💖💖💖
Isang napakaganda at batang mukha ng babae ang nakita ni Madel nang magmulat siya ng mga mata.
Taliwas kanina, ang kuwarto ngayon ay may pink na wallpaper at mga linens. Mas maliit kaysa sa kuwarto kanina but still big to her standard. Kumpleto pa rin sa gamit.
The bed was probably queen size at may ruffles ang mga silk linens. Wala na ang malaking couch kanina at ang liwanag ay nahaharangan mga puno sa labas ng mas maliit na bintana.
The pink curtain has ruffles and laces as well. Parang silid ng isang prinsesa. Tulad ng kaharap niya.
Tiningnan niya ang babae na naka white shorts at sleeveless na white eyelet blouse na may ruffles sa neckline at balikat. "S-sino ka?" tanong niya dito sa paos na boses. Napagod na yata ang boses niya kakatanggi sa mga nangyayari.
The girl smiled. "My name is Chloe, kapatid ko si Robb."
Hindi niya napigil ang sarili niya. "Nababaliw na 'yong kapatid mo. Dahil iniwan siya ni Leila basta niya na lang naisip na puwede niya akong pakasalan!"
Kumunot ang noo nito. "Sino si Leila?"
"Hindi mo kilala si Leila? Alam mo ba na ikakasal siya?"
Tumango ito. "Yes, it is your wedding day tomorrow. And in fairness to Robb, wala naman siyang binabanggit na pangalan sa amin. And even in his announcement, anonymous ang pangalan ng babae."
Siya naman ang nagtaka. Hindi niya na pinansin ang sinabi nito na kasal niya bukas. "Ano ang nakalagay sa invitation?"
Umiling ito. "Walang invitation."
Tarantang iniatras niya ang sarili para mapaupo. Kulay puti ang leather headboard. Malambot din iyon tulad ng malaking kama kanina. "Paanong naiplano ang kasal nang walang invitation?"
Napabuntong hininga ang babae pero nakangiti pa rin. "Well, dahil si Robb ay kababalik lang sa pamilya. My parents pretty much indulge him of his decision. Isa pa, wala pang maling desisyon na ginawa ang kapatid ko, kahit minsan parang napakaimposibleng tingnan sa kahit anong anggulo, it would still turn out to be correct. We trust him."
Wala siyang maisip na escape kung hindi ang magsabi ng totoo. Surely, hindi papayag ang mga ito na magpakasal ang kapatid nila sa isang katulong! Hindi niya minamaliit ang sarili niya. She just really knew where she stood. Baka kung saan saan siya masuot at sa bandang huli ay bigla na lang siyang iwan na parang basahan.
She never asked for anything much in life. Gusto niya lang ay maging settle sa kung anong lugar man siya mapadpad. 'Yong may tulugan at may makakain. 'Yong hindi siya matatakot na isang araw ay palalayasin siya o itatapon sa kung saan tulad ng ginawa ni Leila sa kanya.
Eh, di lalo pa itong si Robb, hindi niya ito amo. Kung ano man ang gusto nito sa kanya ay dapat nilang pag-usapan. Kailangan ng kontrata kung kukunin siya nitong maid tulad ni Don Julio. She was signing a contract with that family yearly. Kaya malakas ang loob niya.
BINABASA MO ANG
MAID IN HEAVEN (Completed) (RELOADED) MAID SERIES 1
RomanceMaid Series 1 This is a Castiglione and Enigma Story. MARRIED TO ANOTHER MAN'S FIANCE... Madel found herself in a room of a man she could only dream about. And marrying him was not a part of the dream. How did her life change in a split second from...