Hindi pa ako nakakabangon at bagong mulat pa lang ay bumungad na kaagad sa akin ang likuran niya. May kung ano itong ginagawa kaya hindi ko maiwasang magtaka.
"Ang aga mo naman!" Reklamo ko.
Napatingin ako sa may bintana ng van at nakitang magbubukang liwayway pa lang.
"Natulog ka pa ba?"
Hindi siya sumagot. Pagharap niya sa akin ay may dala siyang dalawang tasa. Nakangiti ang mukha bago inilapit ang isang tasang gatas.
"Oo naman. Oh, mag-gatas ka muna," anyaya niya. Tinanggap ko ang alok nito.
Sumimsim ako roon at napangiwi nang mapaso ng kaunti ang puno ng aking dila. Umupo naman siya sa tabi at pinanood ako.
"Oh, dahan-dahan lang," paalala nito na binigyan pa ako ng panyo.
Walang kahit anong mabigat sa damdamin ang nangyari nang mag-umagahan kami ni Evan. Gumagaan ang aking pakiramdam sa tuwing nakikitang maalaga ito sa akin. Hindi ko alam kung si Evan na ba talaga ang endgame ko or ano.
Ngunit isa lang ang masasabi ko, magaan ang loob ko sa kanya at sa nakikita ko ay ganoon din siya.
Nakaupo lang kaming dalawa. Tahimik. Pasimple rin akong ngumingiti habang tinatapunan ito ng tingin sa tabi ko na tahimik lang at na sa libro ang atensyon. Tutal maaga pa naman at mga alas-syete pa kami aalis ay ginugol namin ang isa't isang magkasama.
"Evan! Evan, bakla!"
Nawala ang atensyon ko sa iniisip nang marinig ang lalakeng tumatawag kay Evan. Napalingon ako kay Evan na nakaangat na ngayon ang ulo. Pumasok ang lalake sa loob ng van.
Sumungaw ito at nginuso ang labas. "Pinapatawag ka ni sir."
Naramdaman ko ang pagkabog ng aking dibdib. Nag-aalalang napaangat ang tingin kay Evan na handa nang lumakad palabas. Hinuli ko ang palapulsuhan niya.
"Evan, papagalitan ka na ba?" Kinakabahan kong tanong.
Magaan itong ngumiti sakin at pinatong ang isa niyang kamay sa kamay kong nakahawak sa kanya. "Don't worry, darling. Napag-usapan na namin ni sir 'yon kagabi pa. Everything is fine."
Tipid akong ngumiti bago tumango. "Mabuti naman..."
Bumitaw na ako sa kanya at hinayaan na siyang lumabas ngunit bago ito tuluyang makababa ay muli ako nitong binalingan. Nginitian niya ako saka kumaway.
Natatawang gumanti naman ako rito. Pagkalabas nito ay sumunod sina Ayana tsaka Takemi. Napuno ng pag-aalala ang kanilang mukha.
"Ella? Are you okay?"
"Masama raw pakiramdam mo kagabi. Sinamahan ka ni Lurk?"
Halos sabay pa silang nagsalita. Ngumiti lang ako sa kanila saka tumango. Napahinga sila ng maayos.
"Mabuti naman," anya ni Ayana.
Sandali kaming natahimik na tatlo.
"May napapansin ako riyan kay Lurk ha," pangunguna ni Takemi.
Napakunot ang noo ko. "What do you mean?"
Ngumuso ito at bumaba ang tingin sa camera na nakasabit pa rin sa leeg niya. "He looks so concerned about you."
Natawa naman ako sa sinabi nito. Umangat ang mga mata nito ngunit hindi ang noo. Tila sinilip lang ako mula sa kanyang pilik-mata.
"Hindi ko rin alam. Choice niya 'yon kahit na sinabihan ko naman na huwag siyang mag-alala ng sobra. Ngunit mapilit e! Kesyo raw siya ang sisisihin ni papa kapag nalaman. Magkaibigan ang papa namin ni Lurk kaya siguro gano'n na lang kung umakto."
BINABASA MO ANG
Caught in your Labyrinth (Unedited)
RomanceThey started as enemies and ended up being something sensational. This is a story about a well-known gay and a girl with a perfect family who went into a labyrinth they didn't want and discovered something about their interconnection. Started: 07|10...