Chapter 38

34 3 0
                                    

I yawned as I descended from my room. I took one day para tumambay lang muna sa kwarto ko. Oo, nasa Hacienda Alcantara na muli ako.

Nakakatawa kasi pagtapak ko pa lang ang daming mga memorya ang naalala ko. And I was thankful dahil hindi na 'yon kasingsakit noong dalawang taon pa lang ako sa NYC.

Ang lahat ng mga kasambahay ay nagsiayusan ng tayo at yumukod. Walang ekspresyon ko silang pinanood sa ginagawa.

"Good morning po, Senyorita Ella."

Nagsibatian ito sa akin. Pinaikot ko ang mga mata at tumango. Hindi pamilyar sa akin ang mga kasambahay na bumati.

Mga baguhan siguro.

Pumasok ako sa dining hall at binungad ako ng maraming pagkain. Ako lang naman mag-isang kakain pero kung makapaghanda sila, wagas.

Napunta kay Tito Franco ang atensyon ko. He was still wearing his formal attire after Grandpa's death. May puting tela na nakaayos sa kanyang kanang braso.

Nakayuko ito. "Good morning, Senyorita."

Tinanguan ko siya. "Same to you," tipid kong sagot.

Masama ang loob ko ngayon. Umagang-umaga, naiinis ako ng walang dahilan. Hindi pa naman araw ng menstruation ko.

Ang isa sa tatlong kasambahay ay inayos ang upuan ko. Umupo ako roon at muli niya itong inabante para mapalapit ako sa lamesa.

I took the bread knife and the fork before I dig in. A sliced bread with a blueberry syrup. May prutas pa sa gilid ng platito.

Kaunti lang ako kumain kaya masasayang lang itong handa nila. Pwede ko rin namang ibigay na lang sa kanila at doon kainin sa maid's quarter dining room.

"What are my schedules for today, Franco?"

Pinahiran ko ang gilid ng labi gamit ang isang tissue.

"There's only one for today, Senyorita. You'll need to impress the Heir of Conzuelos for them to sign the contract."

Napadaing ako sa inis. I lost my control. Goal ko pa naman na sundin si Tita Sylvia.

"That useless contract!" Reklamo ko.

"Yes, Senyorita," usal ni Tito Franco.

I can't call him Tito whenever we're surrounded by maids. Ayaw ko ng gulo.

"Maids leave us for a minute, please," sabi ko habang hinihilot ang sintido.

Matapos makalabas ng mga kasambahay ay gumaan ng kaunti ang atmospera sa dining hall.

"Tell me, Tito Franco," susol ko. "Ano bang mayro'n diyan sa kontrata? Why Tita Sylvia getting so much stress because of that?"

Ngumiti si Tito Franco at naging komportable.

"It was about merging both of the company--"

Napamulat ako. "Merging both of the company?! The Alcantara's and the Conzuelos's? For what reason? Kaya naman ng Alcantara na umahon ng walang sinasandalan!"

"Hija, I gave the last will and testament written by Don Travis Alcantara to your Tita Sylvia."

Napatingin ako rito. "What are the connections of Grandpa to the Conzuelos, Tito?"

Umangat ang gilid ng labi ni Tito Franco at napayuko. Nagsalubong naman ang mga kilay ko.

"Don Travis Alcantara and Don Elias Conzuelos are both step siblings."

"Are both... what?!"

Naiirita kong tinabig ang mga damong lumalapat sa aking binti. I don't know but Tito Franco really pulled a card para mapilit ako!

Caught in your Labyrinth (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon