REALITY BITES

3K 116 73
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

THEIR level of closeness grew gazillion times. At least that was what she thought and was feeling. Kahit nakabalik na sila sa Manila ay napaka-sweet pa din sa kanya ni Robb. Tawag ito ng tawag kahit nasa opisina at madalas ay umuuwi ito ng lunch para makasalo siya. 

Days passed at hindi niya namamalayan. What she noticed was that she missed her monthly period last month and had been two weeks delayed.

Masaya siyang isipin na buntis siya pero ayaw niya munang intindihin dahil may pagkakataon na talagang hindi siya dinadatnan ng isang buong buwan. 

Ang sabi ng OB niya noon ay dahil daw sa changes of emotion. Robb might be the reason why. It might just be her emotion kahit pa ba minsan ay napapahawak siya sa tiyan niya kapag nag-iisa siya.

What if she was pregnant, tapos nagkita si Leila at Robb, and her husband felt that he was in love and decided to leave her and be with Leila? Hindi siya natatakot na hindi nito suportahan ang anak nila dahil alam niyang gagawin niya ang lahat para buhayin ang anak niya nang nararapat dito. Pero alam niya rin na masasaktan siya.

She couldn't deny anymore that she was in love with her husband. Kailangan niya iyon aminin para magkaroon siya ng katahimikan. And then she could just move forward in her life. It was better than to live in denial.

Maaga siyang natapos magluto nang araw na iyon at nag-asikaso ng mga orchids at roses sa greenhouse na nakapuwesto sa gilid ng bahay nang makarinig siya ng parang pagtatalo sa harap.

Kunot noong naglakad siya papunta sa main door at sumilip. Muntik na siyang mapasinghap nang makita niya kung sino ang naroon at mataas ang boses na nakikipag-usap sa mga kasambahay.

It was Leila. The woman was wearing a black mini-skirt and black spaghetti strap blouse. Mataas ang high heels nito at maraming suot na bangles na kapareho din ang bilog ng suot na hikaw. 

Para itong dadalo sa isang gala event na hindi wholesome. Samantalang siya ay naka shorts lang na pambahay at puting T-shirt ni Robb.

Agad siyang umatras at sumandal sa gilid ng mansion. Pinakinggan niya ang pinag-uusapan.

Sina Mical at Gela ang kausap nito at nakita niyang nakamata si Macoy at ang tatlong mga tao nito sa gilid. Si Jace ang laging kasama ng asawa niya at si Macoy ang iniiwan nito sa kanya. 

"Fine, kung wala si Robb na sabi nila roon ay wala rin sa opisina, puwede ko bang makausap si Madel?"

Huh? Pinuntahan nito ang asawa niya sa opisina? At ngayon ay hinahanap siya? Agad niyang hinugot ang phone sa likod na bulsa ng denim shorts niya habang nakikinig ng usapan.

Walang pasintabi ang tanong niya. 

Pinuntahan ka ni Leila sa opisina?

Mabuti na lang at mabilis sumagot ang asawa niya.

MAID IN HEAVEN (Completed) (RELOADED) MAID SERIES 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon