Tumawa ako nang madama ang yakap niya sa aking likuran. Nasa mansyon kami ng mga Alcantara. Dapat nga hindi kami magkita dahil dalawang tulog na lang at ikakasal na kami.
Yes. We spent two months being girlfriend and boyfriend. Ginawa namin 'yon para makabawi lang naman sa nakaraan namin.
Wala na kaming ibang tinatago sa isa't isa. Nasasaktan lamang ako dahil sa naging paliwanag niya sa akin noon.
Mas lalo ako naliwanagan nang dagdagan ni Marcus ang impormasyong sinabi sa akin ni Lurk.
Marcus was so mad after he knew everything. Noong umalis kami papuntang States ay nakadanas ito ng depression. Hindi nito tinanggap si Papa bilang biological father nito dahil noong magkakilala ang mga ito ay ni hindi man lang nakaramdam si Marcus ng luksong-dugo.
Matagal na itong inaasam na magka-ama ngunit noong dumating si Papa sa buhay nito ay tila hindi pa rin 'yon sapat. Hindi naging maligaya si Marcus sa piling nina Maureen at Mateo.
Nang magkabalikan sina Maureen at Mateo ay pinabayaan na niya ako. Parang hindi na anak ang turing niya sa akin noon nang tumira kaming tatlo sa bahay niyo sa loob ng tatlong linggo.
Kaya naisipan kong tumigil ng pag-aaral muna. Hindi ako nagkolehiyo at naging isa sa mga child labor dahil minor pa lang ako no'n. Hindi ko ineexpect na tutulungan ako ni Lurk.
Binigyan niya ako ng trabaho pero mas ikinagulat ko nang bigyan niya ako ng suhestiyon na mag-aral ngunit sa bahay lang.
Tinanggap ko ito. Dinala niya ako sa mansyon ng Conzuelos para doon magtrabaho at mag-aral. Nakakatuwa pa do'n ay halos nasa bahay lang ako kung kumilos.
Kilala ko ang lahat ng trabahador. Napalapit ako bigla sa kanila hanggang isang gabi nang patawagin ako sa opisina ni Don Elias para mag-usap ng masinsinan ay halos kabahan na ako.
Nabigla ako nang hindi naging malupit sa akin si Don Elias matapos ng usapan naming gabi niyon. Tinanong lang naman niya ako tungkol sa buhay ni Evan noon.
Nakakahiya kasi napansin ako ng paaralan kung saan ako naka-enroll at sinabak sa mga academic school competitions. Matataas ang mga grades ko at ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para ipanalo ang lahat.
Nalagay ako sa mga articles. Nakapagtapos ako ng may mataas na karangalan. Sikat ang pangalan ko sa iba't ibang paaralan. Pero nahihiya pa din ako.
Ngunit nang aksidente kong maukay 'yong gamit ko at nakita ang singsing na ibinigay ko sa 'yo na hinubad mo kalaunan dahil labis kitang nasaktan no'n ay mas lalo akong naging matatag.
Pinag-igihan ako ang pagtatrabaho at pag-aaral hanggang sa parang bomba nang malaman kong ako pala ang tunay na apo ni Don Elias.
At 'yon! Dahan-dahan kong naalala ang nakaraan dahil sa tulong ni Abuelo at ni Lurk. Si Lurk ay matagal nang may alam. Nasa relasyon pa lang tayo pero alam na niya.
Kaya niya tayo sinisiraan para ilagay tayo sa tamang daan. Para makilala natin kung sino ang totoong tayo. Nasaktan tayo ng labis doon ngunit nakita mo naman ang naging kahinatnan ng lahat.
Naging parte ka ng inspirasyon ko, Ella. Kung wala sigurong tayo o hindi mo ako nabangga at natapunan sa uniform baka nagkanda-letse na ang lahat.
"What are you thinking, darling?"
Napakagat ako ng labi at hinaplos ang panga niya. Nakiliti ako sa dulot ng maninipis niyang balbas.
"I'm still thinking how you easily overcome the challenges."
Natawa ito ng mahina. "You too, darling. We faced the challenges. Naging matatag tayo."
BINABASA MO ANG
Caught in your Labyrinth (Unedited)
RomanceThey started as enemies and ended up being something sensational. This is a story about a well-known gay and a girl with a perfect family who went into a labyrinth they didn't want and discovered something about their interconnection. Started: 07|10...