The Vengeance Is Mine

3.1K 121 124
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

"ANO'NG nangyari sa lakad mo?"

"Ayaw niya na sa akin dad," malungkot na sagot ni Leila sa ama habang nakatungo. Hindi siya makatingin dito ng diretso. He had been a good father to her, a good provider, wala siyang maisisisi dito. Kahit nananakit ito ng asawa tulad ng pinagdaanan ng mommy niya dito noong nabubuhay pa ay naging mabuti itong ama sa kanya.

"Kasalanan mo iyan! Hawak mo na siya sa kamay mo pero nagpakabobo ka pa kasama ng totoy na lalaki mo at 'yang mga walang kuwentang pinsan mo! Kahit naman sino ay magagalit! Hindi ka kasi nag-iisip!"

Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa ama. She wasn't really in love with Migs. Ayaw niya pa lang talaga magpakasal kay Robb. Tingin niya noon ay hindi ito ang lalaking para sa kanya dahil matagal niya itong hindi nakita. Wala naman talagang significance ang ilang linggong kasama niya ito noon. At dahil si Migs ang nangakong sasagipin siya ay nakipagsapalaran siya dito.

She wasn't broken hearted for not having Migs anymore. She was broken hearted that she wasn't informed about their business almost nearing bankruptcy. Kaya pala siya pinilit ng daddy niya na magpakasal kay Robb.

"Ano ba kasi ang pumasok sa utak mo? Nagkausap na tayo at nangako ka na pakakasal kay Robb."

"Sorry dad. Wala pa kasi talaga akong planong mag-asawa, I am still enjoying my life being a single," she said honestly. "Isa pa, hindi ko nararamdaman noon na mahal ko si Robb. Imagine dad, hindi ko siya nakita for five years! At kahit noong nagtatawagan kami. Hindi man lang niya ako dinalaw dito. He is always busy with his businesses."

"Bakit? Mahal niya ba ang babaing kasama niya ngayon? Hindi rin, 'di ba? But they are happy like what he told you! Hindi importante na mahal mo o hindi ang asawa mo. Ang importante ay secured ka. Na kahit mawala ako ay alam ko na nasa mabuti kang kalagayan. Bakit ang mommy mo? Pinakasalan niya ako dahil sa security. Ayaw niya rin sa akin noon, pero nakita mo at naging anak ka pa namin."

Hindi niya gustong marinig ang kuwento nito at ng mommy niya. She loved and respect her mom. Also, she didn't want to believe that it would be too late for her and Robb.

She saw him yesterday after five long years. The man oozed with sex appeal. Hindi iyon ang lalaking inaasahan niya. He looked more virile, attractive, handsome! And with lots of money! It was easy to fall for the man. Kung bakit kasi hindi niya muna inalam ang hitsura nito ngayon bago siya tumakas!

Nagpabola talaga siya kay Migs. Pero kung si Migs ay marunong na tumayo sa sarili nitong paa at hindi na umaasa sa magulang. O kahit nagsabi man lang ito na magsama sila at ito ang bahala, she would stay with him.

Pero ni hindi siya nito inihatid sa airport nang pabalik siya ng Manila. May pasok na daw ito sa school at hindi na puwedeng mag-absent.

Inikot ng dad niya ang tingin sa paligid ng study room na parang nag-iisip. Nakaupo ito sa swivel chair at siya ay nakaupo sa puti at maliit na couch na nasa harap nito. "Iniisip ko kung magpanggap kang pinalayas ko at pinatutuloy sa kanya. Kapag naroon ka na sa bahay niya ay madali mo na siyang maaakit. Baka nga si Madel na ang lumayas at hayaan na kayong dalawa ni Robb, then wala ka nang problema."

MAID IN HEAVEN (Completed) (RELOADED) MAID SERIES 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon