Prologue

119K 1K 31
                                    

Note:Please read first, 'But I Sent You Away, Oh Mandy'(completed) para hindi po kayo ma confuse.. Thank you!

Prologue

"Heleina bilis baka maubusan tayo ng upuan!" Tawag ng kaibigan niyang si Marian na nauunang maglakad.

May laro ng basketball na gaganapin ngayon sa school nila at kalaban ang mga taga St. Paul HIgh School.

"Saglit lang Marian, nawawala yata ang phone ko." Wika ni Heleina na hindi magkanda ugaga sa paghahanap sa malaki nitong backpack.

"Kasi naman andami abubot ayan tuloy.. Mauna na ako sa gym ha. "

Hindi pa sya nakakasagot ay mabilis na itong tumalikod sa kanya at halos takbuhin ang gym.

Napailing na lang syang itinuloy ang paghahanap sa nawawalang Cellphone.

Kung nga lang ba hindi ito magagalit ang kaibigan sa kanya ay pwede naman syang huwag manood ng game. As if naman magagaling ang team ng school nila? Puro boplaks lang.

"Patay ako nito pag hindi ko nahanap ang cp ko. Pano ko ite text si Lee para sunduin ako?" Usal nya sa sarili.

Si Lee ang half Brother niya sa ina na matanda sa kanya ng tatlong taon.

Nasa 10th grade/third year na sya at first year college naman ito pero sinusundo pa rin siya sa school nila everyday. (Hanggang 5th year ang high school nila, wala po sana malito.)

Yun nga lang kailangan din itong i-remind through text everyday para sunduin siya dahil busy ito lagi sa pangchi chix.

Boys!

Sabi ni ng mommy niya ay pagka graduate nya ng high school, which is dalawang taon pa ang bubunuin nya ay ibibili daw sya ng sarili nyang sasakyan.

"OMG! Ang gwapo talaga ng mga taga St. Paul!" Dinig nyang sigaw ng isang babae sa kumpulan ng mga hitad na grupo ng studyante.

Napaingos si Heleina na tumingin sa mga ito.

"Hmp! Mga hindi naman kagandahan."

Mahina nitong bulong pero mukhang narinig pa rin ng mga ito.

"Anong Sabi mo nerd?"

Lumapit ang pinaka lider ng grupo sa kanya at itinulak sya na naging dahilan ng pagtilapon ng gamit nya.

"Anu bang problema mo ha?" Itinulak nya rin ang babae na napaupo sa sobrang lakas ng pwersa nya.

Isa isa nya pinulot ang nagkalat na gamit.

"Ikaw ang problema ko Kasi pa kalat kalat ka sa campus."

Tinulungan ito ng mga kasamahan nitong tumayo bago umalis at tumungo sa gym.

"Pasalamat ka at busy akong maghanap ng phone ko ngayon." Naisip isip nya.

Hindi na bago sa kanya ang ganitong eksena.

Well, sabi kasi nila nerd daw sya.

What's wrong kung nerd nga sya?

Hindi naman sya pumapayag na ma bully at higit sa lahat sya ang magandang nerd!

Sabi lang ng mommy nya.

"Found ya!" Mula sa nagkalat nyang gamit ay nakita nya ang kanyang hinahanap na cellphone.

Mabilis nyang inayos ang gamit at tumayo.

Mabilis nyang tinakbo ang daan sa gym sa pag aalalang naiinip na ang kaibigan sa kanya.

Blag!

"Ouch!"

"Fvck!"

Sa pagmamadali ay may nakabanggaan syang malaking tao na mukang nagmamadali rin.

Lyndon's Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon