Chapter V

27.3K 552 22
                                    

Chapter V

Past

Lyndon's POV

Six months after our friend Amanda died. Naka move on na rin kami kahit papano, although paminsan minsan ay nakikita ko pa rin umiiyak si Lei.

We were living together in my condo for almost three months. It was a secret actually, dahil baka mapatay ako ni Mr Ricafort kapag nalaman nitong nagli-live-in kami ng anak nya.
Her dad bought the condo unit next to mine pero hindi alam ng mga magulang ni Lei na magkapareho kami ng building ng anak nila.

Minsan doon kami sa unit nya natutulog pero mas malimit dito sa unit ko.

Masasabi kong smooth ang takbo ng relashionship namin.
Yes, she's officially my girlfriend.
Hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako tuwing maalala ko yun time na tinanong nya ako. 'Lyndon, your my first kiss, my first love, my first sex, and i will be the happiest girl if you will be my first boyfriend. Please be my boyfriend?' That was exactly the words she said na hindi ko yata kailanman makakalimutan.

Masasabi ko din happy and contented ako sa sex life ko. She's a fast learner, at may kapilyahan din na itinatago sa katawan. One time, halos mag collapse ako sa sobrang arouse after nyang mag dirty dance sa room namin. I was helpless that time dahil nagising akong nakatali ang kamay at paa sa sides ng bed.

"Hey, bakit ang lapad ng ngiti mo?" Hindi ko napansin na dumating na pala ito mula sa date nya sa kapatid nyang si Lee.
Yeah, kailan ko lang nalaman na magkapatid ang dalawa. Ang lalakeng sobra kong pinagselosan.

Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa lips bago pabagsak na humiga sa bed.

Napangiti ako pero agad din nawala nang makita kong pumikit ito at sunod sunod ang buntong hiningang pinakawalan.
Lumapit ako dito at humiga sa tabi nito.

"How was your date?" Humarap ako dito.

Nagdilat ito ng mata at tumitig sa akin.

"Tell me Lyndon, hindi mo ako iiwan diba?" Naalarma ako sa sinabi nito.
Bakit Ko naman sya iiwan?

"Of course not! May problema ba?"
Napa bangon ako.

"Alam na ni Lee na nagli live-in tayo, and he said na hindi nya sasabihin kila mommy pero oras na iwan mo daw ako sya makakalaban mo."
Natawa ako nang ngumuso ito na parang batang nagsusumbong.

Nakahinga ako ng maluwag. Wala naman palang problema.

"Bakit naman kita iiwan eh mahal kita." Walang anuman kong usal bago muling humiga at pumikit kagaya ng ginawa nya kanina.

Pinakiramdaman ko kung anong gagawin nito pero ilang segundo na akong nakapikit ay walang reaksyon akong natanggap.

I opened my left eye para silipin ito pero nagulat ako nang bigla ako nitong niyakap.

"Oh my Gosh!! You love me too!" Halos mabinge ako sa lakas ng tili nya. "Wala nang bawian! you made me the happiest girl in the world again, lyndon!"

Natatawa na lang akong gumanti ng yakap dito.

Yes, naamin ko na sa sarili noon pa na mahal ko sya. I just played along with her idea na gagawin nya lahat para mahalin ko sya.

"I love you so much Heleina.."
Muli kong ibinulong dito. "Thank you for loving me unconditionally, kahit na Manyak ako." Humagikgik lang ito at pinuno ang buong mukha ko ng halik.

Lyndon's Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon