First offense, I finally received it. Note the sarcasm please.
Mas lalo akong nainis nung pagbukas ko nang pintuan ay si Evan ang nabungaran ko. Walang emosyon ko siyang hinarap. Taas-noo naman itong hinarap ako.
"Satisfied?"
Patudyo itong tumawa sakin. Hindi ko inatras ang ulo nung medyo inilapit niya ang kaniyang mukha sakin. "Not enough, darling," pabulong niyang sinabi bago ako nilagpasan.
Tila ngayon lang ako nakalanghap ng hangin dahil sa mabigat kong pagbitaw ng hangin. Tumibok ng napakalakas ang aking puso dahil sa simpleng ginawa niya. Muli kong binalingan ang Guidance Office bago pailing na naglakad paalis.
Hindi ko pinagtuonan ng pansin ang 10-01 classroom hindi dahil sa nararamdaman ko ang kanilang mapanuring tingin. Diretso akong tumingin sa pasilyong dadaanan ko.
Natanaw ko mula sa akin sina Takemi at Ayana na naghihintay sa gilid ng haligi. May concern sa kanilang tingin.
"Anong nangyari?" Si Takemi.
"Anong sabi?" Si Ayana.
Halos sabay pa silang nagtanong. Pinalupot ko ang aking braso sa braso nila, pinagigitnaan nila ako.
"Thank you! May marka na yung record ko. Thank you talaga ng marami! Tangina. Pula pa."
Pigil na tumawa si Ayana samantalang si Takemi ay hinihimas lang ang aking kamay na para pakalmahin ako. Dahil last subject na namin yun, dumiretso kami sa usual naming tambayan. Ang katamtamang plaza na nakatayo malapit sa South Gate.
May kakaunti pang mga estudyante sapagkat hindi pa naman bumababa ang araw. Ilang minuto nalang ay mag-a-alas singko na ng hapon. May ibang naglalaro ng pambata katulad nang tagu-taguan, chinese garter o doctor quack-quack kahit na lagpas labing-tatlong taong gulang na ang mga edad.
Isa ito sa mga paraan para maramdaman pa rin namin ang pagkabata sa kabila ng mga mabibigat naming school works or school activites. Alam naming hindi pa to sobra-sobra pero nag-aabang na kami o naghahanda.
Iba talaga ang buhay. Dahan-dahan tayong sinasanay para sa mga mabibigat na suliranin na kailangan nating lutasin bago mamaalam.
Nagtataka ako. Ganito lang ba ang dapat naming gawin? Ang ipasa ang bawat hamon na itatapon sa amin ng pamumuhay sa mundong ibabaw? At pagkatapos ay kusang kukunin?
Hanggang ngayon napapatanong ako. . . "For what?"
Kinandong ko ang aking bag saka tinanggap ang fishball na binili ni Takemi para samin ni Ayana.
"Thank you, Taks!" Bibong pasasalamat ni Ayana. Nakangisi na parang aso.
Simple lang akong nagpasalamat kay Takemi ngunit nakay Ayana ang tingin. Palagi nalang masaya si Ayana tapos kaming dalawa ni Takemi ay seryoso lang.
Hindi kami nag-usap. Pinakiramdaman lang namin ang bawat presensya. Alam naming kahit na hindi kami mag-open sa isa't isa ay maiintindihan namin yun batay sa pinapakita naming kilos.
And that's all I need and want. Them. Ayana ang Takemi.
Sila lang yung mga taong nagbibigay kalma sa akin. Malaki talaga ang pasasalamat ko dahil nakilala ko sila at nakasama ng matagal.
"Takemi?" Una akong nagsalita. Napansin kong wala nang mga estudyante.
"Hmm?"
"Is there something wrong?" Nilingon ko na siya.
Natulos siya sa kinauupuan. Titig na titig sa sauce ng fishball. Napuna kong parang may kakaiba sa kaniyang kinikilos. Medyo dumahan-dahan siya sa paraang pagkilos niya. Parang di-makabasag pinggan na.
BINABASA MO ANG
Caught in your Labyrinth (Unedited)
RomansaThey started as enemies and ended up being something sensational. This is a story about a well-known gay and a girl with a perfect family who went into a labyrinth they didn't want and discovered something about their interconnection. Started: 07|10...