Honey on the Moon (1)

1.7K 65 24
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

Nakarating na sila sa bahay at nailagay na ang mga gamit niya sa closet ng isang malaking silid na may custom size bed. Inihatid siya doon ni Robb at iniwan. Mayroon lang daw itong ipakikipag-usap kay Jace.

Must be about Leila. Parang narinig niya ang pangalan ng babae at ni Don Julio while she was dripping on and off sleep during the long flight.

She still stood on her ground na kapag nalaman niyang gumawa ng way si Robb para makipagkita kay Leila ay iiwan niya ito. And their marriage, being unconsummated, would be her ticket.

Kaya dapat ay mapangatawanan niya na walang mangyayari sa kanila ng lalaki.

At bakit naman hindi niya mapapangatawanan iyon? Hindi naman niya ito mahal. Kahit pa attracted siya dito. Iba pa rin ang ikasal siya sa lalaking naging boyfriend niya. Kahit hindi pa iyon dumadating sa buhay niya.

She was giving this marriage a chance with condition. And if Robb wouldn't meet that condition, then that would be the end of them.

Hindi naman siya bobo. Siya at ang libo-libong babae sa buong mundo na nakasalamuha nito ay attracted dito. She wasn't especial. Nagkataon lang na siya ang una nitong nakita when he visited Leila to break up with the woman.

Kaya naman umaasa pa rin siya na kapag nakapag-isip si Robb ay ito na ang kusang makikipaghiwalay sa kanya.

Kaya dapat ay tigasan niya sa sarili na huwag bumigay dito. Kahit guwapo pa ito. At mayaman. At maganda ang katawan. Maraming bahay, at pera.

Even if he was treating her well. Na parang totoo silang mag-asawa. Like bringing her to this honeymoon. Securing her passport. Making her dream of traveling come true.

She appreciated the beauty of the place. Mapuno ang labas ng bahay. Puting puti. She even called it white house nang makita niya. Natawa si Robb.

Katulad ng bahay ng parents nito. Maraming mga silid at malaki ang balkonahe. Cream na carpet ang flooring at lumulubog ang paa niya. Nang sumilip siya sa bintana ng silid ay natanaw niya ang mga bundok ng snow.

Kapareho sa Mount Fuji na nakita niya sa flight papuntang Japan nang magising siya bago sila mag-landing. Pero mas malawak at maraming bundok ang natatanaw niya dito.

White mountains.

Walang sinabi ang bahay ni Don julio na akala niya ay ubod na ng laki.

Tahimik siyang pumasok sa banyo. Tulad din ng banyo sa bahay ng parents ni Robb na mas malaki pa sa buong bahay nila probinsiya, this one had a dark purple marble at thick white rugs. Ang mga cracks kulay ay ginto. Hinawakan niya ang nasa gilid ng salamin.

Totoo kayang ginto ito?

Then she looked at her reflection in the wide vanity mirror. May dalawang lababo sa counter. Automatic dahil bumukas iyon nang itapat niya ang kamay niya at lukewarm ang tubig. Wow!

MAID IN HEAVEN (Completed) (RELOADED) MAID SERIES 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon