PERFECT

2.9K 109 44
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

"KAGAGALING n'yo lang sa Alaska at pupunta naman kayo ngayon sa Boracay?" kunot noong tanong ni Anton habang naglalakad pasabay kay Rob sa hallway ng opisina ng Castiglione Empire Building sa Makati.

Kakagaling lang nila sa board meeting kasama ang lahat ng stock holders, mostly the Castiglione siblings and their father. Ang siyang dahilan kung bakit siya umuwi sa Pilipinas kahit ayaw niya pa. 

"Sabi ko naman sayo, nabitin kami dahil pauwi na kami ni Madel dito nang malaman namin na gusto pala namin mag-honeymoon," sinabayan niya iyon ng tawa. He was indeed happy at wala siyang pakialam kung hindi iyon maramdaman ng mga tao sa paligid niya. "That was also the reason of the one week extension. I just really attended this meeting dahil na rin sa pakiusap ni papa. Otherwise, baka dumiretso kami ni Madel sa Europe."

Anton sighed. "I couldn't blame you. I know how it feels to be with someone finally right. So, wala na talaga si Leila?"

Napatingin siya dito at itinaas ang kilay. "Wala naman talaga 'yon. I want to thank her for not wanting to marry me. Baka nga katagpuin ko siya one of these days para pasalamatan. Kung hindi dahil sa natuklasan kong plano niyang pagtakas . Hindi ako pupunta sa bahay nila para makipagkalas. Hindi ko makikita si Madel. Leila did what she think is right for herself. It was a blessing in disguise for me and Madel. I was hoping na hindi niya na kami guguluhin."

Napailing si Anton. "Too bad. Mukhang ngayon niya napatunayan na ikaw pala ang gusto niya."

He almost rolled his eyes. "Too bad for her. Good for me and Madel."

"She was really regretting what she did."

"Not my interest."

Napailing si Anton pero nangingiti. "So, kailan ang balik ninyo niyan?"

"Mga ten days kami doon, the most. Gusto ko pagbalik namin dito ay buntis na si Madel."

Humalakhak si Anton na ikinalingon ng mga nakakasalubong nila. "Hindi pa ba buntis iyon ngayon?"

Siniko niya ito sa tiyan. "I don't know, I hope so. Mag two weeks pa lang. How could we know?"

His brother held his tummy more while laughing continuously.

His brother held his tummy more while laughing continuously

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MAID IN HEAVEN (Completed) (RELOADED) MAID SERIES 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon