Chapter XIII

21.9K 533 18
                                    

Chapter XIII

Past

Heleina's POV

"Oh hija. Buti naman at naisipan mo akong bisitahin." Niyakap ako ni tita Loren ng mahigpit. "Kasama mo ba si Lyndon?" Tumingin ito sa likuran ko na parang hinahanap ang anak.
Hindi siguro nito alam na kasama ni tito Albert sa conference si Lyndon.

Dahil wala naman akong gagawin ay maaga ko itong binisita.

"Hindi po tita, nasa conference po sya kasama ni tito Albert?" Paliwanag ko dito.

"Conference?" Nagtatakang tanong nito.

"Good morning. Oh may bisita pala tayo." Boses iyon ni tito Albert na mukhang bagong gising lang. "Heleina, hindi ka pala kasama ni Lyndon sa tagaytay?" Lumapit ito sa akin at humalik sa pisngi ko.

"Tagaytay? Akala ko po ba may conference kayong pupuntahan?"
Gusto ko nang maiyak sa mga sandaling ito pero pinigilan ko.

Pinagmumukha nya akong tanga sa harap ng mga magulang nya.

Tumawa ito ng mahina.
"No, kasama sya ni Hollie." Naglakad ito papunta sa may garden nila. Narinig ko pa ang utos nito sa isang maid na doon sya hatiran ng breakfast sa garden bago ito nawala sa paningin ko.

"Lei, anak I'm sorry, hindi ko alam." Naramdaman kong pinunasan ni tita ang luha sa pisngi kong hindi ko namalayang tumutulo.

"I'm okay tita, nabanggit siguro ni Lyndon yan sa akin, nawala lang sa isip ko." Pagsisinungaling ko.
Pinilit kong ngumiti kahit sa kaloob looban ko ay gusto kong magwala sa galit.

He lied.
He canceled his promise date para samahan ang babaeng iyon.

"Tita, dumaan lang po talaga ako, may promise date kasi ako kay mommy."

Niyakap ko uli ito at nagpaalam na.
"Next time ako naman ang i-date mo."
May himig pagtatampo sa boses nito.
Alam kong sabik ito sa babaeng anak kaya parang tunay na anak ako nitong ituring.
Saglit akong napatitig sa isang painting na nakasabit sa wall ng sala nila. Para itong female version ni Lyndon pero soft ang feature niya.
Si ate Makayla Isobel Gallardo. Only sister ni Lyndon na ayon kay tita Loren ay namatay sa sakit na leukemia bago pa man ipanganak si Lyndon.

She's very beautiful.

______________

Lyndon's POV

"Akala ko ba debut party?" Gusto kong mainis dahil pagdating namin ay ilang kaibigan lang ni Hollie ang nandito at magkakapartner halos lahat ang mga ito at kami lang ni Hollie ang hindi couple. At kilala ako ng mga ito bilang boyfriend ni Heleina!

"I'm sorry, I lied. Gusto ko lang talagang isama ka para makapag relax. Please don't get mad." Nagtutubig ang mata nitong pakiusap.

Sumasakit ang ulo kong napahawak sa sintido. Anu pa nga bang magagawa ko? Alangan naman bumalik ako ng Manila, gayong alam ko namang pagagalitan ako ni dad pag umuwi akong hindi kasama si Hollie.

"Ok fine, pero nextime naman wag kang magsinungaling." Sumusuko kong sagot dito.

"Promise.." Ngumiti na ito at yumakap sa akin.

I don't know, pero natagpuan ko na lang ang sarili kong nag-e-enjoy. Pool party ito at iilan lang din kami. Mga naka bikini ang mga babae at aaminin kong maganda ang katawan ni Hollie. Maraming pagkain at alcohol. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa dating Lyndon.

Carefree.

Marami na rin akong naiinom at ramdam ko na ang pag ikot ng paningin ko.

Nagpasya akong pumunta sa may garden para lumanghap ng hangin.
May nadaanan pa akong isang pares na halos nagse sex na sa madilim na bahagi habang naglalakad ako.

Humiga ako sa damuhan at ipinikit ang mata ko. Ramdam ko ang malamig na damo sa hubad kong likuran.

"Hey Lyndon, are you enjoying? Sumunod pala si Hollie sa akin at katulad ko ay humiga din ito sa tabi ko.

"I'm already drunk. But yeah I'm enjoying, thanks."
Nagdilat ako nang mata at nilingon ko ito.

Our faces are too close at alam kong isang maling galaw ko ay maglalapat ang labi namin.

"Lyndon kiss me." She huskily said.

And I did.

"Hmm.. Lei.." Kumawala ang ungol sa bibig ko at naramdaman ko ang paninigas nito.

"Oh, fvck!" Mabilis akong tumayo na napasabunot sa buhok ko.

"I'm sorry Hollie, it was a mistake." Iniwan ko ito at nagdiretso sa kotse ko.

Pakiramdam ko ay nag cheat ako kay Lei at nakukunsensya ako para kay Hollie..
______

Present

Heleina's POV

Today is our second and last day dito sa resthouse nila Amanda. Bukas ay balik na naman ako sa reality.

Masaya si Tiffy magkaroon ng mga kalaro na kahit hindi nya naririnig ang mga ito ay parang natural silang nagkakaintindihan. Ganun nga siguro ang mga bata.
Adelle adores my Tiffy so much.

Si mommy naman ay peaceful din ang hitsura. After three years ay ngayon ko lang uli nakita ang mata nito na parang walang inaalala. Siguro ay dahil alam nitong hindi ako pababayaan ng mga kaibigan ko.

Napatakip ako sa bibig ko nang makaramdam uli ako ng pag ubo. Ayokong ipakita sa kanila o iparinig na hindi maganda ang kondisyon ng katawan ko.

"Shit!" Mahina akong napamura nang may makita akong bahid ng dugo sa palad ko.

"Hey sis, hinahanap ka ni tita Monique." Nakita ko ang papalapit na si Amanda kaya mabilis kong ipinahid ang palad ko sa laylayan suot kong black t-shirt.

Wala lang sana ito.

Ngumiti ako at tumango na naglakad sa kinaroroonan ng lahat. Nagba-barbecue kami habang ang mga bata naman ay nasa pool.

Katatapos ko lang kumain nang lumapit sa akin si Adelle. Naka bihis na ito kagaya ng iba. Si Tiffany ay nasa bisig naman ngayon ni Amanda.
"Hi tita Dira." Medyo nahihiya nitong bati.
"Hello baby." Inabot ko ito at pinaupo sa lap ko. Alam kong may kailangan ito sa akin.

"Tita? What's Tiffy's whole name? I'm going to give her a present kasi before we go back to Lola Sylvia's house." Mahaba nitong paliwanag na hinawakan pa ang buhok na parang kinukulot kulot iyon sa daliri.

"How sweet naman ni ate Adelle." Hinalikan ko ito sa pisngi na humahikgik naman. "Her name is Tiffany Isobel Ricafort, but it's ok kung Tiffy lang ang ilagay mo sa gift. Wait, can you write already?"
Sa halip na sumagot ay ngumiti ito sa akin ng buong pagmamalaki.

"Wow! Smart and beautiful, just like mommy." Papuri ko dito.

Mas lalong lumapad ang ngiti nito sa tinuran ko. "My momma is very beautiful and my daddy is handsome. Is Tiffy's daddy handsome too?

Nawala ang ngiti ko sa inosenteng tanong na iyon.

"Yes he is.." Pinilit kong ngumiti dito.

Very handsome, na kinabaliwan ko noon..

_____________
Alden's POV

"At sa tingin mo pag pinakasalan ka ni Gallardo magiging masaya ka Hollie? No. Dahil alam mong isang babae lang ang minahal ng lalakeng iyon. At anu kayang gagawin ng gagong iyon kapag nalaman nya ang lahat lahat?"

"How dare you! Anu pa ba ang gusto mo? Pumapayag naman ako sa kondisyon mo ah!" Nanggagailiti nitong sigaw.

"I want my child."

_______________
Thank you for reading!

Vote. Comment. Fan

lovingly_yours007

04-23-2015

Lyndon's Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon