Chapter XXXIII

27K 641 25
                                    

Chapter XXXIII

Jason Lee's POV

"Ano pang hinihintay mo, bakit hindi mo pa i-surrender sa pulis yan?" Kausap ko si Alden at sinabi nito ang ginawang pamamasok sa tinutuluyang bahay ng family ko sa Laguna. Kararating ko lang galing sa paghahanap sa sinasabi nitong anak ko at sa babaeng naging dahilan ng pagkakakulong ko ng tatlong taon sa bilangguan.

Nalaman ko rin dito ngayon ang kalagayan ng kapatid ko kasama ang hayup na si Gallardo, ang tungkol kay mommy at sa pamangkin ko.

"Not yet Ramirez. Hindi natin alam kung sino ang mga galamay ni Marga. Mas kailangan natin mag ingat ng doble ngayon."

"Putangina mo! Ang sabihin mo wala kang bayag!"

"Putangina mo rin! At anong ikakaso kay Marga? Come on mag-isip ka, wala tayong ibang ebidensya kundi ito lang at alam mong mabilis din malulusutan ni Marga lahat dahil hindi naman sya mismo ang gumawa kundi si Delgado! At mas lalo lang nating pag iinitin ang babaeng iyon kapag ginawa natin yan pag surrender nitong lintek na disk na to!"

"O baka natatakot ka dahil sayo opinondo yun mga ninakaw?" Mapang uyam kong sagot dito.

"Hindi ako natatakot, dahil ako mismo ang susuko sa batas oras na matapos lang lahat ng kaguluhang ito, Ramirez."

Nakipag sukatan ito ng tingin sa akin.

May atraso pa rin ito sa pamilya ko pero tama sya, hindi kami magkalaban...sa ngayon.

Tama si Alden, masyadong tuso at maduming magtrabaho si Marga, at maaring manganib ang buhay ng pamilya ko kung magpapadalos dalos kami.

Nauna itong nag-iwas ng tingin.

"Kamusta ang mag ina mo?" Pag iiba nito sa usapan.

"My son is good." Tipid kong sagot.

"How about the mother?" Muli ako nitong tiningnan at tinaasan ako ng kilay.

"How about the mother?" Tumawa ako ng mahina. "Katulad mo Alden, after all these shits may kalalagyan din ang babaeng yon." Nilayasan ko na ito bago pa kami magkainitan na naman.

________________

Lyndon's POV

Matapos naming i-report at makipag usap sa mga pulis tungkol sa nangyaring pamamasok sa tinutuluyang bahay ng family ni Heleina ay nagdesisyon akong iuwi na ito sa Manila. Wala naman nawala sa mga gamit nila kundi ang sinasabi ni Lei na hard disk na pag aari daw ni Tito Paul. Ito rin pala ang sinasabi ni Lei na kukunin nya sana sa Laguna.
Pero ano ang meron sa disk na yon? Hindi naman ako nito kinakausap kahit tanungin ko ito pero isa lang ang natitiyak ko..
Na marahil ay may kinalaman ang kung sinumang nagpapadala sa akin ng message sa disk na iyon.

"Are you okay?" Nag aalala kong tanong. Nakaupo lang ito sa sofa at walang ginawa kundi ang bumuntong hininga.

"No."

Of course she's not! Sino bang magiging okay sa mga nangyari?

"Look Heleina, gusto kitang tulungan pero sana naman ipaintindi mo sa'kin kung anong nangyayari."

"Hindi ko alam! Kahit ako hindi ko alam kung ano bang nangyayari? Hindi ko alam kung bakit lagi na lang kami ng pamilya ko ang minamalas! Hindi ko alam kung bakit lagi na lang ako.." Malakas na sigaw nito na nauwi sa malakas na hagulgol.

Parang pinipiga ang puso ko habang nakikita syang umiiyak.

"Lei." Lumuhod ako sa harap nito at niyakap ito.

Hinayaan ako nitong yakapin sya at damang dama ko ang sakit sa bawat paghikbi nito.
Kung pwede ko lang sanang akuin lahat ng sakit.

Ilang araw na ang lumipas at para akong masisiraan ng ulo. Tahimik lang si Lei, pasalamat na lang ako at kumakain at umiinom naman ito ng gamot nya pero aside from that ay lagi lang itong nakakulong sa kwarto nya. Nakapag pa check na rin ito at sinabi ng doctor at sinabi nitong hindi na contagious ang sakit nito, pero may spot pa rin ang lungs nito at kailangan pa rin ng continuous na pag inom ng gamot. Isa pa sa ipinag aalala ko ay ang sinabi ng doctor sa kanya to stop smoking, which is ngayon ko lang nalaman.
Isa sa pinakaayaw sa akin ni Lei noon ay ang paninigarilyo ko. Kahit paminsan minsan lang naman iyon ay pinagbawalan pa rin ako nito kaya itinigil ko, pero bakit nya ginawa sa sarili nya iyon?

Natigil ang pag iisip ko ng mag ring ang cellphone ko.

Si Mark.

"Mark"

"How is she?" Parang hinihingal ang boses nito. "Daddy, puntahan na lang natin sya." Dinig ko rin pagsasalita ni Celine.
Biglang kumabog ang puso ko.

"Anong nangyayari Mark? May nangyari bang masama sa anak ko?"

Please wag si Tiffany..

"No, Tiffany is ok. Don't tell me hindi mo pa alam?"

"Alam ang alin? Pwede ba Mark diretsuhin mo ako?"

Narinig ko ang pag buntong hininga nito.

"Dude it's all over the news and internet, inaresto si Marga Castillo. Natagpuang patay ang CFO ng Castillo Inc. dahil may audio video'ng viral na ngayon sa internet tungkol sa pag uusap ni Mrs Castillo at nun CFO tungkol sa hard disk na naglalaman ng mga confidential transaction ng pera sa kompanya ng mga Castillo. Nabanggit din ang pangalan ng dad ni Lei kaya anytime now ay baka may dumating nang pulis dyan sa condo mo."

Agad lumipad ang tingin ko sa nakasarang pinto ng kwarto ni Lei.

Naguguluhan ako pero isa lang ang pumasok sa utak ko...
She's in danger at kailangan naming umalis dito ngayon din.

"Lyndon? Are you still there?"

"Mark, I'll talk to you later. Iuuwi ko sa mansyon namin si Lei."

"Ok, be safe dude."

Pinindot ko ang number ni daddy pagkatapos ng pag uusap namin ni Mark.

"Son."

"Dad please sunduin nyo ang anak ko sa bahay ni Mark, magsama ka ng body guards, uuwi kami ni Heleina dyan ngayon."

____________
Someone's POV

Napangiti akong ini-off ang TV.
Iba talaga pag media ang nag ingay.
Ang bilis magpakitang gilas ng mga pulis.

Simula pa lang yan Marga, marami pa akong laro para sa'yo. Sabay kayong babagsak ni Luis Castillo.

"I think I need a nice and warm thank you." Lumapit ito sa akin at siniil ako ng halik sa labi.

Pumikit ako at gumanti sa halik nito.

"Well done, Ricky boy."

___________

Alden's POV

Pwede ko nang i-surrender ang disk na ito at sumuko sa mga pulis pero kailangan ko munang makita si Hollie bago ko gawin iyon.

Alam kong kahit nakakulong si Marga ay may mga gumagalaw pa rin para sa kanya sa labas at alam kong pupuntiryahin nito ngayon si Hollie dahil alam nyang nasa akin ang disk na ito.

Nilingon ko ang anak ko na nakikipag laro sa anak ni Ramirez.
Lagi nitong hinahanap sa akin ang mommy nya at nauubusan na ako ng dahilan minsan.

Nang pumutok ang balitang inaresto si Marga ay dinala dito ni Lee ang mag-ina nya. May security dito sa subdivision at may ilan tao din akong nagbabantay ngayon sa labas ng bahay ko.

__________
Heleina's POV

"Hija, pabubuksan ulit natin ang kaso ng daddy mo at paiimbestigahan ko rin ang sinasabi mong nangyari sa kompanya ng mga Castillo." Tinapik ni tito Albert ang balikat ko bago tuluyan akong iwan.

Kaaalis lang din ng mga pulis at kung ano anong mga itinanong sa akin tungkol kay daddy. Kahit ayokong magsalita sa harap ng mga Gallardo ay napilitan akong sabihin ang nangyari sa pamilya namin. Mula sa pagpapatalsik kay daddy sa kompanya dahil sa pagnanakaw na hindi naman nito ginawa, hanggang sa maaksidente sila ni mommy. Nabanggit ko din ang tungkol sa nangyari sa amin ni Alden. Na nakatanggap ako ng message sa unknown number at sinasabing makipagkita ako sa hotel room na iyon kung gusto kong tulungan si daddy.

Napagtutugma tugma ko na ang lahat pero parang ayaw tanggapin ng utak ko ang mga naiisip ko.

Na ako ang dahilan ng lahat lahat ng nangyayari sa pamilya ko.

Dahil nagmahal ako ng isang Lyndon Gallardo.

_____________
Thank you for reading!

Maraming chapters pa po ito, baka isipin ng iba malapit na ang ending.

Vote.comment.fan

lovingly_yours007

06-12-2015

Lyndon's Dirty GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon