Chapter XXI

27.2K 653 21
                                    

Chapter XXI

Lyndon's POV

"Anak saan ka pupunta?" Nakatingin ito sa car keys ko na kinuha ko sa living room. Pansamantala muna akong dito tumitigil sa bahay namin ngayon.

"Mom, I need to talk to her." Hindi na ako makapaghihintay.

"No you don't." Hinila ako nito papunta sa living room at sapilitang pinaupo.

"But mom?"

"Hindi maganda ang kondisyon ni Heleina, she got hysterical and collapsed after her friend Amanda told her what happened in Xander's birthday and the doctor advised everyone not to stress her. Kaya please lang anak, maghintay ka muna bumuti ang kondisyon nya."

"She collapsed?" Hindi ako makapaniwala. Isang linggo na sya sa hospital hindi ba? Sa sinabi ni mommy ay mas lalong nangati ang paa ko na puntahan ito.

"Yes. Sabi ng doctor ay medyo mataas ang dosage ng mga medicine niya kaya siguro side effects din daw iyon. Inabutan ko syang umiiyak and I heard din na natatakot syang kunin mo si Tiffany sa kanya."

"I won't mom. I just want to be with my daughter." Nanghihina akong napasapo sa ulo ko.
"Gusto kong simulan na mapatawad nya pero hindi ko alam kung paano magsisimula."

"I understand son pero mas maiintindihan at matutulungan ka siguro ni mommy kung sasabihin mo kung ano ba ang nangyari sa inyo ni Heleina dati?" Naramdaman kong lumapit ito sa akin at hinaplos ako sa likod.

I think my mom is right. Kailangan kong may paglabasan ng lahat ng sama ng loob na sinasarili ko dito sa dibdib ko.
So I told her everything.

"And you just believe in what you saw?"
Parang hindi makapaniwala si mommy sa mga sinabi ko.

"Sinabi nyang totoo iyon mom, sa harap ko mismo at ni Hollie." Hanggang ngayon, everytime na maaalala ko yun time na inamin nyang totoo iyon ay nakakaramdam pa rin ako ng galit..at sakit.

"That's her only way that time para itago yun sakit. Kahit ako, kung ako siguro si Heleina gagawin ko iyon pagkatapos mong isampal sa mukha nya ang pagbubuntis ni Hollie at sabihin mong laro lang ang lahat. Hindi ko lang maisip na kaya mong saktan ang taong mahal mo Lyndon dahil sa pride mo. Can't you see anak? She lied nang sabihin nyang hindi sya buntis, at pwedeng nagsinungaling din sya about cheating on you." Mahabang pahayag ni mommy. "At paano kung may gusto lang palang sumira sa inyo at na set-up sya? Yun guy, kilala mo ba?"

Umiling ako.
Hindi ko kilala at hindi ko inalam kung sino ang gagong iyon. Importante pa ba iyon? Nasaktan nila ako at alam kong mapapatay ko ang hayup na yun kung nagkakaharap kami noon.

"Nasanay ka kasi na ikaw lang ang minamahal. Alam kong mahal mo si Heleina pero ikaw sa sarili mo, naipakita mo ba sa kanya na mahal mo sya?"

"I told her how many times mom."

"But you never showed. Alam mo ba kung gaano nasaktan si Lei after nyang malaman yun tagaytay trip nyo ni Hollie? Napahiya sya sa harap namin ng dad mo dahil sa pagsisinungaling mo."

I know. Doon nagsimula lahat ng misunderstandings namin. Ayoko lang naman na madagdagan yun pagseselos nya kay Hollie kaya ako nagsinungaling.

"I don't know what to do mom. I just want to be with her.. With Tiffany." Aaminin ko, I hate her.. But I never stop loving her sa kabila ng lahat. Nasanay kasi ako na sya yung nag-e-effort sa relationship namin kaya nasaktan ako ng sobra. I was her world. Nasaling ang pride ko at hindi ko natanggap na bukod sa akin ay possible syang magkagusto sa iba. Or worse ay mahalin nya ito.

"She gave you everything anak. Kahit sa sarili nyang parents ay nagawa nyang nagsinungaling. Ganun ka kamahal noon ni Heleina. Ang maipapayo ko lang ngayon ay ikaw naman ang mag-effort. Alam kong mahihirapan ka, because you deserved it kung hindi ka na nya mapatawad but at least try your best to win her and your daughter's heart."

Lyndon's Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon