Madeline Castiglione

3.2K 123 125
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

Robb silently watched his wife habang nilalantakan nito ang dessert na dinayo nila sa Chilis. No one can fix this molten lava cake like Chilis. According to Madel. Katabi niya ito pero parang hindi siya napapansin.

Wala man lang itong in-order na iba. Kung sabagay, one na sila nag-lunch mag-asawa kanina. Ilang oras pa lang ang nakakalipas. He also saw that the tall glass with orange juice on the bedside table was empty.

Ibig sabihin inubos nito iyon habang nagmamaktol.

There was something about his wife that was different since this morning. It wasn't bad. It was actually beautiful. Hindi niya lang ma-point out kung ano.

He wanted to know something kaya pumihit siya para mapaharap dito. "So, what are those things that you told Leila?"

She smiled. "Ang cute noh? Paniwalang paniwala siya. Pero alam mo tingin ko hindi pa rin titigil 'yon. Hayaan mo lang. Kapag punong puno ka na saka ka lumaban. I enjoy mo lang ngayon. Inisin lang natin."

He slowly nod. Hindi siya makapaniwalang iba na ang sinasabi nito ngayon. Mukhang nilipad na ng hangin ang mga insecurities nito. Which was good. "Ano nga pala 'yong itatanong mo sa akin kanina?"

Bigla itong natigilan at tumitig sa kawalan bago siya nilingon? "Kailan?"

"Bago tayo lumabas ng kuwarto at bago sumingit sa usapan si Leila. Sabi mo may itatanong ka."

He saw her expression changed dramatically. "Huwag na nakakahiya."

He cupped her jaw, at pinihit ang mukha nito paharap sa kanya. "What's that?" he asked her firmly.

Nasa dibdib niya ang mga mata nito bago marahang umangat papunta sa mukha niya.

He met her gaze. "Say it!"

She pouted. Her best feature ever! "Itatanong ko sana kung valid pa rin 'yong prenuptial natin."

Napangiti siya bago binitiwan ang mukha nito. But not before he licked the side of her lips.

Pinandilatan siya nito.

"May chocolate." He chuckled.

She snorted. "I'm reserving it for later."

Ang luwang ng ngiti niya.

Pinahid nito ng daliri ang parteng dinilaan niya at sinipsip.

Napatingin siya sa paligid and found some diners watching them. Kumunot ang noo niya because the look that the people were giving them wasn't usual. It was more than curiosity. There was something about it that he couldn't point out. Pinalis niya muna iyon sa isip at ibinalik ang buong atensiyon sa asawa.

"So?" she asked.

Tumikhim siya. Binulungan niya ito para hindi marinig sa paligid. Kaunti lang naman ang tao pero parang sobrang tahimik. He wondered what's going on. "We do not have prenuptial. 'Yong pinapirmahan ko sa'yo was invalid."

MAID IN HEAVEN (Completed) (RELOADED) MAID SERIES 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon