Chapter XIX

24.3K 568 27
                                    

Chapter XIX

Past Heleina's POV

Almost one month..

Nandito lang ako sa condo nya at naghihintay na bumalik sya. Para akong robot, gumagalaw pero walang buhay.

Ilang beses na rin akong pinuntahan nila Celine at Mark para siguraduhin ang kalagayan ko. Sinabi rin ni Mark na mahal ako ni Lyndon at babalik din ito basta maghintay lang daw ako. Ilang beses lang akong pumasok sa school pero hindi naman ako makapag concentrate kaya pinili ko na rin mag absent. O baka nga ibagsak na ako ng mga prof ko dahil hindi na ako kumuha ng finals.

Narinig ko ang mahinang katok sa pinto at mabilis ko iyong binuksan sa pag-asang bumalik na sya.

"Good morning Mam, I'm attorney Bernardo, family lawyer ng mga Gallardo, pwede bang pumasok?"
Seryoso ang mukha nitong wika.

"Sure. Please come in." Nilawakan ko ang bukas sa pintuan at pinatuloy ito.
"Please take a seat."

Tumango ito bago umupo.

Tumikhim ito bago nagsalita.
"Miss Ricafort... I'm sorry, I mean Mrs Gallardo, I was sent here by your husband Lyndon Gallardo to sign this." Binuksan nito ang attaché case at may inilabas na papel.

"No." Pumikit ako at pilit na nilabanan na hindi umiyak sa harapan nito. Kahit kindi ko pa nakikita ang nakasulat sa nasabing papel ay nahulaan ko na kung anu iyon. "Attorney, pakisabi po kay Lyndon na hindi ako pipirma dyan at gusto ko syang makausap.. Please.." Tumulo na ang luha ko.

Bumuntong hininga ito bago tumayo.
"I'm sorry mam, pero mahigpit na bilin po ni Mr Gallardo na sabihin ko sa inyong hindi sya babalik dito hanggat hindi po kayo umaalis." Tumingin ito na may simpatya sa mukha nito. "Kung gusto nyo po syang makausap ay puntahan mo sya sa condo unit ni Miss Hollie Castillo. Doon po sya nakatigil ngayon and please mam, huwag nyo pong sabihin na sinabi ko sa iyo. Gusto ko lang makatulong."

Naninikip ang dibdib ko sa kaalamang kasama nya si Hollie.

Umalis si attorney at iniwan ang divorce paper sa akin.
Anung gagawin ko?

_________________
Lyndon's POV

"I'm pregnant." Mabilis na dumapo ang mata ko sa nakabukas na pinto ng silid na tinitigilan ko nang marinig ko iyon. Kadadating ko pa lang mula sa kumpanya ni Dad at kasalukuyan akong magbibihis sana.

"You what?" Tinanong ko ito dahil baka dinadaya lang ako ng pandinig ko.

Parang lumaki ang ulo ng doble at nanlamig ang buong sistema ko.

"I'm sorry, pero natatakot ako pag nalaman ng parents ko Ito Lyndon, especially my mom." Nakatayo si Hollie sa bukana habang umiiyak.

Napahilamos ako sa mukha na napaupo sa bed. Mula ng may mangyari sa amin ay hindi kami halos nagkikita nito. Lagi lang akong nakakulong dito sa kwarto at nag iinom pagkadating ko mula sa kompanya ni dad. Pinipilit kong ma distract sa trabaho dahil pakiramdam ko ay masisiraan ako ng bait. Alam na rin ni mommy ang nangyari kaya pinipilit ako nitong umuwi sa kanila pero hindi pa ako handang pag usapan. Alam ko rin makikialam si mommy at pipilitin ako nitong pag usapan namin ng babaeng iyon ang lahat kaya pumayag ako kay Hollie ng alukin ako nitong dito muna manatili.

"I don't know Hollie."

"What if ipa abort ko ang na lang kaya? I'm sorry pero hindi pa ako handa.. I'm still young at nag aaral pa ako."

Lyndon's Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon