Chapter XLI

19.1K 447 84
                                    

Chapter XLI

Lyndon's POV

Para akong mauupos na kandilang napaupo sa vacant seat sa labas ng kwarto ng anak ko.

Kanina ay halos takbuhin ko ang direksyon ko dito nang malaman ko mula sa nurse station na hindi isang Tiffany Isobel Ricafort kundi Tiffany Isobel Gallardo ang pangalan ng pasyente naka admit dito.

She's a Gallardo!

Yun pakiramdam na kahit nasasaktan ako sa kinahantungan ng mga kagaguhan ko ay gusto kong takbuhin ang mag ina ko, yakapin lang sila ng mahigpit at magpasalamat kay Lei sa pagbibigay ng pangalan ko sa anak namin.  Pero hindi ko inaasahan ang eksena na dudurog sa puso ko.

She kissed him in front of Tiffy na halatang masaya rin nakatingin lang sa kanila.

Ganun na ba ako katagal nawala? Two months lang, at gaano naba nya kakilala ang lalakeng iyon.

Three years ka nang wala sa buhay ni lei. Sigaw ng konsensya ko.

Dapat ako yun nandon at hindi ang lalakeng iyon.

At ngayon ay mas nawalan ako ng karapatan sa kanya dahil divorce na kami.

Bumukas ang pinto at iniluwal nito ang pinsan ni Amanda.
I hate to admit this, but his feature is Lei's kind of a guy.

He looked at me.

Umangat ako sa kinauupuan ko at marahas itong isinalya sa pader nang tinaasan ako nito ng kilay habang nakangisi bago pinunasan ang bibig na para bang sinasabing nag enjoy sya sa labi ni lei.

"What the hell man!" Galit nitong sigaw na hinaklit din ako sa damit.

"Stay away from her and my daughter, I don't f*cking trust you." Nagtatangis ang ngipin kong sigaw na makontrol ang selos sa bawat katagang iyon.

Tumawa itong itinulak ako.
"I don't f*cking need your trust, dude. . And you know what?" Dinuro ako nito bago nagpatuloy. "Leaving them again is a clear proof of how worthless of a guy you are. You don't deserve them."

Sa tindi ng galit dahil alam kong may katotohanan ang sinabi nito ay umigkas ang kamao ko sa mukha nito.  Sumadsad ito sa sahig bago tumayo at akmang gaganti nang biglang bumukas ang pinto.

Nanlalaki ang mata nang nabiglang si lei na lumapit sa amin ngunit mas naunang dumapo kamao ni del Rio sa mukha ko.

"Stop it!" Sigaw nitong niyakap ako sa likod para pigilan nang akmang susugod ako.
May mga ilang tao na rin sa hallway na nakiusyoso sa eksena namin.

Para akong sasabog sa galit.. Wala syang alam para insultuhin ako.

"Pau please.." Nakikiusap na  binalingan ni Lei si del Rio, na bumuga ng hangin bago tumango.

"I'm sorry, sugar."  Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit sa akin ni Lei sa endearment na itinawag sa kanya ng lalakeng ito.

Sugar?

Natawa ako ng mapakla. Pati ba naman yun inagaw pa nya?

Naramdaman kong patulak akong binitawan ni Lei bago humarap sa akin.
Hindi ito nagsalita pero batid ang galit at hinanakit sa mata nitong nakapukol sa akin.
Alam ko, at wala akong balak ipagtanggol ang sarili ko.

Lyndon's Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon