Chapter XXV

26.4K 614 41
                                    

Chapter XXV

Heleina's POV

Parang gusto kong magsisi na pumayag na magpahatid sa mga ito nang pagbuksan ni tito Albert ang passenger seat at sumakay doon si tita Loren.
Ibig sabihin ay sa backseat kami ng anak nila? Naramdaman kong lumapit ang hayop sa may likuran para pagbuksan ako ng pinto matapos nitong ilagay ang bag ko sa compartment ng kotse kaya mabilis ko iyong binuksan at sumiksik sa kabilang side at tumanaw sa labas ng bintana.

Naramdaman kong pumasok din ito at umupo sa tabi ko. Tiningnan ko ito ng masama.
Hindi pa nya nakikitang siksik na siksik na ako dito?

"Hi." Ngumiti ito ng alanganin.

Hindi ko ito pinansin na sumandal sa seat at ipinikit na lang ang mata ko.

Bakit ang kapal ng mukha nya?

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa pagkukunwari ko at nagising akong nakahiga sa malambot na kama. Iginala ko ang paningin ko sa pamilyar na silid na iyon at dumapo ang tingin ko sa isang bulto na nakaupo sa upuan sa gilid ng kama.

"Nakatulog ka kaya dito ka na namin iniuwi. Gigisingin sana kita pero pinigilan ako ni mommy." Paliwanag nito kahit hindi naman ako nagtatanong.
Hindi ako nagsalita na bumangon.

Napagtanto ko na iba na rin ang suot ko. Naka suo ako ng long sleeve polo na umabot hanggang sa mid thighs ko.
Sya ba ang nagpalit ng damit ko?

Walang akong pakialam. Nakita naman na nya lahat sa akin hindi ba?

"Are you hungry? Wait lang, dadalhan kita ng dinner, kailangan mo din uminom ng medicine." Tumayo ito at naglakad sa pinto. Ini-on din nito ang switch ng ilaw bago ito lumabas.

Iginala ko ang tingin ko para hanapin ang suot kong damit kanina at mabilis na nagpalit nang makita ko iyon.

Tiningnan ko ang oras at nakahinga ako ng maluwag nang makitang past eight pa lang.

Kinuha ko ang bag kong nakapatong sa ibabaw ng bed at akmang lalabas nang bigla itong pumasok. May hawak itong tray ng pagkain.

"And where do you think you're going?" Matigas nitong wika and again hindi ako sumagot.
Ang kapal talaga ng mukha.

Hindi ako magsasayang ng laway para kausapin ang walang kwentang taong tulad nya.
Sa halip ay nilampasan ko ito at lumabas ng kwarto nya. Mabilis akong naglakad habang hinahanap sa bag ko ang phone at wallet ko.

Napatili ako nang raramdaman ko ang pag angat ko sa sahig nang biglang may dalawang kamay ang humapit sa bewang ko mula sa likuran at binitbit ako pabalik sa kwarto.

I used to love this. Yun basta nalang ako nito bubuhatin everytime na wala syang choice para masolo ako.
Pero iba na ngayon.
Hindi na ako yun dating Lei na sobrang patay na patay sa kanya.

Ibinaba ako nito bago isinara ang pinto at i-lock iyon.

"Please let's talk." Sinuklay nito ng kamay ang buhok at sumandal sa pinto.

"Wala tayong pag uusapan, palabasin mo ako dito uuwi na ako sa anak ko."

"Anak natin." Makapal ang mukhang pagtatama nito. "Please Lei.. I'm so sorry. Let's forget about the past, Mahal na mahal pa rin kita, let's start all over again para kay Tiffany. " Hirap na hirap nitong usal.

Lumakas ang tibok ng puso ko sa sinabi nito. Pero hindi dahil sa kung ano pa man kundi dahil sa galit na nararamdaman ko.

"Ang kapal ng mukha mo!" Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nito. "Forget huh? Mabilis sayo'ng sabihin yan dahil hindi mo alam ang pinagdaanan ko at kahit kailan hindi ako makakalimot!" Pinagsusuntok ko ito sa dibdib. "At wag mong sasabihing mahal mo ako dahil wala ka noon panahong kailangan kita!
Wala ka nun mag-isa kong ipinalibing ang daddy ko habang nag-aagaw buhay ang mommy ko at nasa kulungan ang kapatid ko! Wala ka nun panahon muntik nang mawala si Tiffy kaya wag na wag mong sasabihin na mahal mo ako dahil pinili mong makasama sya!" Hindi ko na napigil ang mapahagulgol ng malakas sa harap nito.

Lyndon's Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon