Chapter 20

47 3 0
                                    

Tila nagising si Mama kung makailing-iling ito. Kung may kakilala siyang Conzuelos ay masaya ko rin itong ikukwento kay Ivan.

"Ah. . . Naaalala ko lang si Leo."

"Leo? Hindi ba-"

Pait na ngumiti si Mama. "My only first love, my dear. My only first love."

I felt my heart sank. My mom's only first love. . .

Hindi ako sumagot bagkus ay hinayaan kong magkwento si Mama tungkol sa kanyang first love. Kahit alam kong nasa labas si Ivan, naghihintay sakin.

"I loved him before I even met your father. We have all we need. We promised to each other that it'll be me and him that were going to be married. Back at those days, we were still innocent."

Napansin ko ang munting pamumuo ng mga luha sa mga mata ni Mama. Mabilis akong lumapit sa kanya saka siya niyakap. Gumanti rin siya ng yakap saka tinungtong yung baba sa ulo ko.

"He was very protective to me. Palagi niya akong nililigtas sa mga nagtatangkang patumbahin ako." Tumawa siya. "Kilalang-kilala ako sa school noong kabataan pa ako, Ella. Nasa akin daw kasi ang lahat; Beauty, Brain, and Body. Ako yung campus queen tapos itong si Leo naman ay campus heartthrob."

Pinakinggan ko lang ang sinasabi ni Mama habang nakasubsob pa rin yung mukha ko sa dibdib niya. Bumibilis ang bawat tibok ng kaniyang puso.

"We were the greatest couple among others. Marami raw nagdadasal na sana  kami ang magkatuluyan at dapat anakan na raw ako ni Leo para selyuhan ang namamagitan samin. But as you can see, I was allured by your father. . ."

"Ma, I don't think father deserves you," puna ko.

Mabilis akong sinuway ni Mama. "Don't say that, Ella!" Natahimik naman ako tuloy.

"Para kaming kambal-tuko kung magsama dahilan para pagdesisyunan pa ng ama ni Leo na ikasal kaming dalawa pag-abot namin sa legal age. Pero ang sabi namin, he doesn't need to kasi kami mismo gagawa ng paraan para ikasal. But there was a hindrance making the two of us to be apart."

Nalungkot ako sa maikling kwento niya. Hindi ko maiwasang hindi rin mapaisip na paano kung mangyari rin sakin ang nangyari kay Mama?

"Then your father came. . . the rest you already know it."

Malamlam na ngumiti sakin si Mama. "Kaya sinasabi ko sayo, huwag mo masyadong taniman ng poot ang iyong puso dahil sa ginagawa ng ama mo. He knows what he was doing. We just need to trust him."

Trust him?

Pinayagan ako ni Mama na sumama kay Ivan ngunit wala siyang sinabi na pumayag na siyang ligawan ako ni Ivan. Kaya ito ngayon kaming dalawa, nasa cottage ulit at malalim ang iniisip na nakatitig sa malaking fishpond sa harapan namin.

Nagsikalat ang mga water lilies, ganoon din ang mga tutubi na dumadapo sa mga bulaklak. Again, it feels relaxing and peaceful.

"Sigurado ka bang liligawan mo ako, Ivan?" Paninira ko sa katahimikan.

"Oo naman," matamang sagot niya sakin.

"As in, ako lang?"

Nabigla siya sa itinanong ko. Napatitig siya sakin, hindi nakasagot. Pasimple akong ngumiti sa kanya. Alam ko ang ibig-sabihin nito.

"You're not ready yet, Ivan. I think infatuation mo lang yan. Kapag naging tayong dalawa matatali ka sakin, mahihirapan kang makipagkalas dahil aakalain mong magsasabi ako na kung ano ang kulang sakin pero trust me, hindi ako magtatanong niyan."

Puro ang aking intensyon na huwag siyang maoffend. Hindi man lang kumurap si Ivan sa bawat salitang binitawan ko. Marahan ang iginawad kong ngiti sa kanya.

Caught in your Labyrinth (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon