Chapter XVII
Past
Heleina's POV
Tatlong araw ako sa bahay namin nang mapag desisyunan kong bumalik sa unit ni Lyndon.
Kailangan naming mag usap tungkol sa kalagayan ko. Kahit masama pa rin ang loob ko ay gusto ay makikinig ako kung anumang paliwanag meron sya. Mag asawa kami at gusto kong maniwala na walang namamagitan sa kanila ni Hollie.Kasalukuyan akong nagda-drive nang tumunog ang message alert ng cellphone ko. Tiningnan ko iyon sa pag aakalang syang ang nag text pero nagtaka ako dahil unregistered number iyon.
Shit!
Mabilis kong kinabig ang sasakyan para itabi nang mabasa ko ang message.
Meet me up alone at Elisabeth Hotel, Room 704 if you want to help your father. I'll be waiting.
Alam ko ang hotel na iyon dahil pag aari ito ni aye Maya.
Pero sino ang taong iyon at bakit ako ang kailangan nya?Nagtatalo ang isip ko kung sasabihin ko ba kay daddy o hindi, pero sa huli ay nanaig sa akin na puntahan ito.
_______________
Alden's POVI'm quitting. Hindi ko kaya ang gustong mangyari ni Marga kaya nag text ako kay Heleina para makipagkita. Nagpalitan kami nito ng number noong gabing inihatid ko ito sa condo nya pero ibang cellphone ang ginamit ko.
I just hope na sana ay dumating sya.____________
Marga's POVKung akala ni Alden basta nya ako matatalikuran ay nagkakamali sya.
Hawak na ito ng mga tauhan ko at nalaman ko na may bonus pa.
Makikipagkita ito sa anak ni Paul para ibuking ako sa nangyaring katiwalian sa company ni Luis."Mam tumawag po si Digo at sinabing dumating na yun babae."
"Drug them at ayoko ng may papalpak." Utos ko dito na mabilis naman nag dial ulit sa cellphone nito.
"Hi mom! Bakit may mga lalake sa labas?" Mula sa kung saan ay umalingawngaw ang eskandalosang boses ni Hollie.
"Hi baby, napadalaw ka yata? Kamusta kayo ni Lyndon?"
"Parang umiiwas sya sa akin mom after naming magtagaytay, mukhang nag-away yata sila ni Heleina." Biglang lumambot ang hitsura nito.
"Don't worry Hollie, he will come to you at sana gawin mo na ang dapat gawin."
"What do you mean mom?"
"Oh nothing." Hinalikan ko ito sa pisngi at inakay itong umupo.
"So anung kailangan ng anak ko kay mommy?""Ahm.. Itatanong ko lang po sana mom kung alam mo kung nasan si Alden, ilang araw ko na syang hindi makontak, may ipagagawa sana ako." Nag iwas ito ng tingin nang taasan ko ito ng kilay.
"Wala na, pinauwi ko na sa Davao dahil may sakit yun amang nya." Pagsisinungaling ko.
"Oh..di bale na lang pala.. Hmm. Napadaan lang talaga ako mom.." Tumayo na at humalik sa pisngi ko.
"Hollie?" Tinawag ko muli ito nang malapit na sa may pinto.
"Yes mom?"
"I'm your mom and I know what's best for you. At alam mo na ayoko ng stupida."
BINABASA MO ANG
Lyndon's Dirty Game
Fiction généraleLaro. Laro ni Lyndon Gallardo na sa umpisa pa lamang ay alam na niya na talo sya pero sumugal pa rin si Heleina at gaya ng inaasahan, talunan syang iniwan nito.