ILYF

1.6K 73 86
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

"Hay nakoh! Bakit ka nagpahatid dito kung bubusangot ka lang diyan?" nakapamaywang na tanong ni Arianne habang nakapamaywang sa harap niya sa paanan ng kama nito.

Siya ay nakaupo sa kama at hakap ang isang unan sa kama ng kaibigan.

"Nag-away ba kayo ni Sir Robb? Dahil mukha namang okay na okay kayo. Naglalaplapan pa kayo sa harap namin ng donya!"

She gaped at her friend. "Grabe sa naglalaplapan."

"Eh, ano tawag sa ginagawa ninyo? Kulang na lang kargahin ka ni Sir at ipasok sa kotse!"

Muli siyang ngumuso. "Hindi ko maintindihan sarili ko. Nagseselos ako kahit alam ko na faithful si Robb sa akin. Kapag nasabi ko na ang isang bagay. Pinipilit kong pangatawanan kahit ayaw ko na. Sabi no'ng waitress sa restaurant na kinainan namin baka daw buntis na ako."

Inalis ni Arianne ang mga kamay sa baywang at agad na lumapit at umupo sa gilid ng kama paharap sa kanya. "Baka nga buntis ka na!"

"Ang dami ko pang plano friend. Kaka enroll ko pa lang sa open university, magta-travel pa kami para sa business ni Robb."

"Eh, ano ngayon? Puwede naman kayong mag-travel ni Robb kahit buntis ka."

"Gusto ko munang paglingkuran si Robb."

"Mapaglilingkuran mo si Robb kahit may baby kayo."

She slumped on the bed. Her friend was right, naghahanap lang talaga siya ng tamang rason para sa pagmamarakulyo niya.

"Mahal mo ba 'yang baby ninyo?"

"Oo naman!"

"'Yon naman pala, eh! Eh, si Sir ba mahal mo?"

Nakanguso siya pero tumango pa rin."

"Ayon naman pala! Ano ang problema?"

"Kasi, kanina kumain kami. Sabi ko sa kanya love ko ang dad niya kasi pinagtanggol ako media."Napahaphawan niya ang kaibigan ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw hanggang sa pagdating ni Leila sa bahay nila. Ngitngit na ngitngit ang kaibigan niya kay Leila pero tuwang tuwa naman sa asawa niya. "Sabi niya buti pa daw si dad niya mahal ko, siya daw hindi ko sinasabihan na mahal ko. So, sabi ko, eh ikaw? Hindi mo rin naman sinasabing mahal mo ako."

"Ano'ng sabi niya."

She pouted more. Aabot na sahig ang bibig niya. "Hindi siya sumagot. Ubusin ko na daw 'yong kinakain ko kasi uuwi na kami." Parang nagsisikip ang dibdib niya habang naiisip iyon. "Hindi naman ako mapaghanap. Naiinis nga din ako sa sarili ko. Naiintindihan ko naman kung hindi niya pa ako mahal. Pero dahil diyan, kahit inisip ko kanina na hindi na ako pupunta dito, plinano ko na lang. Parang gusto ko siyang parusahan."

Muling nitong itinirik ang mga mata. "Pero ikaw ang nagdudusa. Ewan ko sa'yo. Kung dahil 'yan sa pagbubuntis mo. Pinapatawad na kita. Pero kung arte lang iyan, dadagukan kita!"

MAID IN HEAVEN (Completed) (RELOADED) MAID SERIES 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon