Chapter 12

51 3 0
                                    

Pagkalabas agad ni Ella sa office ng pinaghatidan nya nang mga testpapers ay dinukot nya ang phone na nasa loob ng bulsa. Nabubulag sya sa sariling galit. Galit para sa kanya dahil sa pagiging tanga nya.

Alam naman nyang bakla si Evan at sa lalake lang ito pumapatol ay sinabi nya pa rin yung pagtingin nya. Galit din sya para rito. Galit na galit na halos ikaiyak na nya. Naninikip yung dibdib nya sa inis at sakit.

Nakayuko at umiiwas sa mga mapanuring tingin ng mga tao ay tinype nya ang dapat nyang sabihin kay Ivan. Nagiging toxic yung isipan nya kapag hindi nya na nakakaya pang ipunin ang mga nararamdaman. Kagaya ngayon, sisirain nya yung reputasyon ni Evan para sa sariling kasiyahan.

Maghihiganti sya rito. . . ngunit hindi nya alam kung para saan.

Maraming tao ang narereject kesa sa kanya tapos itong first rejection na natanggap nya ay nagpapatalo na sya.

Mapait na ngumisi si Ella at inangat ang noo, nakaderetso yung tingin. Umasta syang parang walang nangyayari. Mula sa kalayuan ay nakita nyang nakamasid sa kanya si Evan ngunit hindi nya ito binigyang pansin.

"Oy, Ella," tawag sa kanya ni Takemi. "May celebration kami the day after tomorrow sa bahay, invited kayong dalawa ni Ayana."

Naglilinis sya nang sariling desk lalo na sa ilalim nito. Inangat nya ang tingin habang pinag-iipon yung mga papel na nilukot nya.

"Hala sya! Ang layo nang bahay nyo, Mi. Gagastos pa kami nyan."

"May susundo naman na."

Tinaas nya yung dalawang kilay. "Sigurado ka dyan, ha. O sige, magpapaalam ako mamaya kay Mama para ma-aware naman sya na aalis tayo-"

Hindi na nya naipagpatuloy yung sasabihin nung magring yung phone nya. Nasa eskwelahan pa sya kaya imposibleng tawagan sya nang ina. Wala syang nagawa kundi sagutin ito kaagad.

Sumenyas sa kanya si Takemi na labas muna at tumango naman sya rito bago maayos na tumayo.

"Hello? Sino to?" Pambubungad nya.

"The fuck, Ella?"

Hindi nya naiwasang mapangiwi nang marinig ang mura nito.

"Sino ba to?" Tanong nya ulit, medyo naiinip.

"Si Ivan to, Ella. Ngayon ko lang natanggap yung message mo kasi vacant namin ngayon. Sorry kung naistorbo kita pero hindi ko lang talaga maiwasang kilabutan sa sinend mong message," rektahang sagot nito.

Ilang sandali muna syang nagloading bago tumawa. "Oo, Van! Haha!"

"Nakakadiri ka naman, Ella!"

"Wag maarte, Van, ha. Matino naman yung tao. Subukan mo baka compatible kayo each other," sabi nya na may halong panunuya.

Sumeryoso naman bigla yung boses ni Ivan. "Sa babae lang ako pumapatol, Ella. Kung gusto mo, ipakita ko pa sayo."

Bigla syang kinilabutan. "Jeez, Ivan! Stop it. Mas gusto pa kitang makita na may lalakeng partner."

"Bakla kamo! But, by the way, anong ginagawa mo ngayon? Uwian nyo na?"

"Nope! May last period pa kami, uwi na after. Ba't ka napatanong?" Sumandalsya sa gilid ng desk, nakamasid sa labas ng bintana.

"Ano sana. . . Uhm, pwede ba kitang yayain mag-streetfood? Pero, hindi tayo lalayo, ha, dyan lang tayo sa labas ng campus nyo kumain para comfort-"

"Fine. Payag ako," lutang nyang sagot. Lumiwanag naman yung boses ni Ivan sa kabilang linya.

"Sure! Maghihintay ako sa labas," saglit itong may tinawag sa kabilang linya at narinig nya pa na napa-yes ito bago bumalik sa pakikipag-usap sa kanya. "Wala na pala kaming class after so uwian na namin. Maya-maya nandyan nako sa labas, hintayin kita sa waiting shed."

Caught in your Labyrinth (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon