Chapter 24

34 3 0
                                    

Parang natauhan ako kaagad sa naging lintanya niya. Tumitig ako sa mga mata niyang puno ng sakit. I didn't mean--

"Kung ganyan mo ako tignan, ayos lang," mapait siyang ngumiti. "Hangga't kasama kita, ayos lang."

Tila may kung anong humampas sa aking dibdib dahil sa sinabi niya. Bakit ko pa pinagsasabi 'to?

Yumuko na lang ako para maiwasan ang mga titig niyang tila hinihigop ako. Naglakad ako palagpas sa kaniya ngunit nung hindi ko siya maramdamang sumunod sa akin ay binalingan ko ito.

Nagsalubong ang mga kilay ko nang makita lang siyang nakatayo roon.

"Anong ginagawa mo d'yan? Halika na!" Anyaya ko papasok ngunit hindi ito sumunod.

"Ano--" Hindi ko na naipagpatuloy pa ang mga sasabihin nang magsalita siya.

"Hindi na pala ako tutuloy, darling."

Napantig ang tainga ko. "Ano?! Bakit?! Nandito na tayo oh. Paglulutuan pa kita."

Tipid itong ngumiti saka inayos ang pagkakasuot ng bag, nangangahulugang handa na itong tumalikod at umalis. Sa walang kadahilanan ay bigla akong nalungkot at nasaktan sa naiisip. Iiwan niya ako?

"Hindi na nga, ang kulit mo," atungal nito na napakamot pa sa ulo. "Saka na siguro ako tutuloy kapag may patunay nang kapantay na tayo ng tinatamasang buhay."

Nagalit ako bigla. "Evan! Sinasabi ko sayo, 'pag hindi ka tumigil sa mga pinagsasabi mo-- Ano bang pakealam ko kung mahirap ka?! May magagawa ba 'yang sinasabing kahirapan mo sa buhay ko? Wala!"

Parang tanga naman kasi e. Napaluha na ako. Nakita ko naman na biglang nag-iba yung ekspresyon niya ngunit hindi niya ako nilapitan.

"So, parang sinasabi mong kapag ba mayaman, mayaman din ang pipiliin? At kapag mahirap, mahirap din ang pipiliin?"

Naiisip ko pa lang na may iba siyang babae ay nadudurog na ang puso ko kahit pa lalake. Walang batas na gano'n dito sa amin. Hindi kami mapiling pamilya. Basta kung saan masaya, doon kami.

"Hindi naman sa ganoon--"

Nabulag na nga ako sa selos at galit na pinaparamdam niya sa akin. Tumataas-baba na ang dibdib ko dahil tila gusto ko na lang humagulhol.

"Then leave!" Sigaw ko. "Leave me alone, Evan! Leave me! Sumama ka sa iba! Piliin mo 'yong magiging mahal mo na katulad mo rin! At pipiliin ko rin ang magiging mahal ko, 'yong mayaman! Hindi katulad mo!"

Nabigla ito sa sinigaw ko dahilan para matanggal na talaga ang mga paa niya kung saan siya nakapwesto. Mabilis siyang lumapit sa akin ay niyakap ako. Tuluyan nang nagsituluan ang mga luha kong nag-aabang.

"Shh... Huwag mong sabihin 'yan, Ella. Wala kang ibang mahahalin kundi ako lang. At wala na rin akong ibang mamahalin kundi ikaw lang. Huwag mong sabihin 'yan, darling. Hinding-hindi kita iiwan," gumaralgal ang kaniyang boses ngunit nagpatuloy pa rin sa mga sasabihin.

"Kahit labag sa kalooban ng mga magulang mo ang maging tayo, ilalaban ko. Ilalaban natin. Pipilitin natin na maging tayo, kahit anong mangyari. Do you u-understand, my darling?"

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ako sa mga pisngi. Yumuko siya ng kaunti para tignan ako sa mga mata. Napatitig ako roon. Nagmamakaawa ang mga ito. Sinasabing pumayag ako, pumayag na ilaban namin ang magiging relasyon namin hanggang huli.

Evan is my love. No one else.

Imbes na sumagot ako ay kinabig ko ang kwelyo ng polo uniform niya saka siya hinalikan sa mga labi. Parang natutunaw ang mga tuhod ko nang maramdaman ang labi niyang dumampi sa akin. Mabilis niyang hinawakan ang baywang ko para panatilihin ang pagkakatayo ko.

Caught in your Labyrinth (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon