Chapter XXXVII

15K 411 21
                                    

Chapter XXXVII

I went straight to my dad's office after the meeting with the investigators and my lawyer. Inaasikaso ko na rin ang pag aayos ng mga gamit ng mga Ricafort sa dati nilang bahay.
Malaki ang pasasalamat ko sa mag asawang naka bili noon dahil napakiusapan ko ang mga itong bilhin ulit iyon sa kanila. Ayon kay Marian ay bestfriend daw sya ni Heleina nun high school at alam nya kung gaano ka importante ang bahay na iyon kay lei at tita Monique.
Ipinapa renovate ko ito sa dati nitong porma at dumating na rin ang mga order made furnitures from Italy na ganun sa mga dati nilang gamit. Hindi man yun original na gamit nila dati pero at least gusto kong maramdaman nila na yun pa rin ang bahay na iniwan nila noon. Na parang walang nabago.

"Son, hindi mo man lang ba ihahatid ang mag iina mo?" Nag angat ako ng mukha ng pumasok si daddy sa opisina.
Binitawan ko ang ilang papel sa kamay ko at pabuntong hiningang sumandal sa swivel chair.
"I want to, dad but I think it's better this way. Sabi mo nga, pwede ko naman silang protektahan kahit nakatanaw lang ako sa kanila from afar hindi ba?"
Yes, nun araw na dumating si Lee sa bahay ay kay daddy ako pumunta para humingi ng payo.
Sinabi nito na sa ginagawa ko ay parang sinasakal ko si Lei na manatili sa akin at mas nasasaktan ko ito sa ginagawa ko. Nun una ayokong tanggapin yun mga sinabi ni dad pero tuwing maalala ko ang mukha ni Lei na sobrang namumuhi at nasasaktan ay nag decide akong ibigay ang gusto nito.

Kahit masakit, because I deserved all this pain.

Na hindi lahat ng bagay na gagawin ko ay kailangan kong ipakita sa kanya. Na pwede ko naman syang mapasaya without her even knowing na ako yun nag effort. It's all about giving.. Not just showing. Masaya na akong makita kung masaya sya.... Sila ng anak namin.

Pumikit ako sandali para pigilin ang pagpatak ng luha ko.

"Son, Lyndon. Gusto mo bang isipin ng anak mo na hindi mo manlang sya inihatid?" Nagdilat ako ng mata at tinitigan si daddy.
Ngumiti ito.

"Umuwi ka muna. Kakatawag lang ng mommy mo na nandun na si Amanda sa bahay. Kahit magpakita ka lang Kay Tiffany. Trust me anak, kahit magalit sayo si Heleina, mapapasaya mo ang anak mo kung magpapakita ka sa kanya."

Para akong sinisilaban  na biglang tumayo at kinuha ang coat kong naka sampay sa sandalan ng swivel chair ko.

"Thanks dad." Mabilis ang hakbang kong tinungo ang pinto at lumabas.
Kahit sa malapit lang naman ang mga ito lilipat ay mami miss ko sila ng sobra. God, kahit nga ngayon pa lang sobra sobra na akong nalulungkot. Ilang araw akong hindi nagpapakita kay Lei dahil ayokong masira ang araw nito kung magpapakita ako. Si Tiffy naman ay paminsan minsan kong natityempuhan sa kwarto nila mommy kapag hinihiram nito ang bata kay Lei.

Wala pang 20 minutes ay nakarating na ako sa bahay. Nangunot ang noo ko nang may makita akong lalaking nakasandal sa sasakyan ni Amanda. Naka pamulsa ang isang kamay nito habang may hawak na cellphone sa kabilang kamay na nakatungo ito doon.  Bumusina ako dito dahil nakaharang ito sa driveway ng garahe. Nag angat ito ng mukhang nagtanggal ng shades na tiningnan ako bago sumakay sa sasakyan at isinulong iyon ng konti.

He looks familiar..

"Oh hijo, buti nakaabot ka. Nasa kwarto pa si Lei tinutulungan ni Amanda'ng mag impake." Humalik si mommy sa pisngi ko. Napansin ko ang hawak nitong tray na may mga candies at tatlong baso ng juice.

"Where's Tiffy mom?" Hinanap agad ng mata ko ang anak ko.

"Nasa garden at nakikipalaro sa kambal."
Kinuha ko ang tray kay mommy.

Lyndon's Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon