💖💖💖
"Nakatapos ba ng pag-aaral ang mga kaibigan mo?"
Hindi niya ito tiningnan. Sinagot niya lang. "Si Arriane lang. Si Kari ay tamad. Pero tulad ko mahilig silang magbasa sa library. Madalas ay doon kami nagkikita sa library ng Enigma Royale Residency kapag Linggo. Lalabas lang kami para kumain at babalik ulit doon para magbasa. Kapag may problema ang isa at kailangan namin payuhan ay saka lang kami nagkikita-kita sa labas."
"Bakit ito ang trabahong kinuha ninyo kung puwede namang iba."
"Malaki ang suweldo at minimal ang trabaho. Pakain at stay-in kami sa bahay. Wala kaming gastos. Mas malaki ang gastos kapag nangungupahan kami at bumibili ng sarili naming pagkain at nagbabayad ng utilities." Bumagal ang andar ng SUV.
"Saan kayo nag-aral?"
"May public school na malapit sa amin. Si Arianne ay consistent honor student noong high school. Scholar iyan noong college pero hindi na siya nakakuha ng honor dahil umi-ekstra siya sa canteen ng Tita niya. Si Kari ay tamad lang at humintong mag-aral noong second year dahil kaunti daw ang allowance na ibinibigay ng nanay niya. Arianne is older than us. Si Kari ay isang taon ang tanda sa akin."
"Si Kari ang tamad mong kaibigan?" tanong ni Robb.
Napatingin siya dito. "Nagbibiro ka ba?"
He laughed. "Pumunta sa kanya si Jace at kinumbida siya sa kasal natin."
Natin. Why did that made her feel giddy?
"She told Jace, 'wala akong damit, ibili mo ako ng damit diyan sa kabilang tindahan, basta small kasya sa akin', and she handed him five hundred."
Nanlaki ang mga mata niya. She remembered the pink sleeveless dress that Kari was wearing. Silhouette ang bandang ibaba niyon at may maliliit na ruffles sa leeg. "Binili mo iyon?" tanong niya kay Jace na nasa tabi ng driver.
"That's three thousand five hundred at hindi ko kinuha ang pera niya." He gestured on Robb and winked at her. "He paid me. Though, not necessarily, I accepted it. Baka ma ban din ako tulad ni Ethan."
Napatingin siya sa katabi. "You banned Ethan?"
"So, what?" sagot nito na parang inis.
Isinaisantabi niya na lang muna si Ethan. Tatawagan niya ito pagbalik nila sa Pilipinas. Ibinalik niya ang topic kay Kari. "Ewan ko ba do'n sa kaibigan kong iyon! Kamag-anak yata ni Juan Tamad. Gusto no'n lagi lang nasa bahay at hindi aalis kung hindi namin hatakin palabas."
Huminto ang sasakyan sa harap ng isang magandang eroplano na may nakasulat na R. Castiglione Enterprise in big bold gold letters. The background paint was yellow and blue. Hindi iyon sing liit ng iniisip niya. Naunang bumaba ang mga lalaki habang itinatapat ang de gulong na hagdan sa pintuan ng eroplano.
BINABASA MO ANG
MAID IN HEAVEN (Completed) (RELOADED) MAID SERIES 1
RomanceMaid Series 1 This is a Castiglione and Enigma Story. MARRIED TO ANOTHER MAN'S FIANCE... Madel found herself in a room of a man she could only dream about. And marrying him was not a part of the dream. How did her life change in a split second from...