anong ginagawa ko!"
"Talaga? O baka naman nagrarason ka lang?"
"Alam mo? Pakealamero ka. Kung hindi lang magkaibigan ang papa natin baka matagal na kitang nireport ng panggugulo sakin!"
Ngumisi na naman ito ng nakakaloko. "Naninigurado lang ako. Nag-aalala lang ako sa kaibigan ko. Ayaw kong nasisira ang image ng pamilya ng mama mo dahil lang sa walang kwentang ama mo."
BINABASA MO ANG
Caught in your Labyrinth (Unedited)
RomanceThey started as enemies and ended up being something sensational. This is a story about a well-known gay and a girl with a perfect family who went into a labyrinth they didn't want and discovered something about their interconnection. Started: 07|10...