Honey on the Moon (3)

3K 114 97
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

Nang pumasok sa bahay ay naamoy agad ni Robb ang nilulutong bacon. Dumiretso siya sa kusina. Napapikit siya nang makita si Madel na nagluluto habang nakatingin ang dalawang Filipino na kasambahay.

Pagharap nito ay nakita siyang nakatayo sa entrance ng kusina. She smiled. "Tinuruan ko silang gumawa ng Quiche Loraine. Malapit nang maluto. Itinuloy ko na itong bacon. Nandoon na sa mesa 'yong freshly baked roll at orange juice. Butter ba ang gusto mo o cream cheese? Nilagyan ko ng basil, eh."

Hindi niya alam kung paanong rumehistro sa utak niya ang mga sinabi nito. Tingin niya ay napakaganda nito sa suot na spaghetti strap na pambahay na short dress na may laces sa laylayan na hindi pa umabot sa tuhod. 

The woman had the most beautiful shape of legs he had ever seen in a woman at walang kapilat-pilat. Hindi ito sing tangkad ni Leila, but she was long legged with narrow waist and shapely breasts.

"Cream cheese," mahinang sagot niya. There was something creamy on his head that he wanted to have at the moment. Crazy!

Sinenyasan nito ang isang kasambahay. "Cream cheese daw, kunin mo sa ref 'yong ginawa ko." Sumunod agad ang inutusan.

"You." He swallowed. "Hindi ko ba nasabi sa iyo na hindi mo 'yan trabaho?" Baka akala nito ay gagawin niya itong mayordoma kaya niya pinakasalan!

"Pero hindi mo matitikman ang luto ko kapag hinayaan ko silang magluto. They don't know how to make Quiche Loraine." He thought about his mom cooking for Marco at times.

"The butlers can do that."

"Hindi ko iyon luto."

"Fine." Hindi nauubusan ng katuwiran! Tinalikuran niya ito. Sinenyasan niya si Jace na lumapit at saka niya binulungan. "Let's eat, kapag nakarinig ako ng pintas ay tanggal ang lahat sa trabaho."

Ngumisi ito at sumunod sa kanya sa dining area kung saan nakahain ang maraming pagkain. Madel came carrying the tray of that QL thingie. Inilapag nito iyon sa mesa. Inalalayan niya itong maupo sa kanan niya bago siya naupo sa kabisera. Jace sat on his left.

"Hindi ba kakain ang mga tao mo?" tanong nito habang nilalagyan ng pagkain ang plato niya. No woman had done this for him before. At hindi niya rin inaasahan sa mapapangasawa niya. This was extra bonuses in marrying Madel. Not bad.

She smiled and poured cream cheese on QL.

"They will eat later," sagot niya sa tanong nito. Hindi niya na kailangang sabihin kay Madel that the securities and all the people in the house wherever they were, have a different break time and siesta, hindi puwedeng sabay sabay.

Nahinto ito sa pagsasalin ng mainit na tubig sa tasa niya at tumingin sa kanya.

After the night of hugging each other, he seemed to be more attuned with Madel. Unang gabi pa lang. Imagine after even just a month?

MAID IN HEAVEN (Completed) (RELOADED) MAID SERIES 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon