Chapter XXVIII
Heleina's POV
Ang sama ng loob ko pero wala akong magawa.
Kailangan ko na namang mawalay kay Tiffy pansamantala hanggang sa gumaling ako. Maari ko itong mahawaan kaya minabuti kong tanggapin ang pagmamagandang loob ng mga kaibigan ko na alagaan muna ito uli. May mga vaccine naman na pwede sa bata para maiwasan na mahawa pero masyado pang baby si Tiffy at may iba din akong narinig na may mga side effects din ang ganong vaccine at hindi ko kayang i-risk ang anak ko kung may iba naman akong choice. More or less two months daw bago ma-clear ako ayon sa doctor. Nakiusap din ang mommy ng daddy nya na kung pwede din nitong alagaan ang apo pero hindi ako pumayag dahil ayokong magkaroon ng pagkakataon ang anak nila na mapalapit sa anak ko.Si mommy naman ay naka shcedule na para sa kanyang rehabilitation para makalakad muli. Gusto ko sanang umuwi muna sana sa Laguna dahil mas maganda ang at hindi polluted ang hangin doon pero kailangan ko pa rin magpa check-up once a week sa doctor at hindi ko rin kaya na ganun kalayo sa anak ko. At least kahit hindi kami magkasama ay pwede akong dalawin ng mga ito dito sa bahay ni ate Maya kahit sandali lang. Ang mag asawa naman ni manang Linda na mayordoma dito ay nagkataon naman na bibisita sa kamag anak sa Bicol kaya maiiwan akong mag isa dito sa napakalaking bahay na ito. Siguro nga ay mas mabuti na rin ito dahil wala akong aalalahanin na baka may mahawa sa akin.
Sa buong panahon na magkasama kami ng anak ko ay lagi na lang akong naka mask. Naiki kiss ko ito pero sa pagitan ng mask. Hindi ko ito katabing matulog at pati na rin sa pagkain ay hindi nila ako kasabay.Kanina dumating si manong Carding para sunduin at ihatid si mommy papunta sa rehabilitation and therapy nito. Si Tiffy naman ay kahapon pa kinuha ni Mark.
Naiinip na ako at wala akong maisip na gagawin. Hindi naman ako mahilig manood ng TV.
Umakyat ako sa taas at naisipan kong maghanap na lang ng book sa library na pwede kong pagkaabalahan habang hindi pa ako nakakaramdam ng antok. Ito ang pinaka ayaw ko sa sitwasyon ko ngayon, yun halos maghapon na lang akong tulog epekto ng napakaraming gamot na iniinom ko. Minsan nga pakiramdam ko ay nakalutang ako sa pagka high at daig ko pa ang drug addict sa epekto ng mga gamot ko.
Nakatulugan ko na ang pagbabasa at hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog at nagising ako nang maramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko.
Napabalikwas ako nang mapagsino ito.
"What the hell?"
______________Lyndon's POV
Inaya ako ni Mark na makipagkita sa bar na madalas naming puntahan noon at sinabi nitong dadating rin si Bryan.
Parang naging reunion naming tatlo ito, dahil kagaya noon uminom lang kami at nagkwentuhan less flirting nga lang dahil parehas na silang may pamilya..at ako? Well, may pamilya naman ako pero hindi ko alam kung matatanggap ba ako ng mag ina ko bilang pamilya.
Nakaka inggit itong si Mark, parang wala man lang itong pinagdaanan na problema sa relasyon nila ng asawa nya. Si Bryan naman ay masaya na rin ngayon na nalaman nyang buhay si Amanda at may bonus pang kambal.Napabuntong hininga ako bago ininom ng straight ang beer na kakalapag lang ng bartender sa counter.
Nakakailang bote na rin ako pero pakiramdam ko ay hindi man lang ako tinatamaan kaya nag order ako ng tatlong shot ng tequila at sunod sunod din iyong inisang lagok."Woah! We're not here to get drunk, dude!" Malakas na wika ni Mark na kumumpas sa bartender na tama na nang akmang hihingi uli ako ng shot.
Bumuntong hininga uli ako- na madalas ko yatang ginagawa recently.
"Pare, pano bang magbago?" Wala sa loob na naiusal ko.
"Anong babaguhin mo?" Si Bryan naman ang sumingit. Hawak nito ang cellphone at kanina ko pa napapansin ang pagngiti nito habang may ka text.
"Lahat lahat para mahalin nya lang ulit ako." Mahina lang iyon pero alam kong pareho nilang narinig iyon.
"Hindi mo naman kailangang magbago pare. Ganyan ka minahal noon ni Lei, kaya nga sobrang nasaktan hindi ba? Kasi lahat lahat sayo minahal nya, pati na yun mga negative mong ugali tinanggap nya kasi ikaw si Lyndon." Mahabang pahayag ni Bryan bago natawa sa sarili. "Wow ako ba to? Kailan pa ako nabakla pagbibigay ng advice.?"
Tumawa din si Mark at sinuntok ito ng mahina sa balikat. "Ganyan talaga nagagawa ng love pare, nagiging corny." Nag hi-five ang mga ito at nagtawanan.
Mapait akong napangiti sa sarili ko. Marami ang nagagawa ng love. Sa part ni Heleina ay hindi na nito kayang magpatawad at napuno ng galit ang puso nito dahil sa sobrang pagmamahal, while on my part naman ay nabulagan ako. Hindi ko matanggap noon araw mismo na inamin nya sa akin na nag cheat sya, isama pa ang pangbe-brain wash ni Hollie noon sa akin.At lahat ng iyon ay kasinungalingan.
Gusto kong saktan ang sarili ko tuwing maiisip ko kung anong naramdaman nya nun sinabi kong laro lang lahat.
Na ipinamukha ko sa kanya na nabuntis ko si Hollie dahil hindi ko sya totoong minahal."Pare ayos ka lang?" Nag angat ako ng tingin at sinalubong ako ng nag aalalang mukha ng mga kaibigan ko.
Umiling ako. "I'm not."
"Yun totoo? Hindi ako naaawa sayo Lyndon, yes kaibigan kita, pero ang gago mo kasi dude. Kung gusto mong mapatawad ka ni Lei, kailangan mong paghirapan kahit wala kang kasiguruhan sa magiging desisyon nya. But at least try your best. Tiffany deserves a dad and a happy family, pero kung dumating yun panahon na may lalakeng willing magbigay lahat ng iyon sa mag-ina mo at ayaw na talaga ni Lei syo, let them go then." Mahabang pahayag ni Mark.
Let them go? Napailing uli ako. Hindi ko yata kayang gawin iyon. Isipin pa lang na may ibang lalake ang magpapasaya sa kanila ay parang ikamamatay ko na.
"Maiba ako Mark, nabanggit ni Mandy na mag isa lang si Lei sa bahay ni Maya ngayon?" Biglang lumipad ang tingin ko kay Bryan bago kay Mark.
Nag iwas si Mark ng tingin.
"Anung ibig sabihin mag isa? Nasan si tita Monique?" Sunod sunod kong tanong.
Tumingin ito kay Bryan ng masama.
"Sorry." Nakataas ang dalawang kamau ni Bryan pero natatawa naman.
"Mark." Tawag ko uli dito.
Huminga ito nang malalim bago sumagot.
"Nasa bahay si Tiffany, si tita naman ay nasa rehab at sila manang Linda naman ay pansamantalang umuwi muna ng probinsya. Mahina ang immune system ni tiff at malaki ang possibility na mahawa sya kay Lei kaya pansamantala muna sa akin ang bata. Papupuntahin ko naman si manang Tess sa kanya araw araw para ipagluto at gawin ang mga ilang bagay na hindi pa pwedeng gawin ni Lei."
Napanura ako ng ilang beses sa sinabi nito.
Dapat siguro ay ibalik sya sa hospital para mas maalagaan!
"Alam nating lahat kung gaano katigas ni Lei ngayon, kaya hindi natin makukubinse na magpa admit uli yun." Parang nahulaan nito ang tinatakbo ng utak ko.
Kung ayaw nya sa hospital pwes ako ang mag aalaga sa kanya, whether she like it or not!
Tumayo na ako at kinuha ang wallet, cellphone at susi ko sa ibabaw ng counter.
"Hoy, san ka pupunta?" Pinigilan ako ni Mark sa braso.
"Dude, she needs me.. Please.."
Bumuntong hininga itong bumitiw.
Mabilis akong pumunta sa parking lot para puntahan si Maya at magpaalam sana pero hindi na pala kailangan dahil humahangos na sinundan ako ni Bryan at iniabot sa akin ang susi sa mansyon ni Maya.
"I'm just doing this because I still owe you, if you know what I mean.""Thanks dude."
Ang tinutukoy nito ay ang nangyari noon sa kanila ni Amanda. Ako ang kumausap dito para marealize nya kung gaano sya katanga noon.
Pinaharurot ko agad ang sasakyan ko papunta sa mansyon ni Maya.
__________
Thank you for reading!Medyo nasugok ang finger ni ateng kaya hindi nakapag update, pero okay na uli ngayon. :)
Vote. Comment. Fan.
lovingly_yours007
05-28-2015
BINABASA MO ANG
Lyndon's Dirty Game
Fiksi UmumLaro. Laro ni Lyndon Gallardo na sa umpisa pa lamang ay alam na niya na talo sya pero sumugal pa rin si Heleina at gaya ng inaasahan, talunan syang iniwan nito.