Chapter XXVI

27.9K 688 21
                                    

Chapter XXVI

Heleina's POV

I can't believe na sobrang pinaghandaan pala ng mga Gallardo ang birthday ni Tiffy.
Kinabukasan, maagang dumating si tita Loren at may mga ilang taong kasama. Ang mga ito daw ang kinuha ni tito Alberto para sa gaganaping birthday ng apo nila. Isa sa kondisyon ko na dito ganapin ang birthday ni Tiffy sa bahay ni ate Maya. Nakapagpaalam na rin ako dito kahapon pagkatapos ng pag-uusap namin ni tita at natutuwa itong pumayag. Sinabi din nito na bibigyan din sana nila ng birthday surprise ang anak ko kung hindi ito napagkasunduan. May malaking Tom and Jerry cake si Tiffy na na ayon kay tita Loren ay in-order talaga ng asawa nya para kay Tiffy a week ago pa.
Sigurista talaga. Paano kung hindi ako pumayag sa gusto nila? Sabagay marami naman silang pera at wala sa kanila kung masayang man lahat ng ito kung hindi ako pumayag.

Ang ikinatuwa ko ay ang mga bata sa orphanage na inimbita ng mga ito. Children's party ito at mas masaya kung maraming bata.

Hindi rin pala ako pumayag sa gustong mangyari ni Tito Alberto na ipakilala ang anak ko sa mga bussiness partners nito at nakaintindi naman ang mga ito.
Maybe some other occasion nalang daw.
Hah! Wala nang some other occasion! This will be the first and last.

"Hi tita Dira." Napangiti ako nang may humalik sa pisngi ko. Nakaupo ako dito sa living room at iniintay na bumaba ang anak ko dahil pina-aayusan ito ni tita Loren.

"Hi ate Adelle, I missed you." Kinuha ko ito at inilagay sa lap ko. May hawak itong gift na may cute na ribbon.

"Hello to you bff." Nagsalita si Amanda na nakatayo pala sa may kalapit namin.

"Hey! Sorry hindi kita napansin." Natatawa kong bati dito.

Pabiro itong sumimangot at lumapit sa amin at humalik sa pisngi ko. "Mukang mas love ni tita Dira ang baby ko kesa kay mommy ah." Himagikgik si Adelle sa sinabi ng mommy nya. "I'm glad nakalabas ka na sa hospital sis." Dagdag pa nito.

Ngumiti ako dito. "Thank you sa lahat ng tulong nyo, at sorry nga pala sa mga nasabi ko sa iyo." Ang tinitukoy ko ay nung napagsalitaan ko ito ng hindi maganda nun malaman kong alam na Nya ang tungkol kay Tiffy pati na rin ang pagiging close nila ni ate Maya kay Hollie.

"It's ok. Si ate Maya kasi nagpapaka James Bond kaya ayun secret lang talaga yun ginawa namin pakikipag close kay Hollie, pero tapos na kami sa kanya." Paliwanag nito na umupo sa tabi ko.
Napalingon ako sa may hagdan. Ang tagal naman ayusan ng anak ko.

"So, alam mo na yun tungkol kay Xander?" Nilingon ko ito nang muli itong nagsalita.

Napabuntong hininga akong tumango.
"Sana hindi na kayo nag abala. Wala naman akong pakialam sa kanila." Medyo may halong bitterness na sagot ko dito.
Hindi talaga ako interesado sa buhay nila. Mabuti nga siguro kung hindi na lang nalaman ng lalaking iyon ang totoo para hindi na nito guluhin ang buhay namin ng anak ko.

"Gusto lang namin makatulong sa inyo ni Lyndon sis." Apologetic na sagot nito.
Napahiya naman ako sa inasal ko.
"Sorry sis, I appriciate naman the effort kaso lang.. Nevermind.." Gusto kong sabihin na parang mas magugulo ang buhay namin sa ginawa nila pero hindi ko itinuloy. Sabi nga nya gusto nila lang makatulong.

Sabay kaming napalingon ni Amanda sa may hagdan nang sumigaw si Adelle

"Wow Tiffy! You look like a real baby princess!" Bumaba si Adelle sa lap ko at tumakbo palapit sa may hagdanan.

"Oh my God, she's beautiful." Napasinghap si Amanda na tumayo at lumapit kay Adelle habang nakatingala sa anak ko.

Naka pink gown si Tiffy at may maliit na tiara. Nakangiti itong kumaway sa akin. Akay ito ni tita Loren sa isang kamay habang may isang bading yata yun na hawak ang laylayan ng gown ni Tiffy.
Nun ipinakita sa akin ni tita kanina ang gown na isusuot ni Tiffy ay napaisip ako na hindi kaya parang maging overdressed ang anak ko, pero looking at her now... With a proud smile na parang tuwang tuwa sya sa ayos nya ngayon ay nagpapasalamat ako.

Lyndon's Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon