Chapter 22

43 6 0
                                    

Lumipas ang mga araw ay medyo gumaan-gaan na rin yung pakiramdam ko. Unti-unti ko nang nakakalimutan ang mga problema ko at iyon ang ikinababahala ko.

Nalaman ni Mama yung sakit ko dahilan para masermonan ako kasi ni hindi man lang ako nagsabi.

Nalaman ko rin kina Ayana at Takemi na habang dalawang araw akong nakaratay sa kama ay hindi ako nalipasan ng kaunting atensyon ni Evan.

Todo naman sila sa panunukso sakin tungkol doon. Hindi na ako nakipagtalo at tinanggap na lang ang lahat na yon.

Papasok na sana ako sa classroom nang may biglaang humatak sa palapulsuhan ko. Nasa gitna kami ng corridor baka nakakalimutan niya!

"Darling, text me kung may iba kang nararamdaman ha?" Siya na rin yung kumuha sa cellphone ko sa kamay. Niregister niya roon ang number niya.

Pati yung akin. Hindi nakaligtas ang pamumula ng aking pisngi sa panakaw na sulyap si Evan. Naalala ko pa na tinawag niya akong darling.

Simula nung maaksidente ako ay todo ang pag-iingat niya sakin na animoy hangin lang sina Ayana at Takemi.

"Just keep blusing, darling. You're glowing pero hindi naman ako magpapatalo no," laban nito sakin.

Kinunotan ko siya ng noo. Binalik niya sakin ang cellphone ko at inilapat ang labi sa aking pisngi. Natisod ako sa kinatatayuan.

"Stop frowing, Ella. Be beautiful just like me, 'kay?" Kumindat siya sakin bago ako iniwan sa may pintuan.

Nakatayo pa rin ako roon. Nakatutok ang tingin sa malapad niyang likuran. Para talaga siyang lalake kung manamit ngunit yung paggalaw nito at pananalita ay pangbabae.

Nang matauhan ay awtomatikong napakagat ako ng labi saka napayuko. Hiyang-hiya ako sa ginawa niya! Mabuti na lang walang teacher na dumaan.

Pagkaupo ko roon ay nadako yung tingin ko sa mapang-obserbang tingin ni Ayana sa likod ko. Kinilabutan ako.

"Ano 'yon?" Demand nito.

Napalunok ako at umiwas. "Ang ano? Wala naman ah."

"Tsh! Baka nakakalimutan mo yung ginawa niya sayo," may poot sa tono ni Ayana.

Tila nagising ang diwa ko. "Hinding-hindi ko yon makakalimutan, Ayana. Tiwala mo lang sakin, ayun ang kailangan ko."

Hindi na sumagot si Ayana. Natuon ang atensyon ko sa mga nangyayari ulit. Sadyang hindi ako lulubayan ng mga problema ko sa buhay hangga't hindi ko ito isa-isahin.

Ang bibigat sa dibdib tuwing iisipin ko. Minsan hinihiling ko na lang na itulog ang mga ito ng matagal at hindi na magising.

Si Papa, bumalik na naman siya sa dating siya. Yung asawang palaging wala sa pamilyang binuo niya kasama ang kabiyak.

Naaalala ko pa kung pano ko narinig yung pasimpleng hikbi ni Mama sa bahay ilang araw ang nakakaraan. Ngayon ay palaging seryoso na siya at pinagfo-focusan.

Sa akin at sa bahay. Typical na housewife.

Hindi naman bagay kay Mama ang pagiging housewife!

Mas bagay nga pa rito yung trabahong pang-secretary katulad sa mga binabasa ko na nakakatuluyan yung mga amo nila sa opisina.

Lumipas ang oras na akalain mo'y hangin lang kung umihip sa bilis. Last one minute before the lunch break ay naglilinis na ako ng desk.

Nililipad yung mga kurtina sa loob ng classroom dahil sa hanging pumapasok. Tahimik sa loob ng classroom at sikat na sikat yung pangtanghaling araw sa labas.

Inuga ko ng kaunti yung upuan ko saka bumaling pasimple sa labas ng bintana. Uwian na ng nakararami.

Aksidente namang lumipad yung tingin ko sa may pintuan at nakita roon na nakaupo si Evan sa may bench, nakatingin sa akin.

Caught in your Labyrinth (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon