Chapter XXIX

26.2K 575 23
                                    

Chapter XXIX

Heleina's POV

"What the hell?" Napabalikwas ako ng bangon nang mapagsino ko ito.
Pano ito nakapasok dito? Anu na naman ba? Si Lyndon na nakaupo sa may gilid ng higaan. Nanaginip ba ako?
Ipinilig ko ang ulo ko para siguraduhing panaginip lang o di kaya ay namamalikmata lang ako, pero nandun pa rin sya. Bumangon na naman ang galit sa dibdib ko.
Tumingin ako sa wall-clock at napansin kong alas nueve na.

"I'm here to take care of you." Mahina at halos pabulong lang iyon lumabas sa bibig nito.
Hindi nakatakas sa akin ang amoy ng alcohol mula sa hininga nito at
bigla akong nakaramdam ng takot nang biglang nag replay sa akin ang nangyari sa Palawan. Lasing din sya noon.

Kusang gumalaw ang katawan ko palayo dito at sumiksik sa kabilang bahagi ng bed. "Wag kang lalapit." Pinilit kong tatagan ang boses ko ngunit garalgal iyong lumabas sa bibig ko.

________
Lyndon's POV

"Wag kang lalapit." Garalgal nitong wika na sumiksik sa kabilang bahagi ng higaan na parang takot na takot ito sa akin.

"Lei." Tumayo ako para sana lapitan ito.

"I told you wag kang lalapit! Please, umalis ka na lang.."
Bakit sya natatakot?

Doon ay para akong binuhusan ng malamig na tubig nang maalala ko ang ginawa ko dito sa hotel room nya sa Palawan.
Shit!
Oo, lasing ako ng mga panahong iyon kagaya ngayon, pero hindi ko sinasadya ang nangyari noon. Gusto kong makiusap na magsimula uli kami at tatanggapin ko ang kasalanang inakala kong ginawa nya kahit na nasaktan ako.
Nung sinabi ni manong Berting na nagpababa ito kung saan ay nag alala ako at pinuntahan ito pero lahat ng plano kong pakikiusap dito ay natabunan ng selos ng sabihin nitong naghanap sya ng lalake, isama pa ang sobrang selos ko sa pinsan ni Amanda noon na walang pakundangan itong landiin kaya nagawa ko ang bagay na habang buhay kong pagsisisihan.
Hanggang ngayon ay nakatatak sa utak ko ang hitsura nito matapos kong gawin iyon sa kanya.

"Lei, wala akong gagawin please, gusto ko lang na alagaan ka."

"Hindi ko kailangan, kaya ko ang sarili ko kaya pwede ba leave me alone?" Madiin nitong wika. Napalitan ng galit ang tono ng boses nito.

"No."

"I hate you! Bakit ba hindi mo na lang ako pabayaan?"
Bumuntong hininga ako. Pabayaan? Ginawa ko na yun dati at hindi ko na uulitin ang kagaguhan kong ginawa noon.

"Sige, aalis ako pero bukas na bukas din ay ipapadala kita sa hospital para may magbantay sayo, kukunin ko rin si Tiffany kay Mark habang nagpapagaling ka." Alam kong mas lalo itong magagalit sa mga sinabi ko pero wala na akong maisip na sasabihin para makumbinsi sya. Alam ko rin na hindi ito papayag na bumalik uli sa hospital.

"Ang kapal ng mukha mo! Anu bang pakialam mo sa buhay namin ng anak ko?"

"Alam mong may karapatan ako sa inyo ."

Tumawa ito.

"Karapatan? Oo siguro sa akin nga meron pa, pero sa papel lang ng lintek na larong kasal mo noon, sa anak ko wala, dahil Ricafort si Tiffany at mananatiling Ricafort lang. At alalahanin mo na sinabi mong masaya kang hindi ka nagkaanak sa akin Lyndon. Pwes masaya din ako na hindi ka nakilalang ama ng anak ko." Mapait nitong pahayag pero damang dama ko ang hinanakit sa bawat salita nitong binitawan na tumatarak din ng malalim sa puso ko. Sobrang laki ng damage na nagawa ko sa kanya at hindi ko ito masisisi pero hindi ibig sabihin na titigil ako.

Masakit pero tatanggapin ko lahat dahil ako ang dahilan ng sakit na nararamdaman nya ngayon. Gagawin ko lahat para matanggap at mahalin nya akong muli.

Lyndon's Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon